“Carmie, bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na may fiancé ka? Ako itong nagpanggap pero ikaw pala ang may totoongfiancé ,” nakangusong sabi ni Chia Chaine. Natawa si Carmeline sa inasal ng kaibigan. Para itong batang pinagkaitan ng paborito nitong tsokolate. “Hindi naman sa ayaw kong sabihin, kahit nga ako ay hindi rin alam ang tungkol sa arranged marriage, kakaalam ko lang rin naman nito. Nagulat ako nang gabing sabihin sa akin ng parents ko na may fiancé na raw ako. Hindi ko rin inaasahan na ang ikakasal sa akin ay walang iba kundi ang kababata ko sa Canada. Hindi pa nga ako nakaka-move on sa nalaman ko ay nagulat akong muli ng kinabukasan ay ipakilala siya sa amin ni Ma’am Alvares na new classmate namin.” Napatango-tango naman si Chia Chaine. Hindi naman siya nagtatampo na hindi

