Maingay ang loob ng classroom ng grade 11 - Alpha section of ABM strand. Lahat ay tuwang-tuwa sa balitang magkakaroon ng foundation week. Which means a week of no classes and a week of fun. Hindi na nagreklamo ang mga estudyante sa maagang pagkuha ng quarterly exam kung ang kasunod nito ay isang linggong walang klase dahil sa activities na gagawin sa foundation week. Hindi pa rin sila makapaniwala na magkakaroon ng formal coronation night for the Paradise Royalty. Nakaupo si Carmeline sa kanyang upuan. Sa tabi naman niya si Ivorille na nakapatong ang ulo sa armchair. Mukhang natutulog ito at walang pakialam sa ingay sa klase.Nang lingunin niya ang isa niyang tabi ay ganoon rin si Iluvio. Himala at parehas natutulog ang dalawa. Ano kaya ang pinagkakaabalahan nitong dalawa at parang pagod

