Carmela Orselleous-Orellius, the name has a big impact on Inno. Whenever he hears the name, he feels again the wounds he experienced because of her. It brought back all the pain and suffering he had endured back then but it just went to nothing. Subalit ngayon ay hindi na sakit ang nararamdaman niya kundi takot. Natatakot siya sa presensya ni Carmela, dahil alam niyang manganganib ang buhay ni Carmeline. Carmela is after him, and he knows that there’s a small chance that she will not harm his beloved sweetie. At sinisisi niya ang sarili kapag may nangyari masama sa kanyang pinakamamahal.
Nakilala ni Inno si Carmela noong first day of school. They we’re grade seven at that time. He was annoyed by her presence. Masyado kasi itong makulit at madaldal, na siyang kinaayawan niya kaya bakante ang katabi niyang upuan sa kanan. Ang nasa kaliwa niya kasi ay ang bestfriend niyang si Inno. Wala siyang magawa ng naupo ito sa tabi niya, dahil iyon na lamang ang bakanteng upuan sa room nila. Siya pa ang pinagalitan ng teacher nila dahil sa nagreklamo siya na dapat ay paalisin ito sa kinauupuan niya dahil ayaw niyang may katabi. Maliban sa ito na lamang ang bakanteng upuan ay anak pala ito ng may-ari ng unibersidad. Nalaman niya iyon ng magpakilala ito sa harapan, first day of school kaya introduce yourself na siyang karaniwang ginagawa dahil ayon sa teacher ay para makilala sila nito.
Hindi siya tinigilan nito sa kakulitan. Whenever there’s a vacant time, she will face him and ask him different questions, but he never bothers to answer her. But the girl didn’t give up. If she has free time, she will ask again and again the questions that Inno ignores. To completely stop her from asking nonsense, he will put on his headset and play some music. Ngiting tagumpay siya kapag nakikita niya itong dismayado at nakasimangot. Noong natapos ang kanilang unang araw sa klase ay nakangiti si Inno na dumeretso sa dorm nila kasabay si Iluvio, subalit ang ngiti niya ay unti-unting nawala nang makita si Carmela na nakaupo sa sofa nila sa dorm. Ito pala ang nakatakdang gumamit ng isa pang kuwarto sa dorm nila.
Hindi inakala ni Inno na mahuhulog ang loob niya rito. Sa bawat araw na dumaraan ay nasanay na siya sa presensya nito. Naroong naramdaman niyang bumibilis ang t***k ng puso niya sa tuwing makikita niya itong nakangiti sa kanya. Kapag nagagalit naman ito sa kanya ay hindi siya mapakali. Kaya gagawa siya ng paraan para mawala ang galit nito. Naranasan na rin niya iyong parang nag slow motion ang paligid niya ito lamang ang nakikita niya. Nang mga oras na iyon ay hulog na hulog na pala siya sa babae ngunit hindi niya pa maamin.
Tadhana na ang gumawa ng paraan para maamin niya sa sarili na minamahal niya na si Carmela. Nakita niya itong yakap-yakap ng isang lalaki, kaya madali niya itong hinila papalayo si Carmela at sinunggaban niya ng isang malakas na suntok ang lalaki.
“Why did you do that? Why did you punch him? You can just let him go without punching him.”
“Why did I punch him? I’m freaking jealous, Carmela. I don’t like to see you with other guys. I don’t want to see you hugging a man other than me. I like you, no scratch that I already fall for you. I’m in love with you Carmela.”
Bigla siyang niyakap nito. “Don’t be jealous Inno, he’s just a suitor of mine but he is not important to me because I don’t like him. He just hugged me for the last time because I turned him down. I told him that he has no chance on me because I already love someone else.”
“Who’s that guy? Tell me, so I’m gonna punch him for stealing you from me.”
“Then punch yourself,” natatawang wika ni Carmela.
Napakunot ang noo ni Inno dahil hindi niya agad maintindihan ang sinabi nito. Bakit niya susuntukin ang sarili? Biglang nanlaki ang mata ni Inno ng marealize niya ang ibig sabihin nito kaya hinabol niya ito at hinawakan ang mga kamay. Ikinulong niya ito sa mga bisig niya. “You’re mine now Carmela, at huwag mong subukang tumakas dahil hindi ko hahayaan na mangyari iyon.”
Masaya ang relasyon nila, bawat monthsary nila ay hindi malilimutan ni Inno at Carmela na i-celebrate iyon. Masaya na siya at kuntento na sa kung ano ang mayroon sa kanila. Wala na siyang mahihiling pa kundi ang maging masaya lang sila sa relasyon at lalong tumibay ito sa pagdaan ng panahon. Subalit hindi napagbigyan ng tadhana ang hiling niya dahil sa trahedyang hindi niya inaasahang nakasira sa buo niyang pagkatao.
“She was your ex-girlfriend but you never did tell me. If she never showed up right now, you won’t bother telling me right? You will just hide it from me forever,” mahinahong sabi ni Carmeline. Subalit ramdam ni Inno ang diin sa bawat salita nito.
“No sweetie, I didn’t intend to hide it from you. I’m just afraid that you will leave me when you know about her.” Iyon ang totoo, natatakot siya sa maaaring mangyari kapag nalaman ni Carmeline ang tungkol kay Carmela.
“Don’t you trust me Inno? You should have told me, I will definitely understand you. I don’t like the fact that you’re hiding something from me, just tell me and we will talk about it so that we can understand each other.”
Napatango-tango na lamang si Inno. Ang swerte niya kay Carmeline, kung sana ay ito na lamang ang una niyang nakilala at hindi si Carmela ay baka hindi siya nakaranas na masaktan tulad ng dati. “I will not hide anything from you sweetie. Don’t be mad at me anymore please.”
“I am not mad at you, I’m just disappointed with your actions. Just don’t do it again if you don’t want me to be mad at you. If that happens again, I will ignore you even if you kneel in front of me.” Tumango si Inno at yinakap niya nang mahigpit si Carmeline. “Inno, will you tell me what happened in the past, they mentioned to me that there’s something that happened in the past, that all of the royalties are involved, and it has a big impact with you. I want to fully understand your heartaches in the past.”
Napabuntong hininga na lamang si Inno. Mukhang wala na siyang takas, ito na rin siguro ang tamang panahon para malaman ni Carmeline. Siguro ito na rin ang tamang oras para palayain niya ang sarili sa nakaraan.
Kagabi pa hindi nagpapakita si Carmela kay Inno, sobra na siyang nag-aalala sa kasintahan. Hindi niya maiwasang isipin na baka napahamak na ito. Ang bestfriend niyang si Iluvio ay pinapakalma siya at sinasabing baka pinuntahan lang nito ang mga magulang. Kung umuwi ito sa kanila ay dapat nagsabi ito sa kanya o kaya’y nagpadala man lang ng message para hindi siya nag-aalala. Kaya sinabihan niya ang Emperor na magsagawa ng emergency royalty meeting na siyang pinaunlakan naman nito.
Nang makumpleto ang lahat ay sinabi niya ang problema, halata sa mga mukha nito ang gulat. Humingi siya ng tulong sa mga ito na samahan siya sa paghahanap sa Empress, na siyang kasintahan niya. Tumingin siya sa Emperor at hinihingi ang sagot nito. Hindi naman siguro ito tatanggi sa pakiusap niya dahil pinsan naman nito ang nawawala. Subalit hindi pa rin niya maiwasang madismaya sa sinabi nito.
“Go, you can help the King find her if you want. I don’t want to meddle with your problem. Meeting adjourned.”
Bago pa man makalabas ang Emperor sa pinto ng headquarters ay bigla na lang may pumasok na estudyante at sinabi niyang, “Ang Empress nandiyan sa tapat ng dorm nina King, punong-puno siya ng sugat at pasa.”
Nagtatakbuhan silang lahat papunta sa dorm ni Inno, sa pangunguna niya at ng Emperor. Akala niya’y wala itong pakialam pero heto at isa sa nangunguna sa pagtakbo. Binalewala niya na lamang ang Emperor at mabilis na tumakbo. Nang makita niya si Carmela na nakaupo sa harap ng dormitory nila. Madungis ito at halatang nanghihina, mabilis niya itong dinaluhan ngunit hindi niya inaasahan na itinulak siya nito.
“Layuan mo ako, huwag kang lalapit sa akin!” singhal nito sa kanya.
“Babe, what’s the problem? Kagabi pa ako nag-aalala sa iyo, bakit hindi ka man lang nag-message kung saan ka pumunta. Bakit ang dumi-dumi mo? Halika na sa dorm para makapagpalit ka na, tapos saka mo na sabihin sa akin ang nangyari.” Nang tangkain niyang lumapit ulit ay itinulak siyang muli ng kasintahan.
“Sinabi ko ng huwag mo akong lalapitan! Message? Hindi ba’t ikaw ang nagpapunta sa akin sa isang warehouse. You even message me that you need me there. Pero anong naabutan ko roon, isang abandonadong warehouse. At kayo, huwag na huwag niyo akong tingnan na parang wala kayong alam.” Tinuro nito ang mga royalty na nasa likod ni Inno. “Nagkampihan pa kayong lahat, sobra na bang inggit niyo sa akin at nagawa niyo akong ipabugbog sa mga inupahan niyong tauhan? Napaamin ko ang mga inutusan niyo at itinuro nila sa akin na ang nag-utos sa kanila ay Royalty.”
“Nagkakamali ka Empress, wala ni isa sa amin ang gumawa sa iyo niyan, mukhang sine-set up lamang kami ng dumukot sa iyo,” pagtanggi ng isang Royalty sa akusasyon kasintahan ni Inno.
“Carmela, babe, I didn’t message you to go there. Hindi ako ang nagpapunta sa iyo doon. Nagkakamali ka, hindi ko gugustuhin na mapahamak ka. Baka nagsinungaling lamang ang mga dumukot sa iyo. Babe, maniwala ka sa akin. Nirerespeto ka ng bawat Royalty kaya hindi nila magagawa ang binibintang mo sa kanila.” Hindi na alam ni Inno kung paano ipaintindi sa kasintahan na wala silang kinalaman sa nangyari sa kanya.
“Sige magkampihan lang kayo, hinding-hindi ko malilimutan ang ginawa niyo sa akin. Babalik ako, at sisingilin ko kayo sa kasalanan niyo. I’m breaking up with you Inno, I don’t deserve someone like you na ipapahamak lang pala ako.”
“What happened after she broke up with you?” tanong ni Carmeline ng matapos niyang maikuwento ang nangyari sa nakaraan.
“She leaves me without even hearing my side. I loved her so much, but she just left me dumbfounded.”
“Iniwan ka niya ng hindi inalam ang totoo, tapos ngayon ay babalik siya na parang walang nangyari.”
“Sweetie, I’m scared that she will do harmful things to you. I don’t want you to get hurt because I love you so much.”
“Don’t worry Inno, I will not be hurt by her. I know how to protect myself. Just promise me that you won’t leave me.”
“I promise sweetie, I will not come back to her. She doesn’t have any space in my heart because you already own my heart now. I love you so much sweetie.”
“I love you too, my Inno Bryle Guidotti.”