CHAPTER 4

3979 Words
Chapter 4 Kapag usapang pakikipagrelasyon, tutol diyan ang mga magulang ko. Lalo na si Daddy. Mahigpit niyang ipinagbabawal ang pagasok sa relasyon sa murang edad. Sina Ate at Kuya nga na nakapagtapos na ng senior high ay pinaghihigpitan pa rin, paano pa ako? Palaging itinatatak sa isipan ko na mag-focus muna ako sa pag-aaral at hindi sa pagno-nobyo. Wala naman akong planong sundin ‘yon dahil wala silang karapatan na kontrolin ako. Kung ano ang gusto ko para sa sarili ko, ‘yon ang masusunod. Kung ano ang ayaw kong gawin, hindi nila ako mapipilit. Lumipas ang isang buwan at nakita ko naman na consistent si Reymel sa pagpaparamdam sa ‘kin na gusto niya ako. Palagi niya akong pinapasaya at pinapangiti na hindi ko naman ugaling gawin noon. Palagi niya akong sinasamahan sa pagpunta sa canteen. Palagi niya rin akong sinusuportahan sa mga ginagawa at desisyon ko. Hindi nagkulang si Reymel sa mga bagay na gusto kong makita at iparamdam sa ‘kin ng isang lalaki. Ang totoo niyan, halos nasa kaniya na nga ang lahat. Good looks, the brain, and being a gentleman. Hindi niya ipinakita sa ‘kin na dapat kong pagsisihan ang pagbibigay ko ng tiyansa sa kaniya. Naisip ko na bakit ko pa patatagalin ang panliligaw niya kung puwede naman naming ipagpatuloy ang ganitong set up bilang mag-boyfriend at girlfriend? Kanina ay hinintay niya na naman ako sa pagpasok para sabay na kami. Sa gate pa lang ng school ay nakita ko na kaagad ang masaya niyang ngiti nang makita niya akong bumaba sa jeep na sinasakyan ko. Hindi naman siya kilala ng mga kapatid ko kaya hindi na nila pinagkaabalahan na siyasatin ito. Kalat na rin sa buong building namin na isang buwan na magmula nang manligaw sa akin si Reymel. Ang mga kaklase namin ay palaging kinikilig at napapa-“sana all” kapag nakikitang magkausap at magkatabi kami sa classroom. Marami rin namang mga estudyante ang nagsasabi ng negatibo patungkol sa panliligaw niya ngunit wala na akong pakialam sa mga sasabihin nila. Ang mahalaga lang sa akin ay ‘yong nararamdaman namin ni Reymel para sa isa’t isa. Iginala ko ang paningin ko sa kabuuan ng classroom dahil walang Reymel na naghihintay sa ‘kin para sabay na kaming pumunta sa canteen. Halos tatlo na lang yata kaming natira sa classroom dahil nagsulat pa ako ng essay kanina. Hindi ko naman napansin na nakaalis na pala silang lahat. Nagtataka man ay pinili ko na lang na magpunta mag-isa sa canteen para kumain. Baka may pinuntahan lang siya kasama ang mga kaibigan niya. O baka inutusan lang siya ng isang teacher. Habang naglalakad ako papunta sa canteen ay isa-isa kong nakita ang mga kaklase ko na nakahanay sa daanan. May mga hawak silang red rose at nang madaanan ko ang nasa pinakamalapit sa akin ay iniabot niya sa ‘kin ang hawak niyang red rose. Hindi ko naman alam kung anong gagawin ko sa mga rosas na ibinibigay nila. Bakit ba nila ako binibigyan? Hindi ko pa naman debut. Sinusundan ko lang ang linya nila. Halos hindi na ako makahinga sa dami ng roses na hawak ko. Mabuti na lang at wala na ang mga tinik dahil paniguradong puro sugat ang matatamo ko kung sakaling hindi pa natanggal ang mga ‘yon. “Yie. Stay strong sa inyo,” nakangiting saad ni Alexandra nang iabot sa akin ang rosas. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Bigla akong nagkaroon ng idea kung para saan ang mga bulaklak na ‘to. “Sabi na’t kayo talaga ang magkakatuluyan, eh,” pang-aasar naman ni Kim nang madaanan ko siya. Inilagay niya ang rosas na hawak niya sa ibabaw ng iba pang rosas na hawak ko. Umabot ang linya nila hanggang sa canteen ng school. Wala akong nakitang kumpulan ng estudyante sa loob ng canteen kundi ang mga tindero at tindera lang, pati na rin si Reymel na nasa gitnang bahagi ng canteen. Lalapit na sana ako sa kaniya ngunit nagulat ako nang isa-isang pumasok ang mga kaibigan niya kasama ang iba sa mga kaklase naming lalaki. Sa gilid kasi ng canteen ay may isa pang bakal na pinto kaya nakadaan sila roon. Bawat isa sa kanila ay may hawak na papel na may printed letter. Habang isa-isa silang humihilera ay iniisa-isa ko rin ang pagbasa ng mga letter na hawak nila. Nang makumpleto na sila ay nabuo na rin ang nakasulat sa mga papel. “Will you be my girlfriend?” mahina at dahan-dahan na basa ko sa mga nabuong salita. Napaawang ang labi ko pagkatapos kong mabasa ‘yon. Nakita ko ang isang palumpon ng mga bulaklak galing sa likuran ni Reymel. Nakangiti siya habang nakatitig sa ‘kin. “Decyrie, simula nang makilala kita ay wala na akong ibang hiniling kundi ang mas makilala ka pa at ang maging akin ka. Alam ko na hindi ako ang lalaki na magiging best para sa ‘yo pero gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para mapasaya ka palagi. G-Gagawin ko ang lahat ng bagay na puwedeng makapaghatid ng ngiti sa magaganda mong labi.” Napahawak siya sa kaniyang batok at saka hinawakan nang maayos ang palumpon ng mga bulaklak na hawak niya. “Salamat dahil binigyan mo ako ng pagkakataon na maiparamdam sa ‘yo kung ano ‘yong nararamdaman ko para sa ‘yo. Malaki ang pasasalamat ko na ako ang binigyan mo ng tiyansa na manligaw sa ‘yo dahil kahit sino naman ay magiging suwerte kapag nahuli na ‘yong kiliti mo. Napasaya mo ako kahit na palagi kang walang kibo sa ‘kin.” Napapakagat na lang ako sa labi ko nang dahil sa kilig na nararamdaman ko. I never thought that I can feel this kind of happiness. This is just so extreme… so new and foreign. Matagal bago niya sinundan ang sinabi niya. Humugot muna siya ng malalim na buntonghininga bago siya nagsalita. “Decyrie, you are the first girl who captured my heart. I also want you to be my last, so… Decyrie, can you accept me as your boyfriend?” Nakita ko ang panginginig ng kaniyang kamay na nakahawak sa plastik ng bulaklak kaya hindi ko naiwasang matawa at mapailing. Nanlaki ang mga mata niya at nabigla sa naging reaksyon ko. “A-Ang ibig sabihin ba ng pag-iling mo ay n-no?” Pati ang boses niya ay nanginig na rin. Narinig ko ang panghihinayang sa mga ingay na ginawa ng mga kaklase namin na nasa labas ng canteen. Naniwala naman sila kaagad sa naging conclusion ni Reymel. Naglakad ako palapit sa kaniya. Inilapag ko sa isang lamesa na nadaanan ko ang mga rosas na ibinigay ng mga kaklase ko kanina. Nabibigatan na kasi ako at nangangalay na ang mga braso ko. Nasa akin lang ang buong atensyon ni Reymel at hindi niya inaalis sa akin ang mata niya na puno ng pangamba. Nang nasa harapan niya na ako ay bahagya akong napatingala dahil mas matangkad siya kaysa sa ‘kin. “Hindi mo man lang ba muna ibibigay sa ‘kin ang mga bulaklak na hawak mo?” At saka ko tiningnan ang palumpon ng mga bulaklak na nasa kamay niya. Dali-dali naman niyang iniabot sa akin ang mga bulaklak. Ang sarap sa ilong ng halimuyak ng mga bulaklak. “N-Nakalimutan ko. Sobra kasi akong kinakabahan,” paliwanag niya. Natawa na naman ako. Nag-angat ako ulit ng paningin sa kaniya. Tiningnan ko siya nang diretso sa mga mata. “Pakiulit nga ng tanong mo, medyo hindi ko kasi narinig kanina.” Nag-taas at baba ang kaniyang Adam’s apple. Hinanap niya ang kamay ko at saka hinawakan ‘yon gamit ang dalawang kamay niya. Tinitigan niya rin ako nang diretso sa mga mata ko. “Decyrie, can you accept me as your boyfriend?” A smile slowly crept on my lips then I nodded. “Yes,” masayang sagot ko. “Boyfriend na kita ngayon at girlfriend mo na ako.” Saglit muna siyang natahimik bago niya ako niyakap at saka inikot-ikot. “Yes! Yes! She said yes! Narinig niyo ‘yon, mga Pre? She said yes to me!” puno ng kasiyahan na sigaw niya. Naghiyawan ang mga kaklase ko pati na rin ang mga kaibigan niya. Narinig ko ang pagmamadali nila sa pagpasok sa canteen. Nakita ko na may naghahampasan at naghihilahan ng buhok. Natawa ako at saka hinampas si Reymel sa balikat. “Ibaba mo na ako, Reymel. Ang daming nanonood.” Narinig ko ang paghinga niya nang malalim bago ako ibinaba. Hinawakan niya ulit ang kamay ko at saka ipinagsalikop ang mga kamay namin. Malawak siyang ngumiti sa akin. Kitang-kita ko ang kasiyahan na nag-uumapaw sa mga mata niya. “Masaya lang ako, sobrang saya. Sa wakas, akin ka na. At sa ‘yo lang ako. Ipinapangako ko na pasasayahin kita palagi at hindi kita sasaktan.” Pagkatapos niyang sabihin ‘yon ay niyakap niya ako nang mahigpit. Iniangat ko ang dalawang bisig ko at sinuklian ang yakap niya. Hawak ko sa dalawa kong kamay ang mga bulaklak na ibinigay niya. Napatitig ako roon. Hindi ko inaasahan na gagawa ng ganitong bagay si Reymel. Nasa isip ko kasi na sapat na sa kaniya ‘yong palagi niya akong sinasamahan sa canteen, sa library, sa court, at ang pagsuporta niya sa lahat ng desisyon ko. Hindi kami nag-away ni Reymel sa loob ng isang buwan dahil siya ‘yong tipo ng tao na palaging magpapakumbaba kahit pa may ipinaglalaban siya. Hindi niya rin hinahayaang tumagal ang hindi namin pagkakaunawaan. Sa totoo lang, plano ko na rin namang sagutin si Reymel ngayon kahit hindi niya gawin ang mga bagay na ‘to. This surprise of him may be simple but it will never be forgotten. First time rin naman niyang gumawa ng ganito kaya expected na talaga na simple lang ang magiging suprise niya. Kahit na ganoon naman ay sobra ko pa ring ikinatuwa ‘yon. “Sana all na lang talaga!” sigaw ng mga kaklase namin. “Thank you, Reymel. Thank you for making me happy.” I am sincere on what I said to him. Tingin ko nga ay hindi sapat ang salitang “thank you” para maibalik sa kaniya ‘yong mga nagawa niya para sa ‘kin. I don’t think I can pay him back. Pagkatapos ng araw na sinagot ko si Reymel ay mas lalo siyang naging maalaga, sweet, at naging protective sa ‘kin. Palagi na rin kaming sabay na nag-aaral. Tinulungan niya akong huwag magpabaya sa pag-aaral kaya hindi nagtagal ay mas nataasan ko na si Sofia. Kapag kasama ko si Reymel, pakiramdam ko ay lahat ng bagay na makikita ko ay nakangiti sa akin. Gano’n ako kasaya kapag siya ‘yong kasama ko. Minsan naman ay kasama niya ang mga kaibigan niya ngunit wala naman ‘yon sa ‘kin dahil bago ako dumating sa buhay ni Reymel ay sila ang palaging kasama ng boyfriend ko. Hindi naman nakakalimutan ni Reymel na ipaalala sa ‘kin kung gaano niya ako kamahal at kung gaano siya kasaya na ako ang naging girlfriend niya. “Siguro’y nagbayad ang mga magulang mo para tumaas ang grado mo, ano?” Isang araw ay ‘yan kaagad ang bumungad sa ‘kin. Namumula ang buong mukha ni Sofia habang sinusundan ako papunta sa upuan ko. “Magsalita ka, Decyrie! Hindi ba’t nagbayad lang naman ang mga magulang mo kaya ikaw ang naging top 1 natin?!” Kaunting araw na lang ay matatapos na ang pagiging grade 10 namin dahil magmo-move up na kami. Hindi naging madali para sa akin ang maka-survive pero dahil nandiyan naman si Reymel ay tinulungan niya ako. Palagi niya akong mino-motivate kapag nakakaramdam ako ng katamaran. Kapag pakiramdam ko ay pagod na ako, palagi niyang pinagagaan ang kalooban ko. Umupo ako sa upuan ko at saka ako nag-angat ng tingin kay Sofia na nakatayo sa gilid ko. “Kung mababa ang nakuha mong grado, ‘wag kang gumawa ng paraan para manghila pababa ng iba. Wala akong alam sa sinasabi mo, Sofia. Kung nagbayad nga talaga ang mga magulang ko para tumaas ang grado ko, edi sana matagal na naming ginawa ‘yon?! Edi sana una pa lang ay ako na ang top 1 at hindi ikaw!” sigaw ko sa mukha niya. Mas lalo namang namula ang mukha niya at bumilis ang paghinga niya. “Malay ko bang ginawa mo na rin ‘to noon, pero dahil sobrang baba ng mga grado mo kaya hindi na umubra. Nakakapagtaka lang kasi na biglaan ang naging pagtaas ng mga grado mo kaysa sa ‘kin. Ano ang ibang rason kung hindi ka nagbayad? Ano ‘yon, bigla kang sumipag?” pang-iinsulto niya. Ngumisi ako at saka prenteng sumandal sa upuan ko. “Well, I’m not saying this to brag, but I have a boyfriend who helped me to become a hard-working student. Eh ikaw?” Natawa siya nang sarkastiko. “Talaga ba? Tingnan na lang natin kung hanggang saan ‘yang kayabangan mo kapag nalaman mong niloloko ka lang ng boyfriend mo.” Pagkatapos niyang sabihin ‘yon ay padabog siyang naglakad pabalik sa upuan niya. Nang mawala si Sofia sa gilid ko ay dahan-dahang napanis ang ngisi ko. Hindi ko ipinahalata na naapektuhan ako sa sinabi niya. Bigla akong kinutuban sa sinabi ni Sofia ngunit ayaw kong magpadala sa instinct ko. Kahit kailan ay hindi pa ako nakaramdam ng kahit na anong pagdududa sa mga ipinapakita ni Reymel dahil hindi pa naman siya kailanman nagsinungaling sa akin. Palagi siyang honest at nanatili siyang loyal sa ‘kin sa apat na buwan na magkarelasyon kami. Ngayon pa ba ako magdududa sa kaniya kung kailan marami na kaming pinagsamahan at mga problema na nilagpasan namin nang magkasama? Ayaw kong paniwalaan ‘yong mga binitawang salita ni Sofia ngunit sinasabi ng instinct ko na dapat akong maniwala. Minsan lang pumalpak ang instinct ko. Hindi ko talaga alam kung anong mararamdaman ko kung sakaling tama nga si Sofia. Lumipas ang dalawang araw at wala naman akong napapansin na kakaiba sa ikinikilos ni Reymel. Normal pa rin naman ang pakikitungo niya sa akin. Kung papaano niya ako itrato nang nililigawan pa lang niya ako ay ganoon pa rin naman hanggang ngayon. “Kailan mo ba ako balak ipakilala kina Tito, Babe?” biglang tanong ni Reymel na nasa harapan ko. Tapos na ang pangatlong subject namin at naisipan kong manatili na lang muna kami sa classroom namin. Wala ako sa mood lumabas ngayon dahil binabagabag pa rin ako ng mga salita na narinig ko mula kay Sofia. Reymel didn’t notice that I was always not in my usual self. This is what I hate about myself. I tend to overthink things even though I didn’t need to. But what can I do? Despite of my rock-like attitude, I still can feel how to be anxious. “Babe,” pukaw ni Reymel sa atensyon ko. Bumaling ako sa kaniya at nakita ko ang pag-aalala sa ekspresyon niya. Nakakunot ang kaniyang noo at bahagya siyang nakanguso. “Okay ka lang ba?” Hinawakan niya ako sa noo at sinalat ang aking leeg. “Wala ka namang lagnat.” Pilit akong ngumiti. “A-Ayos lang ako. M-May iniisip lang,” palusot ko. “Ano nga pala ‘yong itinatanong mo?” Umiling siya at saka ngumiti sa akin. “Wala, Babe. ‘Wag mo na isipin ‘yon. At saka ako ba ‘yang iniisip mo, Babe? Sus, ‘wag na. Nandito naman ako palagi.” Tumawa siya kaya napatawa na lang din ako. Puro talaga siya kalokohan palagi. Tumayo siya at saka ako hinalikan sa noo. “Lalabas muna ako, pupuntahan ko lang sina Adrian.” Tukoy niya sa mga kaibigan niya. Tumango ako. “Sige, bumalik ka kaagad dahil baka ma-late ka sa next subject natin.” Matamis siyang ngumiti at saka ako ulit hinalikan sa noo. “Opo, Babe ko. Mabuti naman at nag-aalala ka na ngayon na ma-late ako. Parang dati lang ay wala kang pakialam kahit late na tayong dalawa.” Hinampas ko siya sa braso pero tinawanan lang niya ako. “Sige na, puntahan mo na sila,” usal ko. “I love you,” bulong niya. Isang beses pa ulit niya akong hinalikan sa noo bago siya lumabas sa classroom. Napatitig naman ako sa pinto ng classroom namin kung saan lumabas si Reymel. I just realized that when I met him, a lot of things in me had changed. I became more responsible and caring now. Nang dahil din sa kaniya ay pinagtuunan ko ng pansin ang pag-aaral ko. Siya ang dahilan kung bakit nagsipag akong mag-aral. Naisip ko kasi na hindi ako bagay sa kaniya kung pabaya ako sa pag-aaral tapos siya naman ay masipag. Reymel is a sweet kind of person that you would meet. Palagi siyang humahalik sa noo ko sa tuwing gusto niyang maglambing. Palagi niyang hinahawakan ang dalawang kamay ko kapag nararamdaman niyang pagod ako. Palagi rin niya akong niyayakap kapag siya naman ‘yong gusto ng lambing. He’s just too pure to resist. Hanggang ngayon ay hindi pa alam ng mga magulang ko na may boyfriend na ako. Hindi ko ipinaalam ang relasyon namin ni Reymel kahit sa dalawang kapatid ko na malapit sa ‘kin. Sa tingin ko ay mas mabuti kung aabot muna kami ng isang taon ni Reymel bago ko siya ipakilala sa mga magulang at mga kapatid ko. Hindi naman namin dapat madaliin ni Reymel ang ganoon dahil lahat naman ng bagay ay may proseso. Sobrang suwerte ko talaga na si Reymel ang naging boyfriend ko. Kung hindi siguro dahil sa kaniya ay wala akong magiging pagbabago sa kung papaano ako mag-aral. Tama naman siya sa sinabi niya na wala akong pakialam dati kahit parehas pa kami na ma-late sa klase. Pero simula nang maging magkasintahan na kami ay mas naging conscious na ako sa mga bagay-bagay na nasa paligid ko. Papunta ako ngayon sa Faculty Room dahil ako ang inutusan ng teacher namin sa TLE na maghatid ng mga papel namin. Last project namin ito sa kaniya dahil next week ay magpa-practice na lang kami ng pag-akyat sa stage at pagkuha ng diploma. Magpa-practice na rin kami ng mga kakantahin namin sa mismong araw ng moving up. “Hi, Sir! Ito na ‘yong mga papel namin,” bati ko nang makalapit sa lamesa niya. Nahagip ng paningin ko ang pagtingin sa akin ni Mrs. Usmenya ngunit wala na siyang sinabi. “Naks naman, Acibar! Sige, akin na.” Iniabot ko naman sa kaniya ang mga papel na hawak ko. “Salamat sa paghatid. Ingat kayo ng jowa mo sa pag-uwi.” At saka siya tumawa. Napailing-iling naman ako at lumabas na sa Faculty Room. Naglakad na ako pababa sa building ng classroom namin. Halos lahat din ng teacher ay alam na ang relasyon namin. Nakarating kasi sa Principal’s Office ang ginawang pag-surprise sa ‘kin ni Reymel sa canteen ng school. Mabuti na lang nga at hindi naman kami nabigyan ng punishment. Kung ako lang sana ang mabibigyan ng punishment ay ayos lang. Pero madadamay kasi si Reymel kaya ipinagpapasalamat ko na wala. Nang tuluyan akong makababa sa first floor ay nakasalubong ko ang mga kaibigan ni Reymel. “Oh, nandito ka pa pala, Decyrie? Nasaan si Reymel?” tanong ni Adrian. Huminto ako sa paglalakad dahil huminto rin sila. Mababait naman itong mga kaibigan ni Reymel kaya hindi ako nahirapan na pakisamahan sila. Ngumiti ako sa kanila. “Nandoon siya sa gate, naghihintay sa ‘kin. May idinaan pa kasi akong mga papel sa Faculty Room kaya pinauna ko na siya ro’n. Bakit?” Nagkatinginan muna sila bago bumaling ulit sa akin. “Huwag ka sanang mao-offend pero pinagbawalan mo ba si Reymel na sumama sa ‘min? Simula kasi noong nakaraang buwan ay hindi na siya halos sumasama sa amin,” saad ni Austin. Bigla akong nanlamig sa sinabi niya. Hindi ako puwedeng magkamali sa narinig ko dahil malapit lang kaming apat sa isa’t isa. Bigla akong nanghina kaya nagbaba ako ng tingin. Huminga nang malalim si James. “Huwag mo sanang masamain ‘yong tanong namin. Nag-aalala lang naman kami kasi baka may hindi kayo pagkakaintindihan kaya hindi na siya nakakasama sa amin.” Umiling ako at saka pilit na ngumiti sa kanila. “H-Hindi ko siya kailanman pinagbawalan na puntahan kayo. Kapag nagpapaalam siya sa ‘kin ay pumapayag ako kaagad dahil sinasabi niya na pupuntahan daw niya ang mga kaibigan niya.” Tumingala ako para pigilan ang luha na balak kumawala sa mata ko. Nang magbaba ako ng tingin ay pare-parehas lang ang naging reaksyon nila: pagkalito. “Kung hindi niyo na siya nakakasama at ang paalaam niya sa akin palagi ay pupunta siya sa mga kaibigan niya, tingin niyo ba ay may iba pa siyang kaibigan?” ‘Yon ang pinaka-logical at pinaka-safe na paliwanag sa ngayon kung bakit hindi tugma ang paalam ni Reymel sa akin at sa mga sinabi ng mga kaibigan niya. Ayaw kong isipin na may iba pa siyang rason kung bakit niya ginawang dahilan ang pagpunta sa mga kaibigan niya kahit na ang totoo ay hindi naman talaga niya pinupuntahan ang mga kaibigan niya. Umiling si James. “Sa tagal na naming magkakaibigan, wala namang naikuwento sa amin si Reymel na may iba pa siyang kaibigan.” “Tama si James, Decyrie. Simula elementary ay magkakaibigan na kaming tatlo kaya kilala na namin kung sino ang mga kaibigan ng bawat isa sa ‘min,” sang-ayon ni Austin. Nag-aalalang tumingin sa akin si Adrian. “Base sa nakikita kong ekspresyon mo ngayon, may problema kayo ni Reymel. Sana ay mapag-usapan niyo ‘yan at maayos niyo kaagad.” Mababaw ang naging pagtango ko. “Sige, salamat sa inyo. Mauuna na ako. Sasabihin ko na lang kay Reymel na nakausap ko kayo.” Iniwan ko na sila roon at naglakad na ako patungo sa gate ng school. Gusto kong maglumpasay at magwala ngayon nang dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Kahit marami na ang mga rason para magduda ako ay pinipilit ko pa rin na kumbinsihin ang sarili ko na mali silang lahat. Iniisip ko na hindi pagkakaintindihan lang ang nangyayari ngayon. Hindi ako magagawang lokohin ni Reymel. Hinding-hindi niya ‘yon magagawa dahil nangako siya sa ‘kin. Nangako siya na hinding-hindi niya ako sasaktan. Nangako siya kaya alam kong tutuparin niya ‘yon. Inayos ko ang sarili ko at saka ngumiti nang makita ko si Reymel na nakatayo sa tabi ng guard house. “Hi,” masaya ang tono na bati ko nang makalapit. Nagliwanag ang kaniyang mukha nang marinig ako. Bumaling siya sa akin at saka ako hinawakan sa baywang. “Hi, Babe. Kumusta ‘yong iniutos sa ‘yo ni Sir? Okay na ba?” Naglakad na kami palabas sa school. Hindi ko maiwasang mapangiti nang mapait habang naririnig ko siya. Hindi ko talaga mapaniwalaan na ang kagaya niya na walang ibang ginawa kundi ang pasayahin at iparamdam na mahal ako ay lolokohin lang pala ako. “Ayos na, naihatid ko na.” Huminto kami sa gilid ng kalsada para maghintay ng jeep. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at nakita kong nasa kalsada ang paningin niya. “By the way, nakita ko ‘yong mga kaibigan mo kanina. Sabi nila ay nami-miss ka na raw nila dahil hindi ka na sumasama sa kanila.” Kitang-kita ko kung papaano siya natigilan. Nahinto ang ginagawa niyang paghimas sa baywang ko. Nagbaba siya ng paningin sa akin at saka siya hilaw na ngumiti. “T-Talaga?” Tumango ako at saka ngumiti sa kaniya. “Sabi ko ay busy ka kasi sa pag-aaral kaya gano’n.” Hindi naman siya nakasagot kaya inialis ko na ang paningin ko sa kaniya. T*ngina. Kahit huling-huli na siya ay nagagawa pa rin niyang lumusot. Kahit nahalata ko na siya ay nagawa pa rin niyang maging kalmado.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD