CHAPTER 1
CELINE's POV:
"Celine! Magiging jackpot ka ngayong gabi. Guess what? Nandito si Mr. Cooper. Ang big time businessman. Kaya galingan mo ha? Hindi siya kuripot pagdating sa pera. Malaki 'yon magbigay!" sambit ni Madam Baby. Siya ang manager dito sa club na pinagtatrabahuhan ko. Siya rin ang dahilan kung bakit napunta ako sa ganitong trabaho. I don't have a choice. Malaki ang utang namin kay Madam Baby. Siya ang sumagot ng hospital bills ni papa nung nagkaroon ito ng cancer.
By the way, my name is Celine Sanchez. Bente kwatro (24) anyos at isang college student. Maganda, sexy, makinis ang katawan at higit sa lahat malakas ang appeal. Ito ang naging rason kung bakit kinuha ako ni Madam Baby sa kanyang club. She needs me in her business. Kaya napilitan na lamang akong pumasok sa trabahong ito para makabawas kami ng utang sa kanya.
Kaya bukod sa estudyante ako sa umaga, isa rin akong dancer sa club. Sumasayaw sa entablado na tanging panty at bra lamang ang kasuotan. Pang-aakit ang ginagawa ko sa mga lalaking dumarayo rito.
"Madam baby, may kasunduan po tayo diba? — Sinabi ko naman sa inyo na huwag niyo akong tatawagin sa tunay kong pangalan kapag nandito tayo sa club," pagsasaway ko sa kanya.
Ito agad ang napansin ko sa sinabi niya. Ayoko kasing may makarinig sa kanya dahil alam kong isang kahihiyan ang ganitong trabaho. Para sa ibang tao, maruming trabaho ito. Kaya tiyak kapag may nakakilala sa akin, pangungutya at pandidiri ang matatanggap ko mula sa kanila — lalo na sa mga kaklase ko.
"Oo nga pala. Pasensya na. Nakalimutan ko ang kasunduan natin. Masyado kasi akong na-excite nang makita ko ang galanteng customer natin ngayong gabi. Kaya pagpasensyahan mo na ako, Angel," saad nito kasabay sa pagbanggit niya nang pangalang nakatago sa aking pagkatao.
Angel ang tawag sa akin ng mga katrabaho ko rito sa club. Isang anghel daw kasi ako sa tuwing gumigiling at umiindayog sa entablado.
Napasinghap na lamang ako at agad kong kinuha ang maskara upang isuot na ito.
Gaya nang sinabi ko kanina, ayokong may makakilala sa akin. Sa harap ng entablado, iba ang kulay ng aking buhok at meron ding maskara ang aking mukha.
Wala namang pakialam ang mga lalaking nanonood sa akin kung anong itsura ko, dahil para sa kanila, katawan ko lang ang mahalaga.
"Sigurado ba kayong galante 'yan Madam Baby? Baka mamaya, mataas na sa kanya ang limang libo. Hindi pa sapat 'yon para sa gamot ni papa," muli kong bigkas.
"Masyado ka namang nega, Angel... Magtiwala ka sa akin. Kailan ba kita binigo? Basta't husayan mo lang sa pagsasayaw para i-table ka ni Mr. Cooper. Kaya sige na, pumunta ka na sa entablado dahil maraming naghihintay sa'yo sa labas," tanging wika ni Madam baby sa akin habang tinutulak na ako nito na lumabas.
"Sandali lang Madam Baby, sino ba dyan si Mr. Cooper na tinutukoy niyo?" tanong ko naman para tingnan kung matandang mayaman ba itong binabanggit niya.
Pero gano'n na lamang ang aking gulat nang ituro ni Madam Baby ang isang lalaki na halatang malinis sa katawan at mabango.
Ang inaakala kong matanda ay isa palang binata na pinagpala sa kagwapuhan.
Bumilis tuloy ang t***k nang puso ko habang pinagmamasdan si Mr. Cooper. Sa isang taon kong pagtatrabaho rito sa club, siya lang ang bukod tanging lalaki na nakita kong may perpektong mukha.
"Dalian mo na Angel at ikaw na ang sasayaw," ani ulit ni Madam Baby.
Kaya hindi na ako nagpakipot pa at tuluyan na nga akong lumabas mula sa aming silid upang tunguhin ang mismong entablado na pagsasayawan ko.
Pagkaapak ko pa lang sa stage ay hiyawan na kaagad ng mga lalaki ang narinig ko. Kanya-kanya silang tapon ng pera na animo'y gusto nila akong bilhin.
"Woahh Angel! — Wala ka talagang kupas! Ang sarap mong panoorin!" sigaw ng isang lalaki na halatang naglalaway na ito sa katawan ko.
Nagsimula na nga akong sumayaw na may kasamang pang-aakit sa aking galaw.
Nakakahiya man itong ginagawa ko pero pinili kong tatagan ang aking loob. Alam ko naman kasi na darating ang panahon na makakaalis din ako sa ganitong trabaho.
"Igiling mo pa Angel! Bibigyan kita ng sampung libo!" bigkas naman ng isa pang customer.
Napatingin naman ako sa lalaking sumigaw at tila'y nasilaw ang mata ko sa mga daang libo na hawak niya.
Kaya talagang tinodo ko ang pag-giling para makuha ko ng buo ang perang nasa kamay niya.
"Hubad Angel! Hubad! — Mas gusto naming makita ang nasa loob ng bra mo!" malakas na sambit ng iba pang customer. Para silang uhaw sa katawan ko. Handa talaga silang magbayad ng malaki, makita lamang ang aking s**o.
Pero hindi ko ito pwedeng gawin. Dahil tiyak na masisira lalo ang pagkatao ko. Ayos na sa akin ang sumayaw lamang sa entablado.
Nang matigil ang tugtog ay tumigil na rin ako sa pagsayaw.
Umakyat naman si Madam Baby sa stage dahilan para magtaka ako. Ito yata ang unang beses na umakyat siya ng stage matapos ang aking performance.
"Madam Baby, anong gagawin niyo?" mahinang tanong ko sa kanya.
"Just relax Angel. I'm just doing you a favor. Kailangan mo ng malaking pera diba? Kaya huwag ka nang kumontra pa," pakindat na saad nito sa akin.
Humarap siya sa mga lalaking customer kasabay nang pagkuha niya ng mikropono.
"Good evening everyone. Alam kong nasasabik kayong makasama si Angel sa VIP room. Kaya ngayong gabi, pagbibigyan ko ang kahilingan niyo. The higher the bid, the highest chance of winning. Hindi na kayo lugi dahil sariwa pa si Angel. She's a virgin, " nakangising wika ni Madam Baby sa mga lalaki.
Maging ako ay nagulat sa sinabi niya. Wala sa kasunduan namin na ibugaw niya ako.
Nag-uumapaw tuloy ang kasiyahan sa mukha ng mga customer. Hindi nila napigilan magtanong tungkol sa anunsyo ni Madam Baby.
"Kapag ba binayaran ko ng kalahating milyon si Angel, matitikman ko ba ang katawan niya?" ani ng isang lalaki na tila desididong bayaran ako ng malaki makuha lamang ang p********e ko.
"Oo naman. Lahat ng gusto niyong gawin kay Angel, magagawa niyo — kung kayo ang mananalo sa bid," sagot naman nito.
"Madam Baby, ano bang pinagsasabi niyo? Wala sa usapan natin ang ganito," giit kong saad.
"Just go with the flow Angel. Minsan lang tayo magkaroon ng malalaking kliyente kaya peperahan natin sila. At kapag nangyari 'yon, mababayaran mo na ang isang milyon na utang ng pamilya mo sa akin," wika niya upang ipaalala kung gaano kalaki ang naging utang namin sa kanya.
Napalunok na lamang ako ng laway at hindi na nga ako sumuway pa sa pakulo ni Madam Baby.
Kahinaan ko talaga ang pamilya ko. Kaya sa tuwing binabanggit ang salitang 'utang' ay nanghihina ako.
Nagsimula na ngang magbid ang mga lalaki para lang bilhin ako ngayong gabi.
"Five hundred thousand," saad ng lalaking hayok na makasama ako sa VIP room.
"Five hundred thousand for Don Juaquin. Higher than five hundred thousand? Meron pa ba?" tanong ni Madam Baby.
"Six hundred thousand," bigkas ng isa pang matanda na punong-puno ng alahas sa katawan.
Jusko! Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon para sa aking sarili. Hindi ko kayang isuko ang virginity ko sa kanila. Para ko na silang mga lolo. Mas matanda pa sila kay Tatay.
Habang nagpapatuloy ang pag-bid sa akin nga mga matatandang negosyange. Napukol naman ang aking tingin kay Mr. Cooper, ang lalaking hinihintay kong tumaas ng kamay para bilhin din ako.
Mas tatanggapin ko pang siya ang makasama ko buong gabi kaysa mapunta ako sa iba.
"Please bid me Mr. Cooper. Pleasee..." Ito ang pakiusap ng aking isipan habang nagkatitig sa mga mata ni Mr. Cooper.
"One million for Angel," sambit ng isang lalaki na hindi gaanong matanda. Siguro nasa 40's lamang ang edad nito — kagaya ng edad ni Mr. Cooper.
Sa sobrang pagfocus ko kay Mr. Cooper hindi ko namalayan na meron pa palang lalaki na kasing edad niya.
"Wow! A one million for Mr. Harold. May tataas pa ba sa isang milyon?" tanong ni Madam Baby na halos umaabot na ang ngiti nito sa kanyang tenga.
Dahil sa laki ng perang binigkas ng huling lalaki, wala na yatang pag-asa na makuha ako ni Mr. Cooper. Kaya sa palagay ko, kay Mr. Harold na ang bagsak ko.
Pero gano'n na lamang ang aking gulat nang tumayo si Mr. Cooper at madiin nitong sinambit ang mga salitang nagpahinto sa aking mundo.
"Three million... I want her," bigkas ni Mr. Cooper na talagang hinigitan ang isang milyon para hindi na ito mahabol pa ni Mr. Harold.
Totoo ba talaga ito? Mr. Cooper sold me for three million just to be with him?
Ibig sabihin, tama nga si Madam Baby. Galante nga at mayamang tao si Mr. Cooper.
"Oh gosh! Three million for Mr. Cooper. I guess, he's the winner tonight," masayang saad ni Madam Baby na halatang pumaldo ito sa bidding ni Mr. Cooper.
Yung isang milyon na utang ko sa kanya, naging triple pa ang kapalit.
"Mr. Cooper, you can have Angel now... You can do anything you want. Hindi tatanggi ang alaga kong ito... And don't worry, malinis ang babaeng ito, virgin pa siya kaya hindi pa siya nagagalaw ng iba," pahayag ni Madam Baby dahilan para makaramdam ng inggit at panghihinayang ang mga lalaking natalo sa bid.
"Good to know. — So shall we, Ms. Angel?" pagbaling na tingin nito sa akin habang inaaya na ako nitong pumasok sa VIP room.
Kahit may kagwapuhang taglay itong si Mr. Cooper, hindi ko pa rin maiwasan na maging kabado. This is my first time. I don't have any experience in bed. Hindi ko alam kung paano ko siya mapapaligaya sa kama.
"Enjoy Mr. Cooper," tanging saad ni Madam Baby at tuluyan niya na nga akong binugaw sa malaking kliyente.