Nasa park si Layla alas siete na ng gabi ng mapansin nya ang isang lalaki na nakahandusay sa daan. May ilaw naman kayat alam niyang lalake iyon, kinabahan siya at di niya alam ang gagawin kung usisain ba niya ito o iwasan nalang at iwan. Sahuli imbis na umalis e nilapitan niya ito.
"kuya okay ka lang ba?" tanong niya rito.
ngunit hindi ito sumagot...
nanginginig man e minabuti niyang yugyugin ito ng bahagya,
"kuya? may problema ba?" tanong ulit niya habang niyuyogyog parin dahilan para gumalaw ang lalake.
"hmmmp," tanging sambit nito at biglang nakaramdam si layla ng inis. Naamoy kasi niya ang alak ng huminga ng malalim ang lalake habang sarap na sarap sa pagkakatulog.
"ibang klase, matino paba ito? parang bahay nya itong parke kaya kahit sa daan eh natutulog, akala ko ba naman kung anong nangyari sa kanya, lasing lang pala." mahinang turan ng dalaga.
Akmang tatayo na sana siya e bigla siya nitong hinawakan sa kamay.
"huwag mo akong iwan, mahal na mahal kita" wika ng lalake na mukhang iiyak pa yata..
Nangunot naman ang nuo ni Lyla, pakiramdam niya ay para sa kanya talaga ang mensahe ng lalaking nakahawak sa kamay niya... Ramdam niya ang kirot at sakit ng kaharap niya ngayon. nakaramdam tuloy siya ng awa para rito, kahit pa na hindi pa niya naranasang mabigo o iwan ng minamahal dahil NBSB siya.
"sorry ho kuya hindi po ako ang kasintahan mo, nagkakamali ka ho...!"
namumugto ang mga matang nakatitig sa kanya habang hawak parin nito ang kanyang kamay at pinipisil pisil pa.
"pakiusap, huwag mo akong iwan, kailangan kita, hindi ko kayang mawala ka.," patuloy lang ang mga luhang pumapatak sa dibdib nito.
Dahil sa awa ay sinamahan nya nalang ito, naupo sila sa bench habang tahimik lang na magkahawak ang kamay na parang batang ayaw mawalay sa ina habang naka hilig ang ulo nito sa balikat ni lyla....