Naramdaman si Khala ang init ng katawan ni Padre Damian ng yakapin siya nito kaya naman hindi niya naiwasan na hindi kiligin ngunit hindi niya ito pinahalata. Tumingin si Padre Damian sa dalaga at tila ba may nais sabihin ito ngunit bakas sa mukha nito na kinakabahan " Sa totoo lang hindi ko maunawaan ang nararamdaman ko pero sa tuwing nawawala ka sa tabi ko tila ba hinahabap kita" Nahihiya pang pahayag ni Padre Damian. " Ano kaya yun? bahala na nga, ganto na lang kapag umabot na ng dalawang buwan na ganto tayo at hindi mo parin alam ang isasagot mo, sige titigilan na kita." Seryosong pagkakasabi ni Khala at tumalikod na siya kay Padre Damian ngunit muli siya nitong pinigilan at pansin niya na kinakabahan parin ito. " Seryoso kaba doon? titigilan mo na ako?" Tanong naman ni Padre Damia

