HINDI ko alam kung ano bang gagawin ko ngayong nandito 'yung mga taong hindi ko gustong makita ng sabay-sabay.
Si Riechen lang naman ang hinahanap ko tapos makikita ko ngayon 'yung babaeng naka-one night stand ko. Idagdag pa 'yung lalaking unggoy na panay ang hawak kay Riechen. Tapos sumabay pa itong si Rylle na napaka galing kong kaibigan na talagang magse-celebrate pa sa nangyari sa akin.
Tsk! Hindi ko siya pinapunta rito para sa ganoon! Magtatanong lang naman ako sa kanya kung may kilala siyang Detective para ipahanap 'yung batang babae na 'yon. Gusto kong malaman kung 'yung naka-one night stand ko ay 'yung batang babae na pinangakuan kong papakasalanan.
"Uy, Hi, pogi!"
Isang tili na may maarteng boses akong narinig malapit sa akin kaya nilingon ko ito. At ganoon nalang ang pag-atras ko palayo dahil sa pagkagulat sa kanya. She is inches away from me. Kung tinulak ako ni Rylle ngayon ay siguradong mayayakap o mahahalikan ko ito.
"Ah, eh." parang umatras yata ang dila ko dahil lahat sila ay nakatingin sa akin.
'Yung mga mata nila na parang sinasabi sa akin na may mali akong nagawa na hindi ko naman alam kung ano.
"It's rude, when a girl approach you and you stepped back." biglang nagsalita 'yung unggoy.
Ako pa ang rude ngayon? Samantalang siya itong rude na panay ang hawak at feeling close kay Riechen. At isa pa, nagulat lang ako dahil sobrang lapit niya. Masama na bang magulat?
"Hindi naman siya rude, Kuya Eunho. Nagulat ko yata." biglang depensa sa akin nung babae. "Sorry pogi, nagulat yata kita." sabi niya nang lingunin ako.
Hindi ako nakasagot, ni hindi ko nga alam kung ano yung naging reaksyon ng mukha ko ngayon. Gusto kong ngumiti para sabihin na okay lang pero mas nangingibabaw 'yung inis na nararamdaman ko.
"Hi Riechen." biglang bati ni Rylle kay Riechen.
Nilingon ko si Rylle at binigyan ng nakakamatay na tingin. Gusto kong malaman niyang ayoko ng nakikipag-close siya kay Riechen. Bukod sa may girlfriend na siya ay hindi ako papayag na kausapin niya ito.
"Uh, hi rin po Doctor Rylle." bati ni Riechen at bahagyang yumuko na kinakunot ng noo.
Wh-what? Para saan 'yon? And why she addressing him as a Doctor?
Bigla kong natampal ang noo ko. Nakalimutan kong Doctor nga pala itong kumag kong kaibigan.
Tiningnan ko si Riechen. Binigyan niya ako ng masama at malamig na tingin na ikinagitla ko.
Ano 'yon? Anong klaseng tingin 'yon? Ramdam ko 'yung lamig na 'yon.
"Mukhang hindi pa rin maganda ang pakiramdam ngayon ni Sir Reid. Kung maaari Doctor Rylle, paki-check muna siya baka masama na naman pakiramdam niya." malamig na sabi ni Riechen na parang walang buhay. Daig pa 'yung kaninang emosyon niya na punong-puno ng energy habang kausap 'yung unggoy.
Nakita kong tiningnan ako ni Rylle na napakamot pa ng batok nito. "Ah, okay, mukha nga na masama pa ang pakiramdam niya dahil parang wala siya sa sarili ngayon." natatawa pang tugon ni Rylle.
Napakuyom ako sa narinig ko. Parang gusto kong basagin 'yung bungo niya para hindi na makapagsalita pa.
"Ang mabuti pa ay kumain nalang tayo nang sabay-sabay. The more, the merrier." sabi ng babae na malapit sa akin.
"Samantha." biglang tawag ni Riechan sa kaibigan niya.
"Mukhang wala namang sakit si pogi baka naman gutom lang. Hindi mo pa yata pinapakain Riechen." ani ng babae na ang pangalan pala ay Samantha.
"Saman---" hindi na tinuloy ni Riechen 'yung gusto niyang sabihin dahil parang may kung ano sa tinginan nilang dalawa ni Samantha.
Ito ba 'yung line na, makuha ka sa tingin?
"Oh, tamang-tama hindi pa nga ako kumakain ngayon dahil pinuntahan ko agad si Reid dito." sabi ni Rylle na ngumiti ng bahagya. Feeling close pa itong ngumiti kay Riechen at Samantha.
"Tss! Okay." tila napipilitang pagsang-ayon ng unggoy na tinatawag na Eunho kanina.
"Yey! Let's go!" tili ni Samantha na nakuha pang tumalon.
Parang nahilo pa ako nang hindi ko sinasadyang mapatingin sa dibdib nito.
Umay. Wala pa akong kinakain ngayon pero parang naumay yata ako.
Magkakasabay kaming naglakad papunta sa isang Filipino Cuisine na malapit lang dito. Wala pa nga limang minuto ay nasa loob na kami at umupo sa tapat ng pabilog na mesa.
"Hmm. Amoy palang nakakatakam na." masayang sabi ni Samantha habang sini-serve ng waiter ang mga in-order naming pagkain.
Tiningnan ko 'yung pagkain na nasa harapan ko. Natakam agad ako sa sisig dahil matagal rin noong huli akong kumain nito. Pero hindi ko maiwasan ang maging malungkot dahil na alaala ko siya.
Tuwing tanghalian ay madalas akong bigyan ni Secretary Irene ng sisig na dito mismo sa restaurant binili. She loves to eat sisig and she thought that I really like it too. Noong una ay hindi ko talaga ito masyadong bet kainin with kanin dahil madalas ay pulutan lang namin ito. Pero dahil sa kanya mas naging paborito ko pa ito kumpara sa lechon.
"Reid." mahinang tawag sa akin ni Rylle at mahinang siniko niya ako sa kanan ko kung saan siya nakaupo.
Nilingon ko siya at nagtatakang tiningnan ko siya.
"Hindi mo ba gusto 'yung in-order mo? Gusto mo palit tayo? Akin na iyang sisig at liempo mo, sa 'yo nalang itong dinuguan at puto ko." nakangiti pang sinabi ni Rylle na inaalok talaga sa akin 'yung pagkain niya na halos makalahati na niya.
"No, thanks. May na alala lang ako." sagot ko matapos siyang tingnan at muling binalik sa pagkain ko ang tingin ko.
"Don't tell me na hanggang ngayon ay naaalala mo pa rin siya?" biglang sabi ni Rylle kaya mabilis ko siyang nilingon.
Kumunot bigla ang noo ko dahil sa narinig ko.
"Move on na Reid, if ever nandito siya ay hindi matutuwa iyon. You know how much she cared for you na halos kulang nalang ay maging Yaya mo na siya." tuloy-tuloy pang sabi niya.
"Girlfriend ba ni pogi 'yung tinutukoy mo?" biglang singit ni Samantha na may bahid ng lungkot sa boses niya.
Nakalimutan kong hindi lang pala kami ni Rylle ang tao rito. May kasama nga pala kaming dalawa.
Tiningnan ko 'yung dalawang kasama pa namin na talagang pinagsisihan ko dahil 'yung hiniwang steak ni unggoy ay nilagay sa plato ni Riechen.
"Kain ka na. Baka gusto mo ako pa ngumuya niyan para sa 'yo?" ngising sabi ni unggoy kay Riechen na sinagot lang ni Riechen with her death glare.
"Kadiri ka talaga Kuya Eunho!" react ni Samantha sa matinis nitong boses.
Tumawa lang ang unggoy at muling bumalik sa pagkain niya. Si Riechen naman ay tahimik lang na kumakain.
Bigla kong naisip na kung sakali palang kaming dalawa lang ang nandito at wala 'yung tatlong bugok ay ganito rin ba kami? 'Yung paunahan kung sino mapanisan ng laway dahil walang imikan. At paunahan kung sino ang makakaubos ng pagkain sa mesa.
Parang ang hirap naman ka date ni Riechen. Daig ko pa 'yung nakipag-date sa standee ng bias nila.
"Reid, magtatampo niyan si Irene kapag nalamang hindi ka pa kumakain." basag ni Rylle sa pag-iisip ko at pag-i-imagine ko.
"Girlfriend ba ni pogi 'yun? Kanina pa ako nagtatanong dito pero parang bingi ka, Doc? Kailangan mo rin ba ng doctor baka may problema ka na sa pandinig?" nagtatampong pahayag ni Samantha na nakuha pang ngumuso.
"Ay sorry, Miss. Uh, hindi niya girlfri----." hindi naituloy ni Rylle ang pagsasalita nang may biglang tumayo.
"Ang mabuti pa ay kumain na muna kayo bago magtanungan." sabi ni Riechen habang pinupunasan ng tissue ang kanyang bibig.
Bigla ay gusto kong maging tissue ngayon dahil kanina ko pa talaga gustong matikman iyon. Mas mabubusog pa ako sa mga labi niya kaysa sa mga pagkain ko ngayon.
"Kumain ka na, Sir Reid." sabi ni Riechen nang tingnan niya ako. "Kung may gusto kang ibang kainin ay sabihin mo lang para mapa-order kita. Ano bang gusto mong kanin?" dagdag pa niya kasabay ng pagtanong niya sa gusto ko.
"Ikaw." mabilis na sagot ko na napalunok-laway pa dahil sa natakam talaga ako sa matamis niyang labi.
Nakarinig ako ng pagbagsak ng mga bagay kaya napatingin ako sa ibang kasama namin ni Riechen. Parehong nakanganga at gulat na gulat sina Rylle at Samantha na parehong nabitawan ang hawak ng kutsara. Isang matalim na tingin ang ipinukol sa akin ni Eunho.
Pagtingin ko kay Riechen ay parang hindi ako makahinga dahil sa tingin niyang nakakamatay talaga.