NAKARINIG ako ng malakas na sigaw mula sa labas ng opisina ko. Parang may kung anong away o gulo na nangyayari. Labag man sa loob ko na tumayo mula sa kinauupuan ko dahil may binabasa akong proposal ay kinailangan ko itong tingnan.
Paglabas ko ng opisina ay nakaramdam agad ako ng inis. Dahil sa taong nasa tapat ng mesa ni Riechen.
"I can't believe that you are a secretary!" natatawa pang sabi ni Nica habang tinitingnan si Riechen.
"So? What's the problem of being a secretary?" tila tinatamad na sagot ni Riechen habang abala sa tapat ng computer nito.
"Funny, you're dreaming to be Diethard's girlfriend. Haha, in your dream! I am the real and only girlfriend of him, b***h!" malakas na sabi ni Nica dahilan para magtinginan at bulungan pa lalo ang mga emplayado na nakikitsismis.
Napasapo ako ng ulo ko dahil pakiramdam ko ay sasabog ito. "Ugh, anong ginagawa ni Nica sa company ko?!" naaasar na sabi ko at nagsimula ng maglakad palapit sa mesa ni Riechen.
"As far as I know, I didn't said that I am his girlfriend. I only said is, I am his date that night. So, who is the b***h here? And keep on dreaming that she was the real and only one girlfriend? " sabi ni Riechen na tumayo na mula sa kanyang mesa.
Naglakad siya palapit sa akin habang hawak ang ilang documents sa kanyang bisig. Binigyan niya ako ng malamig at tinatamad na tingin.
"Sir, I am done reviewing this documents." sabi niya.
"You!" biglang sigaw ni Nica.
Slow motion pang lumingon si Riechen kay Nica habang may kinukuha ito sa bulsa.
"Outsider are not allowed in this company, so if I were you, leave now before I call the security to drag you out of this building." mapanghamon na sabi ni Riechen na tila may tatawagan na sa kanyang cellphone na kinuha niya sa bulsa ng kanyang blazer.
"I am gonna kill you b***h!" sigaw ni Nica habang nagmamartsa paalis.
Nakita ko ang gulat at pagkamangha ng mga nakikitsismis na empleyado. To be honest maging ako ay nagulat din. Even Secretary Irene couldn't make Nica to leave the company. But Riechen is incredible, by her words, she can make it. Binigyan ko ng masamang tingin ang mga emplayado kaya nagkanya-kanya na silang balik sa kanilang trabaho.
Tss, mga tsismoso at tsismosa nga naman hanggang dito sa company naglipana rin.
"It's not easy to deal with your crazy admirer, Sir. You better got a girlfriend and marry her as soon as possible. So, that woman had never ever got a face to step here again." sabi ni Riechen na naglakad na papunta sa opisina ko.
"Are you jealous?" bigla nalang lumabas sa labi ko ang salitang 'yon ng sundan ko siya.
Nilingon niya muna ako ng sandali bago binuksan ang pinto at pumasok sa opisina ko.
"Ayokong mapagkamalan akong girlfriend mo at saluhin lahat ng galit ng mga nagkakagusto sa 'yo lalo na 'yung galit ng babaeng 'yon." malamig pa sa aircon ng opisina ko na sabi ni Riechen.
This girl is unbelievable, paano niya nagagawa 'yung ganitong presence? 'Yung malamig na akala mo nasa loob ka ng kuwarto na nakatodo ang aircon?
"Anyway, thank you sa pagpapaalis kay Nica." sabi ko na dumiretso na sa mesa ko para ipagpatuloy ang pagbabasa ko ng proposal.
Hindi umimik si Riechen pagkatapos niyang ilagay ang mga documents sa mesa ko ay tahimik na siyang lumabas ng opisina ko.
"Bakit parang math si Riechen, mahirap intindihin at hulaan kung anong iniisip niya?" wala sa loob na sabi ko habang tinitingnan ang mga documents na iniwan niya.
INUBOS ko ang lamang alak na nasa baso ko bago ko tiningnan si Rylle na kanina pa nagsasalita pero hindi ko naman maintindihan. Dahil parang lumipad 'yung isip ko sa malayong lugar at hanggang ngayon ay hindi pa nakakabalik. Nasa isang bar kami na malapit lang sa opisina ko. Nagyaya ng bonding si Rylle para makapag-chill dahil ilang araw na siyang nag-o-overtime.
"Grabe ka, Reid! Kanina pa ako kuwento nang kuwento dito hindi ka pala nakikinig!" reklamo ni Rylle habang pinaglalaruan ang kanyang baso na may lamang alak. "Babae ba?" bigla ay tanong niya.
Napatingin ako sa kanya na nakakunot ang noo at salubong ang kilay. "Anong pinagsasabi mo?" inis na sabi ko.
Ano bang pinagsasabi nitong si Rylle Co? Epekto yata ito ng pagtratrabaho niya lagi ng over time sa hospital.
"Relax lang, oy, Reid." natatawa pa niyang sabi bago inumin ang alak na nasa kanyang baso. "Kaya ko nasabing babae ba kasi iyon naman lagi problema mo. Sa dami ng nagkakagusto sa 'yo, sa dami mong admirer at feeling girlfriend mo. Siguradong problemado ka." seryoso niyang sabi.
Sinalinan ko ng alak 'yung baso ko at mabilis itong ininom. "Parang ikaw hindi mo problema 'yan, ah," sabi ko.
Simula ng mga bata palang kami ay lapitin na kami ng mga babae dahil sa murang edad artistahin na ang mukha naming dalawa. Mas dumami pa noong nag-high school at college kaming dalawa. Nagkaroon pa kami ng sariling fans club dahil sa mga babaeng nagkakagusto sa amin.
"Ngayong may girlfriend na ako, hindi na sila masyadong maharot at nagpaparamdam sa akin." natatawa pa niyang sabi. "Kaya ikaw Reid, mag-girlfriend ka na para wala ng magpapantasya sa 'yo." dagdag pa niya.
Biglang sumagi sa isip ko 'yung sinabi kanina ni Riechen nang manggulo si Nica kanina. Nagsalin uli ako ng alak sa baso ko at mabilis itong ininom. Nagsalin uli ako ng alak sa baso ko at tiningnan lang ito. Wala akong maisagot sa sinabi ni Rylle. Hindi sa torpe at bakla ako kaya ayaw kong magka-girlfriend.
"Don't tell me, pinanghahawakan mo pa rin 'yung pangako mo sa batang babae na 'yon?" napahawak sa kanang balikat ko si Rylle para kunin ang atensyon ko sa basong tinitingnan ko.
Napapikit ako ng dalawang mata. I still remember the sweet and bright smile of her. 'Yung batang babae na hindi ko natanong ang pangalan pero nangako akong papakasalan siya dahil gusto ko siyang alagaan. I was 8 years old when I met that little girl. Naka-blind fold ang kanyang mata nung makita ko siya sa park. Hinihintay niya ang kanyang kuya nung araw na 'yon.
"You, okay?" tanong ko sa batang babae na tahimik na nakaupo sa isang bench sa park na malapit sa bahay.
"Yes, I am," nakangiti nitong sabi.
Hindi ko alam kung umiiyak ba siya o natatakot dahil naka-blindfold ang kanyang mata ng kulay itim na tela. 'Yung matamis at nakakasilaw niyang ngiti ang nakikita ko.
"Wala kang kasama?" bigla kong tanong.
"Mayro'n, may binili lang si Kuya." masayang sabi niya.
Parang nakakita ako ng anghel sa tuwing ngumingiti siya. I want to kiss her cute red lip pero bawal dahil bata pa ako at ganoon din siya. Naalala ko bigla 'yung movie na napanood ko kasama si Mom.
"Paglaki ko, hahanapin kita at papakasalan. Pangako ko 'yan." sabi ko at ibinigay ang isang keychain na nakasabit sa suot kong short. Inilagay ko ito sa kamay niya, ikinulong ko sa dalawang palad ko ang kamay niyang napakalambot. "Aalagaan kita, papakasalan kita." sabi ko bago mabilis na tumakbo paalis ng park dahil may papalapit na lalaki na tingin ko ay kuya niya.
I want to kiss her that is why, I wanted to marry her. Dahil sa movie na napanood ko, the man kissed her girl in front of the altar surrounded by many people. And I want that kind of kiss too.