They say ; Music can fix every shattered heart and broken soul.
And through music you can find your true love.
Imagine sa dinami-rami ng banda na tumutugtog at pinagsisigawan ang kanilang musika ay sa iisang banda lang iikot ang iyong mundo.
"Lv, may chismis ako sa'yo. " hingal na sabi ni Ellah. Hindi din biro ang tinakbo niya kasi nanggaling pa siya sa school field papunta dito cafeteria kung nasaan ako.
" Ibang klase ka talaga, Ellah . Tatahakin ang lahat makapalaganap ka lang ng chismis. Daig mo pa si Aling Marites. Tse. " I saw the little smirk in Hayley face.
" Ibig sabihin nananalaytay lamang yan sa dugo " nang-aasar na sabi ni Curson habang hinahawakan ang braso ni Hayley. Magpinsan kasi si Ellah at Hayley.
" Tumahimik nga kayo! " saway ni Ellah sa dalawa. Habang nakatayo na nakapawaywang sa harapan namin.
Dahil malapit na ang midterms namin hindi ko alam kung makikinig ba ako sa kanya o patatahimikan ko siya habang buhay.
" Spill the tea " atat na sabi ni Curson.
" Nakita ko siya! " yugyog niya sa aking balikat. Halata sa kanyang mukha ang excitement.
" Para ka'ng tanga. Sino ba ang nakita mo? Hulaan ko, isa sa mga ex mo. Mag-review ka na lang niya diyan. " sa amin lahat si Ellah ang sobrang playgirl. Lahat na lang ata ng lalaki sa school namin naging jowa nito. At hindi pa namin nakakalahati ang taon bilang freshmen dito sa University namin ay marami na siya naging kalandian.
" Sino ba kasi ang nakita mo? Gwapo ba? " excited din na tanong ni Curson.
" Hindi ex ko ang nakita ko kundi ex mo! Si Zyi Klite Sierra ang nakasalubong ko kanina sa hallway!" tili niya sabay turo sa akin. Kaya dali-daling tinakpan ni Hayley ang bibig ni Ellah.
Naramdaman ko ang pagtigas ng aking katawan. He's back.
" Oi, Ellah kapag fake news yan sisiguraduhin ko na ikaw na ang susunod na mamamatay sa squid game. Sayang ng pera wala ka naman silbi. " may pang-iinsulto na sabi ni Curson.
Halos tatlong taon na kami hindi nagkikita. At hindi ko alam kung handa na ba ako harapin siya. Am I worth of his forgiveness?
After all the pain I caused to him, how can I tell to myself that I deserve him back?
" Gagi ka, wala ka kwenta na kaibigan. Pero seryoso nakita ko talaga siya ng dalawa kong mata. Kasama niya pa yung bago niyang banda ".
I saw my friends eyes darted to me.
" Bijj, matagal mo na hinanap siya at baka ito na ang tamang pagkakataon para muling magka-harap kayo. Mag-usap at baka sakali na patawarin ka niya. Always, face your fear. " nakita ko ang concerned sa mata ni Ellah .
" Hindi ba last year mo pa siya hinahanap. Halos napuntahan na natin lahat ng concert ng December Avenue bukod sa mga tour nila sa ibang bansa. Kung nandito talaga sila puntahan mo na siya. Kausapin at humingi ng tawad. Sabihin mo na gusto mo pa magka balikan kayo kaysa naman inuubos mo ang allowance mo para lang makapunta sa concert ng banda na idolo niyang ex mo. " Sabi ni Hayley.
" Pero ayaw ko maging kayo ulit. He is not good for you. Hindi ka nagiging ikaw kapag kasama mo siya. Ben and Ben music ang gusto mo pero nag papanggap ka para lang maging fit sa kanya. " Ani Ellah.
He love December Avenue music. While, I love Ben and Ben music. Dahil gusto ko maging perfect ang relasyon namin ay nag kunware na lang ako sa bagay na iyon.
Lies after lies. And our relationship ended.
" Ano ba ang ginagawa niya dito? " nagtatakang tanong ni Hayley.
" Baka dito mag-aral " kibit balikat na sabi ni Curson.
I want him back.
I will chase him....
And make him mine.
" Ang nasagap ko na balita ay mamayang gabi tutugtog daw ang banda ng ex mo dito sa pavilion ng University natin. " bigla ako kinabahan. But excitement filled my heart.
" Bakit tutugtog banda nila? Part na ba sila ng music club ng university? " tanong ni Hayley.
" Siguro. Ang alam ko kasi nagpapahanap sila Hyung ng bagong banda para sa club. Baka nag transfer na sila at dito na mag-aral " Ellah said in excitement. I heard my friends laughing .
" This is your show time. Kung hindi ngayon, Kailan pa? " Curson said.
He said I'm his favorite song, his favorite metaphor and his favorite lyrics but it turns out that I'm his favorite pain.
We all f****d up but to make things ruined will be the most disappointing things we can do for ourselves and to our love ones.
It felt like ... I failed in everything. That no matter how hard I try to excel. In the end, I always losing in my track. The feeling of trying hard and being failure hit me badly.
And sometimes I'm asking myself, IS THIS REALLY MEANT FOR ME?
" Pupunta ako mamaya. " sabi ko at tuluyan ng umalis.
Iniwan ko sila. Dahil doon naman ako magaling ang mang-iwan. When things become chaos I run and hide. I have no guts to face my painful reality and to solve it. Yes, it may sound pathetic but I'm good at running. I'm not yet ready to feel the most painful pain. Every disappointment, betrayal and failure leave me breathless.
" Lv, may exam tayo mamaya. " Sabi ng isa kong classmate ng makita niya ako sa hallway.
" Oo alam ko " I can excel I'm every subject but mathematics ruined my card.
Alam mo yung feeling, na kahit ano ang gawin mo sa isang bagay wala parin. You are a failure and you will remain as one.
Pumasok na ako sa aming classroom. Everyone has their own world and I'm not belong in that world.
" Good morning. Get one and pass. " nagmamadaling sabi ng prof namin. And here I go, the mental breakdown issue. As I look on my paper alam ko na hindi ito madadala sa santong dasalan.
2 weeks ako nag review at nagpuyat.
" Ay, kaloka ang hirap. " angal ni Ellah pagkatapos ng exam namin.
" s**t, I can't fail this sem ". Frustrated kong sabi.
" Saan ka pupunta? " tanong ni Hayley ng makita niya na nagliligpit ako ng aking gamit.
" Magbibigti" I sarcastically said.
While walking in the hallway and looking at people, I realize life is full of failure and disappointment at lahat ng iyon ay sa akin binagsak. I don't believe in lucky star dahil kung meron man nun, bakit lagi ako minamalas?
" Sean! " sigaw ko sa isang mukha na pamilyar sa akin.
" Lovely Candy Torres? " tanong niya ng makalapit siya kasama ng dalawa niyang kaibigan. Amusement filled their eyes as they look at me.
" Oo ako nga ito. Dito na ba kayo mag-aaral? " tanong ko sa kanila.
" Oo. Gusto kasi ni Zyi ng new environment. " Saad ni Jhake.
" Tutugtog ang banda namin mamayang 8pm punta ka ha. " pagyayaya sa akin ni Mhilo.
" Sige ba " tuwang sabi ko.
Kung susugal ulit ako, sisiguraduhin ko na ako ang mananalo.
" Anyway, ano pala ang course mo? " tanong ni Sean.
" Business administration " bakas sa mukha nila ang gulat.
" Kayo? " I asked.
" Tourism" Jhake replied.
Dahil may gagawin pa sila kaya umalis na ako.
Dumiretso na ako sa apartment para magpalit at maghanda mamaya. Kabado bente. Hindi ko alam kung pagkatapos ng lahat ay tatanggapin niya parin ako.
HAYLEY NA PANGET
Bijjj, asan ka na?
Text sa akin ni Hayley. Tiningan ko ang orasan at nakita ko na 7;00 na kaya nagmadali ako papunta sa University.
Nang makapunta ako sa University ay nakita ko ang dami ng tao. May banda na tumutugtog ngayon.
Time check, 7:35.
Hindi ko mahanap ang mga kaibigan ko kaya nakipagsiksikan ako sa harapan. Dim light, loud music and sweet melody.... This is the life I wanted .
" Let's all welcome the 'THE STAR' band" wika ng emcee. Ang alam ko AUTUMN PLAY ang pangalan ng banda nila.
" Good evening everyone, we are the THE STAR band and we will play one of the Ben and Ben song ". Announce ng vocalist nila.
In the middle of loud crowd , our eyes met. Parang hinihila ako ng kanyang mata patungo sa kanya. I felt like I'm home. His eyes had a beautiful melody that can fix every broken heart and shattered soul.
Nais ko madismaya dahil ang buong akala ko ay ang banda nila Zyi ang tutugtog ngunit hindi ko magawa ang umalis. Siguro, dahil fan din ako ng Ben and Ben at gusto makinig ng kanilang musika.
"Umaga na sa ating duyan
Wag nang mawawala
Umaga na sa ating duyan
Magmamahal, o mahiwaga"
Pinikit niya ang kanyang mga mata na parang ninanamnam ang musika, ang bawat letra at ang emosyon nito.
"Matang magkakilala
Sa unang pagtagpo
Paano dahan-dahang
Sinuyo ang puso"
At nang buksan niya ang kanyang mata ay nagtagpo ang aming mata. Sa dinami-dami ng tao dito ay kami pa ang nagkatitigan. Parang may emosyon siya na nais iparating sa akin.
"Kaytagal ko nang nag-iisa
Andyan ka lang pala"
Di ko mapigilan ang kabahan. Meron sa boses niya ang hindi ko kayang bigyan ng kahulugan. O takot lang ako na bigyan ito ng kahulugan dahil alam ko na mababago nito ang buhay ko.
"Mahiwaga
Pipiliin ka
Sa araw-araw
Mahiwaga
Ang nadarama
Sa 'yo'y malinaw"
Seryoso siyang nakatingin sa akin.
"Higit pa sa ligaya
Hatid sa damdamin
Lahat naunawaan
Sa lalim ng tingin
Mahiwaga
Pipiliin ka
Sa araw-araw
Mahiwaga
Ang nadarama
Sa 'yo'y malinaw
Sa minsang pagbaling ng hangin
Hinila patungo sa akin
Na tanging ika'y iibiging wagas at buo
Payapa sa yakap ng iyong hiwaga
Payapa sa yakap ng iyong..."
Parang ang tagal na namin magkakilala. Na parang matagal na kami nangungulila sa isa't isa. Hindi ko magawa iwasan ang kanyang mga titig.
" Mahiwaga
Pipiliin ka
Sa araw-araw
Mahiwaga
Ang nadarama
Sa 'yo'y malinaw
Mahiwaga
Wag nang mawala
Araw-araw
Mahiwaga
Pipiliin ka
Araw-araw"
Ang bawat tingin niya ay nagpapahiwatig ng pagsinta. Kahit anong mangyari ako ang pipiliin niya. Sa araw-araw kasama ko siya at hindi niya ako iiwan.
Sa araw-araw ako'y nangulila at nabuhay mag-isa sa sakit at pagdurusa.
Sa Araw-Araw na paghiling sa mga tala at buwan baka ito na ang simbolo na matagal ko hinihintay. Araw-araw, hayaan mo akong piliin ka.
^^
_