Iniwan ko ang trabaho ko sa ibaba at inakyat ko ang second floor nitong bar kung nasaan ang kinaroroonan ng VIP room. Siguro napakayaman ng nasa loob dahil hindi ka naman basta-basta makakapag-rent ng VIP room dito sa pinagtatrabahuhan ko kung ordinaryong tao ka lang. You need to deposit at least 100,000 pesos for one room. Bago ako pumasok ay hinanda ko muna ang sarili ko sa posibleng mangyari.
"Breath Sitti, kaya mo 'yan!" I said to myself. I slowly open the door at nabungaran ko ang limang kalalakihan.
All of them are wearing a corporate attire, at tama nga ang sinabi ni Andi, these men are gorgeous. But still, not my type. I properly approached them atsaka yumuko para bumati.
"Good evening Sirs!" masaya kong bati sa kanila. I gave my all to that greetings dahil naniniwala akong first impression matters.
"Can we order now?" tanong no'ng isang lalaki. May salamin ito sa mata atsaka naka-crossed ang mga paa habang tinitignan ako.
This man is full of charisma, 'yong tipong mala-Zayn Malick ng One direction. Masasabi kong hindi siya purong Pilipino dahil sa mukha nito, sinamahan pa ng eyeglass niya sa mata na lalong nagpadagdag ng charms ng lalaki.
"But of course Sir, may I know what do you want to order?" tanong ko habang nakangiti. Not the flirty smile but the genuine smile na pinapakita ko kapag alam kong bigating tao ang kaharap.
"One bottle of Margarita please," he said. Tinapunan ng tingin ng lalaki ang mga kasamahan niya atsaka nagsalita.
"Come on guys, kayo na ang bahala sa drinks niyo."
"One Sapporo beer," ani no'ng isa pa. Hindi ko masyadong maaninag ang pagmumukha nilang lahat dahil sa may pagka-dim ang ilaw rito sa VIP.
"Two glasses of Armand de Brignac Champagne," the other man said. Isa-isa kong nilista lahat ng inorder nila. Hindi naman problema sa'kin ang ilista ang lahat ng iyon dahil familiar ako sa mga drinks na pinagbabanggit nila.
Malapit na ako sa pinto para umalis nang narinig ko pa ang pag-uusap nila.
"Paano si Lyam?"
"Margarita na lang siguro 'yon, nasa cr pa kasi. Hayaan niyo na at mukhang problemado." Iyon ang huli kong narinig bago tuluyang lumabas ng pinto kung nasaan sila.
Lyam, this name is very familiar to me. Everytime na naririnig ko ang pangalang 'to ay isang tao lang ang naiisip ko. The youngest son of the Montecorpuz siblings, Lyam Montecorpuz. He's been my classmate since we were in Preschool till nag-college kami. Hindi naman siguro siya 'yon di ba? That man is very serious, at mukhang wala na atang time 'yon para magpunta ng bar. Ang mga tipong niya ay 'yong mga lalaking nag-o-over work dahil napaka-hardworking. Napailing na lang ako, bakit ko nga ba naiisip ang taong 'yon?
Agad kong inabot sa bartender ang listahan. Habang naghihintay ay umupo ako sa barstool. Tahimik lang akong nagmamasid sa napakaingay na paligid at pumasok na naman sa isip ko si Lyam. Tatlong taon na rin kaming hindi nagkikita simula noong nalugi ang kumpanya namin. I'm sure na successful na rin 'yon, sa talino ba naman no'n atsaka ang yaman ng pamilya nila. Napabuntong-hininga na lamang ako, siguro kung mayaman pa kami ngayon ay lagi kaming magkikita sa mga social gatherings.
May bigla namang sumundot sa tagiliran ko kaya napalingon ako at nakita ang nakangising pagmumukha ni Andrea sa akin.
"Anong nginingiti-ngiti mo riyan?" tanong ko.
"Mga guwapo ba?" Akala ko pa naman ano na. Umiiral na naman ata ang pagka-hilig niya sa mga guwapo.
"Okay na rin," walang ganang sagot ko. Napabilog ang mga mata ng kaibigan dahil sa naging sagot ko at kamuntik niya pa ako mabatukan.
"Wow? Ganda mo ha?" saad pa nito. "Feeling ko, ang taas ng standard mo sa lalaki Sitti," si Andrea.
"Hindi naman masyado Andrea," ani ko. "Basta mayaman siya ay gora na ako."
"So, okay lang sa'yo kung matandang hukluban basta ba may datong?" nakangiwi nitong tanong sa akin. Tumango naman ako atsaka ngumiti. Nakitaan ko pa ng pandidiri ang mukha ng kaibigan dahil sa naging pahayag ko.
There's nothing wrong about that. Kaysa naman mag-asawa ka ng tambay tapos ikaw pa ang magpapalamon. Don't just settle for less, you deserve something better. Atsaka 'yan na lang din naman 'yong nakikita kong paraan para umangat ulit ang buhay namin. Maybe someday ay makakatagpo ako ng lalaking pwedeng maging sugar daddy ko. I hope soon makilala ko na siya. I want to get out of this shitty life.
"Ang saya mo ata Sitti?" nakataas-kilay na saad ni Pamela nang makalapit ang babae sa amin ni Andrea.
Si Pamela ay kasamahan namin sa trabaho. Mas nauna siyang nagtrabaho rito sa amin kaya kung makaasta siya ay siya ang reyna rito. Lagi niya akong pinag-iinitan dahil kapag may mga customer kami sa VIP ay ako lagi ang pinapatawag ni boss para mag-asikaso ro'n. Kaya ayaw ni Pamela sa akin dahil pakiramdam nito inaagawan ko na siya ng pwesto bilang reyna. Ang baduy lang niya ha? Anong reyna ba 'yan atsaka wala naman akong pake sa title na 'yan. Sino ba kasing nagsabi na may pa ganoon pala dito sa bar na pinagtatrabahuhan ko? Ang akin lang naman ay makakuha ng malaking tips from the customer dahil malaking tulong na rin 'yon sa amin.
"Ano namang problema mo hoy?" si Andrea. Tiningnan lang nito ang kaibigan at hindi pinansin. Muli niya akong tiningan atsaka umirap pa.
"Ano ba'ng pinakain mo kay boss at ikaw 'yong laging pinapadala sa VIP?" nakakalokong tanong nito sa akin. "Anong magic ba ginawa mo Sitti?"
Imbes na pansinin siya ay tinalikuran ko lang siya at muling humarap sa bartender para kunin ang mga inorder ko.
"Akala mo kung sino? Anong extra service ba ginagawa mo sa itaas? Sideline mo na rin ba ang pagiging pokpok ngayon?" At dahil sa sinabi nito ay napalingon ako sa kan'ya at pinanlisikan siya ng mata na bahagyang ikinagulat nito.
"Are you talking about yourself b***h?"
"Anong sinabi mo?!" galit nitong tanong sa akin. Tumawa naman ako nang mahina at mas lalong nainis ang babae sa ginawa ko.
"Ow? Pasensya na, bobo ka nga pala kaya hindi ka nakakaintindi ng english," saad ko. Hindi makapaniwala si Pamela sa sinabi ko sa kan'ya at mukhang gusto na nitong saktan ako dahil sa biglaang pagkuyom ng kamao nito.
"Alam mo Pamela, walang gamot sa inggit atsaka nakakamatay 'yan kapag hindi mo tinigilan," wika ko.
"Hah?! Ako? Maiinggit sa'yo? Sino ka ba sa palagay mo?!" Umuusok na ang ilong nito sa galit kaya mas lalo akong ginanahang inisin pa lalo ang babae para magtanda na siya na hindi niya ako basta-basta ma-bu-bully na lang.
"Ako lang naman 'yong babaeng pilit mong hinihila pababa. But I'm sorry to inform you dear, I'm more superior than you. You can't bring me down kung ka-cheapan lang ang gagamitin mo laban sa akin." Iniwan ko siyang nakanganga lang do'n sa may bartender area habang tinatawanan naman siya ni Andrea. Serves her right! Sa araw-araw ba naman na pagtatrabaho ko rito ay wala na siyang ibang ginawa kung hindi ay ang insultuhin ako. Ngayon ko nga lang siya pinatulan kaya sana ay tumigil na siya dahil hindi na lang ako mananahimik pa sa susunod.
Kinuha ko ang mga drinks nila at maingat akong nagtungo muli sa VIP room. Pagpasok ko ay ganoon pa rin ang ayos nila at dahil hindi ko masyadong maaninag ang mga mukha nila ay dumiretso na ako sa center table para ilagay itong lahat ng inorder nila.
"Here you go sirs, just push that button if you need anything," ani ko atsaka itinuro ang blue button. Ang button 'yan ang magiging palatandaan ko mula sa labas ma kailangan nila ng assistance ko. Naglakad na ako papalayo sa kanila nang bigla akong napatigil nang narinig ang isang boses na mula sa banyo at tila papalabas na ang taong nagmamay-ari ng boses na iyon.
"Sorry guys for this mess," ani ng lalaki. I was too stunned to move. Kilala ko ang boses na 'to. This person, I think I know him!
"Miss?"
Siya lang ang kilala ko na may ganitong boses. 'Yong tipo ng boses na mapapasunod ka na lang dahil sa lambing ng pananalita nito. I know that voice since I was young kaya hindi ako pwedeng magkamali!
"Uh, Miss? Is there any problem?" Bigla akong natauhan dahil sa narinig ko at dali-dali akong umalis ng walang paalam dahil sa pagkataranta. Hindi ko namalayan na napatigil pala ako sa paglalakad nang dahil lang sa boses ng lalaking 'yon.
Nang makalabas ako ay para na akong mawawalan ng ulirat at napakapit ako sa railings nitong hagdan.
I know him
I know that voice
Hindi ako pwedeng magkamali!
Siya si Lyam Montecorpuz. Kilalang-kilala ko na ang lalaki. Mula sa boses nito at pananalita. Kahit nakapikit pa itong mata ko o kaya nakatalikod pa ako sa kan'ya. Sa boses pa lang nito ay malalaman ko na siya nga iyon. Hindi ko makakalimutan ang isang tulad niya. That man ignored my entire existence na kahit magkaklase kami ay mukhang wala itong pakialam akin. Para akong invisible sa kan'ya. Kahit na siguro lahat ng tao sa school ay kilala ako ay siya lang ang bukod-tangi ang binabalewala ang presensya ko. Hindi ko nga alam kung kilala niya talaga dahil puro libro lang naman ang alam ni Lyam. Siya 'yong dahilan ng inis at gigil ko noon. He is the sole reason why I doubted my charms and beauty. Pagdating kasi sa lalaking 'yon ay na-iitsapwera ang ipinagmamalaki kong kagandahan. That man is the only person who never showed any interest in me and that made me realize that he's really out of my reach! And I hate it. Siya lang ang sumira sa motto ko na "what Sitti wants, Sitti gets" dahil kahit atensyon nito ay hindi ko magawang makuha.