THE UNEXPECTED LOVE MOMENT

4658 Words
~|Ruzzel's POV|~ First Day Of Class I'm with my Trops Hehe and we live in just one house.. "Adrian,Romy,Rio tara kain muna tayo bago pumasok dali bilisan nyo" pagmamadali ko sa mga ito "Oo na bro Eto na masyado kang nagmamadali namputsa naman HAHAHA ibang klase ka talaga kala mo matino eh" pang aasar ni Adrian sakin kaya natawa ako "Gago matino pa naman ako HAHAHAHA baka ikaw ang hindi" pang aasar ko din dito "Ah hehe matino pa naman kahit papano" sambit niya at nagtawanan kaming Apat Nang makapunta kami sa canteen ay bumili na kami at kumain kahit alam naming malelate na kami dahil sa totoo lang ay pasaway talaga kaming estudyante na mag totropa lagi kaming nambubully at maging teacher ay binubully namin kaya ilang beses narin kaming umulit ng High School at sa edad naming ito (18y/o) ay 4th year highschool lang kami at dahil narin sa palipat lipat ako ng paaralan dahil wala naman talaga akong permanenteng tirahan ay mali actually meron pala yung sa tatay ko pero hindi kami magkasundo kaya mas pinili kong mag layas at manirahan sa isang Apartment pero linggo linggo naman akong pinapadalhan ng pera ng lolo ko na siyang may ari ng paaralang pinapasukan ko at siya ring Nag alaga sakin simula bata ako at siya rin naman ang itinuturing kong tatay kesa sa totoo kong tatay dahil mas ramdam ko ang pagiging tatay niya sakin "Oh par baka ubusin mo yang ketchup nila dito HAHAHA kawawa naman sila baka may umiyak" asar sakin ni Adrian "Don't worry kaya ko silang bilhan ng kahit sampung ganyan" pagmamayabang ko "Tch iba talaga pag apo ng Mayaman eh HAHAHA diba lolo mo nga pala nag patayo ng paaralang to?" Tanong niya sakin "Oo pre pero wag kang maingay hayup ka kukutusan kita" sabi ko kaya natawa ito "Ok ok tss napakainit naman ng ulo mo bro hahaha bakit di ka parin ba sinsagot ni Valerie?" Tanong naman niya "Pare kahit hindi niya ako sagutin eh wala akong pakelam don at tsaka isa pa hindi ko naman siya nililigawan tanga ka ba?" Sambit ko at tinanong ko iyon pero pabiro kaya natawa siya "Ah hindi nga pala HAHAHA siya nga pala ang naghahabol sayo" sabi ni Rio "Tss manahimik na kayo dahil pibagtitripan ko lang yung babaeng yun" sabi ko "Tss Siraulo kang tunay bro" sabi sakin ni Romy at natawa naman kami Bilisan na namin ang pagkain namin tas umakyat na kami sa classroom namin pero nung maka akyat kaming Apat ay nakita naming sarado na ang pinto kaya sinipa ko Iyon at nagulat lahat ng estudyanteng nasa loob ganun narin ang lec na natigil din sa pagtuturo niya at nakita kong nangunot ang noo nito pero inismiran ko lang ito at dumeretso na ako sa Upuan ko ganun din ang mga tropa ko tas nagpatuloy na sa Pagtuturo ang lec pero tumigil ulit ito at humarap samin dahil nag alarm ang phone ko kaya pinatay ko yung alarm at inilahad ko ang kamay ko at itinuro ko siya na parang sinasabi ko sa kaniyang ipagpatuloy niya na ulit pagtuturo kaya pinagpatuloy niya ito ngunit maya maya lang ay may kumatok sa pinto na isang Lec at may kasama ito kaya napatingin kaming lahat sa kaniya "Ahm good morning class" sambit nung Lec at pumasok ito "Good morning Ma'am" bati ng lec namin at humarap ito samin "Class let's Greet Her" utos ni Lec at nagsupagtayuan ang mga kaklase ko pero ako ay nananatiling nakaupo at tumayo lang ako nung kinalabit ako ni Romy at napatingin ako dun sa babaeng kasama nung Lec at natinag lang ako nung bumati yung mga kaklase ko "Good morning Ma'am" bati nila kaya naupo na ako pero ibinalik ko ulit yung tingin ko dun sa babae dahil mukha itong mahina at kinalabit ko sila Rio,Romy at Adrian "Bro mukhang may next target na ako HAHA" sabi ko at natawa naman ang mga ito maliban kay Romy "Tss wala namang ginagawa sayo yung tao eh" sabi sakin ni Romy "Bro wag kang KJ" sabi ko at tumingin na ako ulit dun sa babae at dun sa mga lec "Okay Iha magpakilala ka" sabi ng lec namin "Hi I'm Althea Blessy Marso" pagpapakilala niya 'Tss ang baduy ng pangalan pero ang cute niya HAHAHA' "Okay class siya daw si Althea at bagong transfer siya dito sa Teodoro University at mula siya sa South University. Okay wag kayong mahihiyang kaibiganin siya ha" sambit ng Lec na kasama nung babae kanina at nagsipagsagutan ang iba kong kaklase "Ok sige na iha maghanap ka na ng uupuan mo" sabi ng Lec namin at naghanap na ito ng uupuan niya ngunit nakita kong libre ang upuan sa tabi ko kaya nung makita kong lumapit ito sakin ay inilagay ko ang bag ko sa blangkong Upuan kay naghanap ulit siya ng upuan niya at agad naman siyang nakakita ng libre pang upuan kaya nagpatuloy na ulit sa pagtuturo ang Lec at si Ma'am naman ay umalis na Discuss... Discuss... Discuss... Discuss... Breaktime... Bumaba ako kasama sila Romy,Rio at Adrian at nagsisimula ng magtilian ang mga babaeng Estudyante dahil kilala nga kami dito sa Paaralang ito kaya dumeretso na kami sa canteen at pagpunta namin doon ay may mga nagtitilian din at nakita naming halos mapupuno na ang loob at wala ng mauupuan pero may nakita akong tatlong Lalaking estudyante at parang kilala ako ng mga ito dahil nagyukuan ito na parang natatakot nung makita ako kaya nilapitan ko ang mga ito "Boi tapos na ba kayo?" Tanong ko sa Isa at hinawakan ko ito sa balikat pero nakaramdam ako ng nginig na parang natakot ito sa akin kaya napangiti ako at lumapit na sakin yung Tatlo kong kaibigan "Ah oo Sige Ruzzel dito na kayo" sabi ng isa sa mga ito at nagsipag alisan sila dala ang kani kanilang tray kaya natawa kami pero mas lalong umingay sa loob ng Canteen dahil sa mga Babaeng nagtitilian "WHOOOOO!! YUNG BABY KO TUMAWAAAAA!!" sigaw nung isa 'In your dreams HAHAHA' "HOY AKIN SI ROMY GOOD BOY" sigaw nung iba 'HAHAHAH good boy pala ah' "BASTA AKIN SI RUZZEL" Sigaw naman nung iba pa 'Mangarap ka' "AYUN OH GUYS SI ROI AT ADRIAN WHAAAAA ANG POPOGI NILAAAAA" sigawan naman nung iba ngunit napukaw nung babaeng pumasok yung paningin ko at yun yung bago naming kaklase na si Althea pero kasunod nito si Valerie "What the f**k bro eto na yung bangungot ko" sabi ko kila adrian at natawa sila "Bro order lang ako" sabi ni Romy at tumayo na ito tsaka pumila ngunit saktong lapit ni Valerie "Hi Ruzzel" maarteng sabi sakin nito at ikinaway niya ang isa niyang kamay na may katatamtamang taas "Tch wag ka dito" pagtataboy ko sa Kaniya "Oh my HAHAHA napakasungit mo parin ruz" malanding sabi naman nito at kinagat niya ang Labi niya "Tigilan mo ko Valerie dahil hindi moko maakit ng Ganyan mo tss umalis ka nga" inis na sambit ko "Okay HAHAHA see you later Ruz" sabi nito at hinaplos niya pa ang mukha ko kaya nainis ako "Tigilan mo ko sabe!!" Inis na talagang sambit ko at Hinawakan ko ang Kamay nito ng mahigpit pero binitawan ko din agad dahil hinawakan ako sa braso ni Rio "Alis!!" Sabi ko at umalis na ito pero tinawanan ako nila Adrian "Wala ka pala bro HAHAHA kala ko ba pagtitripan mo siya HAHAHA mukhang ikaw an napagtitripan Bro eh" pang aasar ni Rio "Tigilan nyo ko" sabi ko nalang at saktong balik naman ni Romy dala ang tray pero may kasunod ito na may buhat din ng inorder niya "Oh What happened bro?" Tanong ni Romy "Wag mo nang alamin HAHAHA" sagot ni Adrian "Okay" sabi ni Romy at kumain na kami pero binilisan ko ang pagkain ko dahil may pagtitripan nga pala ako at nung matapos silang kumain ay lumabas na kami at naghanap ako ng mga bato at nung makakita ako ay ibinulsa ko yung iba at yung iba naman ay nilagay ko sa plastic bag "Ano namang gagawin mk jan bro? HAHAHAHA adik ka ba? Puro bato kasi yang hawak mo" sabi sakin ni Rio at nagtawanan kami "Wag nalang kayong maingay" sabi ko sa kanila at umakyat na ulit kami sa classroom namin pero itinabi ko muna yung bato dahil mamaya ko pa ilalagay iyon bago mag uwian. Pumasok at nagdatingan na ang mga kaklase namin ganun na din ang Lec na magtuturo Discuss... Discuss... Discuss... Uwian... Uwian na pero lumabas muna si Althea dahil inutusan siya ng lec namin kaya nailagay ko ang mga bato sa bag nito at hinintay namin itong makabalik. Nung makabalik ito ay nagpipigil na ako ng tawa "Ingat sa pag uwi" sabi ko at binuhat na nito ang bag niya ngunit nakita ko sa mukha niyang nabibigatan siya kaya natawa ako "Bye" sabi ko at nauna na kaming lumabas "Arggggghhhh" dinig ko pang sigaw nito nung makalabas kami NANG makauwi ako ay nagpahinga lang ako saglit tas kumain at pagkatapos ay naligo at umakyat na ako sa kuwarto ko at nag cellphone ngunit hindi ko namalayang alas nuwebe na ng Gabi dahil hindi pa ako inaantok kaso maya maya lang ay dinalaw na ako ni Antok KINABUKASAN maaga akong nagising dahil may pasok ako at dahil narin sa nag eehersisyo ako tuwing umaga bago pumasok kaya tumayo na ako at kumain tapos nag Ehersisyo at maya maya lang ay naligo na ako tsaka umalis ng Bahay ng naka motor. Nang makaratin ako sa parking ay nakita kong nandun na yung tatlo kong kaibigan at ako nalang pala ang inaantay nila kaya pagka park ko ay umakyat na kami agad. Nung makaakyat kami ay agad na hinanap ng mata ko si Althea pero wala pa ito kaya pumasok na ako at naupo kaso maya maya lang ay dumating na ito at natatawa ako dahil ang sama sama ng pagkakatingin nito sakin at kunot na kunot ang noo nito kaya nginisihan ko nalang ito at dahil narin sa dumating na ang lec Discuss... Discuss... Discuss... Discuss... Breaktime... Bumaba na ulit kami nila Adrian at nagsimula na naman ang maingay sa bawat dadaanan namin pero natatawa parin ako dahil naaalala kong sinundan lang ako ng tingin ni Althea at masamang tingin iyon. Nung makarating kami sa Canteen ay agad akong naghanap ng puwesto at nakakita rin naman ako agad pero pinauna ko na sila dahil nagprisinta na ako na ako na ang oorder kaya pumila na ako pero sa totoo lang ay may dahilan ako kung bakit ako nagprisinta at yun ay dahil nakapila si Althea kaya sumunod ako dito "Hey Althea" natatawa kong sambit at mas lalo naman akong natawa nung sinamaan lang ako ng tingin nito 'Humanda ka sakin mamaya' "Suplada mo naman" natatawa ko parin sambit at tinignan ulit ako nito ng masama "Ikaw kaya pagtripan ko matutuwa ka ba?" Mataray na tanong sakin nito pero Natawa na talaga ako ng malakas kaya umorder lang ito at umalis na Nang makaorder ako ay tatawa tawa akong bumalik sa puwesto namin at nakita kong parang nagtaka si Romy "Oh bro" sabi ko sabay abot ng pagkain sa kanila "Anong tinatawa tawa mo?" Tanong ni Romy "Yan kasi bro masyado kang nagpakabusy sa phone mo hindi mo tuloy nakitang kumausap ng babae yang tropa natin at ang malupit pa ay siya ang unang kumausap HAHAHA" pang aasar ni Adrian at nagtawanan sila ni Rio "Sinong babae ba?" Tanong ni Romy "Sino pa ba? Edi yung pinagtripan niya kahapon" sabi ni Rio "Yung Cute?" Tanong ni Romy "Tss Bro yan ka na naman eh HAHAHA lahat nalang sayo cute" sabi ko naman at nagtawanan kaming Apat Mabilis ulit naming tinapos ang pagkain namin at umakyat na kami pero habang umaakyat ay tinanong ako ni Romy "Ano bro? Di ka ba kukuha ng bato?" Tanong niya at nagtawanan kami "Hindi na bro HAHAHA iba naman" sabi ko "Tss may binabalak ka na naman" sabi ni Rio "Syempre HAHAHAHA" sabi ko at pumasok na kami ng Room pero sa likod ako ni Althea naupo dahil itinali ko ang strap ng bag nito sa upuan tapos bumalik na ako sa upuan ko na tatawa tawa Discuss... Discuss... Discuss... Uwian... "Guys Watch and laugh" sabi ko at hinatak ni Althea ang bag niya ngunit kasama yung upuan kaya natawa kami at ganun na din ang iba kong kaklase "Punyeta naman eh Ano bang problema mo sakin?" Tanong ni Althea pero hindi ko ito pinansin at tumawa lang ako tsaka lumabas na kami ng Room at bumaba tapos dumeretso na kami sa Parking "Bro Grabe ka HAHAHA" sabi sakin ni Romy "Oo nga bro wala nga namang ginawa sayo yung babae" sabi naman ni Adrian "Susme hindi pa ba kayo nasanay sakin?" Tanong ko "Ay oo nga naman bro dapat sanay na tayo dahil walang pinipili tong kaibigan natin" sabi ni Rio at nagtawanan na naman kami "Bro una na ako ah" paalam ko sa kanila at sumakay na ako sa motor ko tsaka umalis HABANG nag dadrive ako ay napapaisip ako 'Ano nga bang ginawa mo sakin HAHAHA' 'Ikaw ang napili ng utak ko na mapagtripan WHAHAHA' 'Ibang klase' Nang makarating ako sa Apartment ko ay nagpark lang ako tas pumasok na nung makapasok ako ay nagpahinga lang ako saglit tas naligo at pagkatapos ay nagluto tsaka kumain tas deretso na ulit ako sa kuwarto ko at Natulog ILANG Linggo ang lumipas at paulit ulit ko lang na pinagtitripan si Althea kaya nabubully na din siya ng iba pero yun ang hindi ko nagustuhan pero hindi ko rin naman pinipigilan ang mga iyon "Bro ano panonoorin mo lang?" Tanong sakin ni Adrian "Ano naman ang inaasahan mong gagawin ko?" Tanong ko pero nangunot ang noo nilang tatlo 'Edi pigilan tss' 'Ruzzel patigil mo na' 'Wag ka nang tumunganga' "Ano nga ba dapat mong gawin?" Tanong sakin ni Romy "Tss bro natiis niya nga ng ilang linggo eh tch kung ibang babae yan eh matagal na yang nag drop out" sabi ko "Tss" sabi nila At pinanood ko ulit yung mga nantitrip kay Althea at nung makita kong tatapunan nila ito ng tubig ay humarang na ako kaya sakin nila naitapon ang tubig "Ay Boss Sorry bat naman kasi Humarang ka eh" sabi sakin ni Christian kaya hinawakan ko ito sa kuwelyo ng damit niya pero napalingon ako dahil tumakbo na si Althea palabas kaya sinundan ko nalang ito imbis na sapakin ko si Christian tsaka sumunod sakin yung mga kaibigan ko at nung mahabol ko si Althea ay agad ko itong tinanong "Ayos ka lang?" Tanong ko dito ngunit sinampal ako nito "KUNG HINDI MO SINIMULAN ANG GANTONG BAGAY AY HINDI ITO MASUSUNDAN!!" Galit niyang Sambit at tumakbo ulit ito palayo Kaya pumunta nalang kami sa locker ko dahil magpapalit ako ng damit kasi nabasa ako. nung makapagbihis ako ay bumalik na kami sa classroom ngunit wala doon si Althea pero nandoon yung mga gamit niya Lumipas ang Oras at uwian na pero wala parin si althea kaya nilalamon ako ng konsensya ko lalo na naalala ko pa yung sinabi niya kanina 'Ang Tanga mo Ruz tss totoo nga kung hindi mo sinimulan eh hindi yon masusundan hayss' 'Nakokonsensya na ako nasan ka na ba?' 'Bat ba nangyayare sakin to?' 'Sayo lang ako nagkaganto' 'Gusto na ata kita althea' 'Pero malabong magustuhan mo din ako dahil sa mga ginawa ko sayo' 'Sana mapatawad mo pa ako' Pumasok si Althea sa room na para bang wala siyang nakikita at kinuha niya lang ang gamit niya tas umalis kaya umuwi nadin kami. Nung maka uwi ako ay dumeretso lang ako sa kuwarto ko at Natulog KINABUKASAN late akong nagising kaya late na rin akong pumasok tapos pagkapasok ko ay si althea agad ang hinanap ng Mata ko kaya hindi ako nakatiis nagtanong na ako nila Roi "Bro wala si Althea?" Tanong ko kay Roi "Wala bro" sabi ni Roi "Nakita mo ba?" Pamimilosopo ni Romy "Tss" sambit naman ni Adrian Kaya nanahimik nalang ako. Mabilis na lumipas ang dalawang araw ngunit wala parin akong nakikitang althea kaya pumasok ulit ako ngayon at inaasahan kong wala parin akong makikitang althea pero nagtanong ulit ako sa mga kaibigan ko "Bro nasan kaya si Althea?" Tanong ko sa kanila "Bakit nakokonsensya ka na ba sa mga nagawa mo?" Tanong sakin ni Rio 'Oo kaya kung pwede lang ay wag nyo nang dagdagan' "Tss HAHAHA namputsa dre iba ka na" sabi ni Adrian "Ha? Bakit?" Tanong ko "Kasi ilang araw na ang lumipas tas puro Althea ang naririnig ko sa Bunganga mo HAHAHA" sabi pa nito "Oo nga Bro HAHAHA sa lahat ng Binully mo siya lang ang hinanap hanap mo at sa kaniya ka lang nakokonsensya WHAHAHA" sabi naman ni Rio "Sabi na nga ba bro eh type mo yung althea na yon" sabi ni Romy 'Ganon ba yon?' 'Ganon nga ata' Natinag ako sa pag iisip ng may biglang kumatok at pumasok ang isang ginang tas lumapit ito sa lec namin pero ang lec namin ay malapit sa puwesto namin dahil may reportings kaya naririnig namin ang pinag uusapan nila "Ma'am sorry po hindi nakakapasok ang Anak ko" sabi nito kaya napatingin ako "Sino po ba?" Tanong nung Lecturer "Si Althea po" sabi nung ginang "Ah yun ho ba? Bakit nga po pala sayang po kasi madami na siyang naiiwan na lesson" sabi ni Ma'am "Ah may sakit po kasi siya tas nung pag uwi niya pa po nung last na pasok niya ay inaatake po siya ng hika niya" sabi pa nung ginang 'WHAT THE f**k SORRY TALAGA ALTHEA' "Ah sige ho ipapaalam ko nalang ho sa nga lecturers niya" sabi ni Ma'am "Sige ho una na ho ako" sabi nung ginang at umalis na ito ngunit ako naman ay dumeretso sa Dean's Office dahil tinignan ko ang students profile ni Althea at doon ko nakita ang address ng bahay nito NUNG matapos ang klase ay agad akong nagpaalam sa mga kaibigan ko at dumeretso ako sa bilihan ng mga prutas tsaka bumili ako ng mga prutas na para kay Althea at pumunta na ako sa kanila ngunit nang makarating ako sa Tapat ng bahay nila ay kinabahan ako 'Ano nalang kaya ang masasabi sakin ng mga magulang mo Althea pag nalaman nilang ako ang nagsimula ng Pambubully sayo?' 'Ano rin kaya ang sasabihin ko kung bakit ako nandito?' Nag isip isip muna ako ng pwede kong sabihin tas nag doorbell ako 'Ano kaya kung sabihin kong Ako yung nambully sa anak nila?' 'Tanga edi hindi nila ako pinapasok' 'Eh ano naman kaya kung sabihin kong boyfriend ako ng anak nila' 'Tss baka di ako makalabas ng buhay' 'Ano kaya kung kaibigan?' 'Tama yun nalang' Natinag ako nung biglang bumukas ang pinto ng bahay nila at nagulat ako ng makita kong si Althea ang Bumungad sakin 'Grabe kahit sa pantulog ay napakaganda niya' 'Ang rupok ko pota' "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Althea "Dinadalaw ka" sabi ko "Pano mo nalaman address ng bahay ko?" Tanong ulit niya "Ah sa student's Profile" sabi ko tas inirapan lang ako nito "Oh bakit nga nandito ka?" Tanong ulit niya "Dinadalaw ka nga" sagot ko ulit at mula sa likod nito ay bumungad yung ginang na nakita ko kanina "Sino ba iyan iha ba't hindi mo patuluyin?" Tanong nung ginang "Ah wala po ito manang kaibigan ko lang" sabi ni althea 'WHAT?!! MANANG?!!' "Aba'y iha eh kaibigan mo pala edi patuluyin mo" sabi nung ginang na tinawag ni Althea na Manang "Tuloy ka daw" pairap na sabi sakin ni althea kaya tumuloy ako at nung makapasok ako ay doon ko lang nakita ang tunay niyang magulang na kumakain sa kusina at nalaman ko ito dahil sa isang litrato na nandito sa Sala "Mom, Dad kaklase ko po" sabi ni Althea at mula sa kusina ay pumunta ng sala Ang Mama at Papa niya "Oh? Ay teka iho diba ikaw ang anak ni Ruel Sierra at ni Rozelle Sierra?" Tanong nung Mama niya 'Pano niya kaya nalaman?' "Ah Opo" sabi ko at parang nagtatakang tumingin sakin si Althea "What Mom? Kilala mo ang Mama't Papa niya?" Tanong ni Althea sa Mama niya "Aba'y siyempre anak hindi lang ang mama mo ang nakakakilala sa kanila dahil maging ako ay kilala ko ang Papa at Mama nya" sabi naman ng Papa ni althea 'What Pati Siya?' "Hindi lang ang papa niya ang kilala namin dahil maging ang lolo niya na may-ari ng paaralang pinapasukan mo at siya ring nag pasok sa iyo sa Paaralang iyon" sabi pa ng mama ni Althea 'What Revealation ba to hayss sakit sa utak' "Pero pano niyo po sila nakilala?" Tanong ko naman "Kasi ang Papa mo ang leader namin ng Gang noon at ang Mama mo ang pinagtripan niya na nakatuluyan niya" natatawang sambit ng Papa ni Althea 'Kaso wala na si Mommy' "Eh si Lolo po?" Tanong ko ulit "Siya naman ang tagapagtanggol namin dati dahil madaming takot sa kaniya" sambit naman ng Mama niya "Hoy Gabi na umuwi kana" singit ni Althea 'Sungit HAHAHA' "Eto po Prutas hehe narinig ko po kasing may sakit po si Althea" sabi ko sabay abot ng prutas "Salamat iho ang sweet mo naman, Teka kumain ka na ba?" Tanong ng Mama ni Althea 'Kung alam niyo lang po ang mga ginawa ko baka di na ako makauwi ng buhay' "Opo" pagsisinungaling ko "Ay by the way, Arnold ang pangalan ko ako ang tatay ni Althea" pagpapakilala ng Papa niya "Ako naman si Amaya ang Nanay ni Althea" pagpapakilala naman ng Mama niya "Ah hello po ako naman po si Ruzzel kaklase po ako ni Althea" pagpapakilala ko "Sige maiwan muna namin kayo ni Althea dito Ha" sabi ng Mama ni Althea "Ah sige po Mam" sabi ko "Hay nako tita nalang itawag mo sakin" sambit ng Mama ni Althea at nakita kong nangunot ang noo ni althea "Mom hindi mo pa nga siya kilala eh" pag angil ni Althea "O siya maiwan muna namin kayo jan" sabi ni Tita "Sige ho" sabi ko at umakyat na sila tita sa Kuwarto nila tapos pagharap ko kay Althea ay naka Crossed Arms ito "Ano Di ka pa uuwi?" Mataray na tanong ni Althea "Napakasungit mo" sabi ko "Puta ikaw kaya pagtripan ko tas ipa bully din kita matutuwa ka kaya?" Inis na tanong ni Althea "Sorry" malungkot kong sambit "Ano pang magagawa ng Sorry mo eh andami ng nangyare sakin" sabi ni Althea "Ah sige Aaminin ko na mali yung ginawa ko pero hindi ko sila inutusan para Bully-hin ka" sabi ko "Tss sinong maniniwala sayo eh dinig na dinig kong boss ang tawag sayo nung mga yon?" Tanong naman niya "Sige kahit hindi mo ko paniwalaan patutunayan ko nalang sayo" sabi ko naman "Ano namang gagawin mo? Eksena? Para kunyare niligtas mo ko?" Tanong ulit niya "Hindi, Totoo yung pagliligtas ko sayo Althea at isa pa Takot lang sakin yung mga yon kasi Bully talaga ako" paliwanag ko "Ahh Ok" sagot niya na para bang napipilitan pa siyang paniwalaan ako "Maniwala ka sakin althea at humihingi ako ng tawad" sambit ko at lumuhod ako sa harap niya na ikinagulat niya "Tumayo ka nga jan" pagpapatayo niya sakin at hinawakan niya pa ako sa magkabila kong braso "Ano ba naman kasing pumasok jan sa utak mo at ako pa ang napili mong pagtripan?" Tanong niya sakin nung makatayo ako "Hindi ko rin alam Althea Sorry" malungkot kong sambit "Tama na wag ka nang humingi ng tawad" sabi niya at hinawakan ko ang kamay niya tas sinubukan niyang alisin iyon pero hinigpitan ko yung paghawak pero hindi yung masasaktan ko siya "Althea Patawarin mo rin ako dahil Gusto na kita" pag amin ko dito na ikinagulat nito "Ha?! Pag tapos mo akong pagtripan?!?" Gulat na tanong niya "Oo kahit ako eh hindi ko inaasahang mahuhulog ang loob ko sayo this is unexpected love Althea" sabi ko "This Is really Unexpected Ruzzel kung trip lang to eh tigilan mo ko dahil marunong akong gumanti ng sapak" sabi niya at natawa ako "Hindi to trip HAHAHA marupok lang talaga ako" sabi ko "Marupok pala eh bakit hindi ka rumupok dun sa Valerie na yon?" Tanong niya "Dahil hindi ko naman siya gusto at kailanman ay hindi ko siya magugustuhan" sabi ko "Tss sige na umuwi ka na" sabi nito "Sige Salamat sa lahat pangako patutunayan ko sayo na magbabago na ako" sabi ko at niyakap ko siya "Wag kang mangako, gawin mo nalang" sabi niya tsaka ako bumitaw sa pagkakayakap "Pagaling ka ha para makapasok ka na bukas" sabi ko pa at lumabas na ako tas umalis Nung makauwi ako ay hindi na ako kumain dahil dumeretso na ako sa kuwarto dahil nabusog na ako sa tuwa KINABUKASAN ay pumasok ako na may malaking ngiti sa mga labi ko dahil hanggang panaginip ko ay kasama ko si Althea kaya sinalubong ko ang mga kaibigan ko na may malaking ngiti sa bibig "Hey bro" bati ko sa mga kaibigan ko "Yow HAHAHA puta ang laki ng ngiti" pang aasar sakin ni Adrian "Mukhang may magandang nangyari dito bro" sabi naman ni Romy "WHAHAHAHA inlove na yata bestfriend natin" singit naman ni Rio ngunit natinag ako nang pumasok ang mga kaklase ko na nagtatawanan "WHAHAHAHA ang lakas pa ng loob niyang pumasok noh yan tuloy binubully na naman siya kawawa" sambit nung lalaki at kinutuban ako kaya lumapit ako dun sa kaklase ko tas sumunod yung mga kaibigan ko "Bro tama ba narinig ko? Sino ba yung binubully?" Tanong ko kunyare "Edi yung pinagtripan mo" sagot sakin ng isa kong kaklase ko "Nasaan siya?" Tanong ni Rio "Nasa quadrangle pinagtitripan nung mga lalaki" sabi nung lalaki kaya tumakbo ako palabas at Halos talunin ko na ang hagdan sa pagmamadali, sumunod sakin sila Adrian at nung makarating ako sa baba ay nakita ko kung paanong pinapalibutan ng mga lalaki si Althea kaya Tinulak ko yung iba dito at yung mismong nasa harap ni Althea ay Sinapak ko "Bo-Boss" utal na sambit nito kaya hinawakan ko sa kuwelyo ng damit niya "Don't you ever touch my Women again!!" Mariin kong sambit at tinulak ko ito "Simula ngayon hindi na pwedeng bully-hin ng sinuman ang babaeng nasa likod ko ngayon dahil ang mambully sa kaniya ay papatalsikin ko sa paaralang ito at literal kong patatalsikin naiinitindihan nyo?!" Mariin na sambit at tanong ko "Oo" sagot nung iba "Bakit ano mo ba siya?" Matapang na tanong ng lalaki "GIRLFRIEND KO SIYA" mariin kong sambit at pagpapanggap at hinatak ko na si Althea palayo, Nakita ko pang umirap samin si Valerie SIMULA nung araw na iyon ay hindi na nabully pa si Althea ay Kamakailan lang ang Sinagot niya na ako 4 Years later Nakapagtapos na kami ni Althea ng pag aaral at nagkaayos na kami ng Tatay ko at ngayon masaya na kaming nagtatrabaho para narin sa kinabukasan namin dahil pinangakuan ko siyang pakakasalan ko Siya 4 Years Later Kinasal na kami ni Althea last 3 years ago at ngayon ay isisisilang niya na ang ikalawa naming anak na si Athena dahil ang panganay namin ay isinilang Last 2 Years ago na Si Anthony A few months later Tapos na ang pangalawang bahay na ipinagawa namin at ngayon ay Anniversary ng kasal namin kaya nagcelebrate kami tas pumasok ka kami sa kuwarto dahil anong oras narin nung nahiga na siya ay tumabi ako "Hon alam mo bang Unexpected talaga na magugustuhan kita? Unexpected din na magugustuhan mo rin ako, tas Unexpected pa na makakapagtapos tayo at makakapagpakasal tas magkakaanak tas katabi pa kita ngayon, This is one of my Unforgettable moment kasi yung lahat naman ng moments natin ay Unforgettable para sakin" sambit ko "Yeah Hon because Every moments of our lives is Unfogettable and its a blessings and Hon this is what you call Unexpected Love" sambit naman niya at hinalikan niya lang ako tas natulog na kami **THE END**
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD