Warning: Ready your tissue
P.S Totoong karanasan ko at ng pamilya ko po ang nangyare sa Story na ito
BASAHIN HANGGANG DULO :) ♥
~|Racquel's POV|~
Way Back (May) 2019
"Ok po doc salamat po pero wag niyo nalang po sabihin sa Tatay ko yung sakit niya Ako nalang po ang bahala. Maraming salamat po" Sabi ko sa Doctor ng Tatay ko at Umuwi na kami pero bago kami makauwi ay kumain muna kami sa Mang Inasal
Malungkot akong kumain at maya maya pa ay nag aya na si Tatay na umuwi ng bahay
Pagkauwi namin ay Sinalubong ako ng mga anak ko
"Oh Mame Kamusta po anong pong nangyare kamusta?" Tanong ni Jemmy/JM pangalawa sa panganay kong anak
Hindi ko siya sinagot at dineretso ko lang sa Kuwarto ang Tatay ko
"O tay pahinga kana ah maya maya ka na gumising at papagising nalang kita pag kakain na" Sabi ko at Inihiga ko na ang tatay ko
Medyo hirap na ang tatay ko dahil naka Catheter siya
Lumabas ako ng kuwarto dahil nagpapahinga na ang Si Tatay
"Ma ano po bang nangyare?" Tanong ulit ng mga anak ko
"Pshhhh wag kayong maingay" Pabulong na saway ko sa kanila
"Bakit ma?" Tanong ni Tin Pangatlo sa Magkakapatid at pangalawa sa Bunso. Isang taon lang ang pagitan nila ni Jemmy
"May Prostate Cancer ang Lolo niyo at High risk na kaya intindihin niyo nalang kung nagkukulit siya" Malungkot na sabi ko at Yumakap naman sakin si Jemmy
Sa totoo lang si Jemmy ang pangalawa sa pinakamalambing kong anak dahil yung bunso talaga ang pinakamalambing
Lumipas ang mga araw at nagsisimula na nga sa pangungulit si Tatay. Para siyang bumabalik sa pagkabata
Maya't maya ang tawag niya sakin o di naman kaya ay si Jacky/Jemmy ang tatawagin niya
"Kel Lika sandali" Tawag sakin ni Tatay
"Sandali lang tay may ginagawa kasi Ako" sagot ko naman sa kaniya
"Sandali lang kel wala pang dalawang minuto" sabi niya
"Oh ano ba yun Tay?" Tanong ko nung makalapit ako sa kaniya
"Ayusin mo nga ito parang may mali kasi dito" sabi niya sabay turo sa catheter niya kaya tinignan ko ang Catheter niya
"Okay naman tay wag mo lang galawin okay lang yan" sabi ko
"Okay sige salamat yun lang naman diba wala pang dalawang minuto" sabi niya
Bumalik ako sa ginagawa ko at saglit lang ay
"Jacky lika sandale" tawag ni tatay kay Jacky
"Bakit po lo?" Dinig kong sagot ni Jacky kay Tatay
"Pakiayos mo nga tong bote ko" dinig ko namang sambit ni Tatay at pagkatingin ko ay yun yung boteng pinaglalagyan niya ng ihi niya
"Sa CR mo itapon yan" utos ko kay Jacky
"Di na kel sa lababo nalang" sabi ni Tatay
"Di pwede dun lo kasi pinaglalagyan ng mga maduduming pinggan yun tapos dun ka magtatapon ng ihi" Paliwanag ni Jacky sa Kaniya
"Alam ko po yun pero dun mo nalang itapon" Utos parin ni Tatay kay Jacky
Tumayo si Jacky at pumunta ng CR tsaka dun itinapon yung ihi
"Sinunod mo padin gusto mo eh sige hayaan mo sa susunod di na kita uutusan" sabi ni tatay na para bang masama pa ang loob sa ginawa ni Jacky
"Ma grabe si lolo" bulong sakin ni Jacky nang makalabas ito
"Hayaan mo nalang" sabi ko
"Bakit ma" tanong ulit ni Jacky
"Wala basta hayaan mo nalang" sabi ko naman ulit
LUMIPAS ANG MGA ARAW
"Kel lika ulit sandali" pangatlong tawag sakin ni Tatay
"Oh ano ba yun tay? Tatawagin mo ko eh may ginagawa ako tapos wala namang kuwenta sasabihin mo" Medyo inis na sambit ko dahil kanina pa ako nagpaabalik balik sa kaniya
"Don't get Angry" sabi ni Tatay
"I'm not angry Tatay basta wag ka lang maging makulit" sabi ko
"Opo hindi na po" sabi niya
"Oh ano ba yun?" Tanong ko
"Bili ka ng Orange" sabi niya sabay abot sakin ng Singkwenta pesos
"Bunso. Bumili ka nga ng Royal" utos ko Kay Ronan Bunso kong Anak
"Akin na pambili" Sabi ni Ron sabay kuha sakin ng singkuwenta
"Ay wag na, sino uutusan mo? Si ron? Wag na kel nahihiya akong utusan yan eh" sabi ni Tatay pero pinatuloy ko lang kay Ron ang Pagbili ng Softdrinks
MAYA MAYA PA
"Ma Wala kila kuya buds kaya kila tito Gerry ako bumili kaso hindi masyadong malamig kaya bibili pa ako ng yelo" Sabi ni Ron
"Anjan na kel?" Tanong ni Tatay at nagpumilit itong umupo sa Paborito niyang silya
"Saglit lang tay pabibilihin ko lang ng yelo si Ron" sabi ko at Bumili nga ng yelo si Ron pero sumimangot na si Tatay
"Tagal naman" Naiinip na sabi ni Tatay at nameke ito ng tawa at halata naman namin iyon
"RON!!!" Sigaw na tawag ko kay Ron dahil tanaw ko na siya mula sa malayo.
Nagmadali nang makauwi si Ron dahil minamadali ko na rin siya at dahil sa naiinip na rin si Tatay
Nang makauwi si Ron ay
"Hay sa wakas nakauwi ka rin kala ko di kana makakabalik eh" sabi ni Tatay kay Ron kaya sumimangot si Ron
Nilapitan ko si Ron
"Hayaan mo nalang" Bulong dito at pinakuha ko nalang ito ng baso
"Kakain na" Sabi ni Jacky
"Bigyan niyo muna lolo niyo" sabi ko
"Kel sabay sabay na tayo" sabi naman ni Tatay
"Mauna kana tay siguradong di Pa agad kakain yang mga apo mo dahil busy sa kung saan wala namang kuwenta yung mga ginagawa nila" Sambit ko
Binigyan siya ni Jacky ng Pagkain at Kumain na siya
Maya maya lang ay kumain na rin kami
KINAGABIHAN
"Ma anong ulam?" Tanong ni Ruzzel Panganay kong anak
"Wala na kong pera tignan mo kung may delata pa jan pag wala na edi kuha nalang muna tayo kila Mommy" Sabi ko at yung Mommy na Binabanggit ko ay yung Tita ko na Kapatid ng Nanay ko
"Ma! Ubos na po yung Delata" Sabi ni Jacky
"Kuha muna kayo kila Mommy dali tanong niyo kung anong ulam" Ani ko
"Eh bat ako? Teka tawagin ko si Ron tas siya nalang utusan mo" Sambit naman nito
"Sige" Maikling sagot ko
Maya maya lang ay dumating na si Ron
"Ma ano yun? Tawag mo daw ako?" Tanong ni Ron
"Oo bunso tanong mo nga kila Mommy kung ano yung natira nilang Ulam na tinda tapos balik ka dito para alam namin kung anong kukunin syempre mamimili pa yang mga kapatid mo" Sabi ko
"Sige Ma basta akin Skinless longganisa" Agad namang sabi niya
"Sige basta tanungin mo muna kung meron" sabi ko
"Okay" sagot niya at lumabas na ito
Ilang saglit lang ay bumalik na si Ron
"Oh ano daw?" Tanong ko
"Meron silang Tortang giniling, Hotdog, Burger Steak tapos nakalimutan ko na yung iba. Yan lang naalala ko eh" Sabi nito at binatukan siya ni Jacky dahil mabigat talaga ang kamay nito simula't sapul kaya nga pinag Volleyball ko ito.
"Aray!! Kase batok naman to ng Batok" Angil ni Ron
"Batok ng Batok? Isa lang ginawa ko wag kang sinungaling Sira ulo ka!" Sabi naman ni Jacky
"Ate naman bat mo naman binatukan kapatid mo" Sabi ko
"Baka sakaling maalala niya Ma" Sagot nito sakin at Nagtawanan kami kaya sumimangot yung bunso
"Iiyak nayan. Iiyak nayan oohhh bakla boom barbie" Pang aasar nung Tatlo
"Bahala kayo ah kayo kumuha jg uulamin niyo" Banta ni Ron
"O sige hindi na" Sabi nung Tatlo at Tumigil nga ang mga ito sa Pang aasar nila
"Oh ano na? Anong uulamin niyo?" Tanong ko sa kanila
"Idamay niyo na rin yung tatay niyong busy sa Kabilang bahay" sabi ko dahil hiwalay talaga kami ng tinutulugan ng Asawa ko. Dun siya natutulog sa dating tindahan ng Tatay ko
"Eh bahala siya ano siya Hari?" Angil naman ni Panganay
"Hindi kuya Tamad lang talaga" Sabi naman ni Jacky
"True" pag sang ayon ni Tin
"Dali na kase" inis nang Sambit ni Ron
"Kahit ano sakin wag lang hotdog" Sambit ni Jacky
"O sige eh ikaw ate tin?" Tanong ni Ron
"Anong ako?" Tanga tangahang tanong ni Tin
"Anong uulamin mo HAYSSSSS" inis na talagang sambit ni Ron kaya nagtawanan na naman kami
"Humanda sakin to pag nakakuha na to ng ulam" Banta naman ni Jacky pero bulong niya lang iyon kay Tin at dinig ko naman dahil Malapit lang Silang dalawa sakin
Tatawa tawa kong binatukan yung dalawa
"Pagtutulungan niyo na naman yung kapatid niyo" Sabi ko
"Ssshhh wag kang maingay Ma" Sabi naman nung Dalawa
"Kel" Tawag ni Tatay
"Ay si Tatay pa pala" Pabulong kong sabi kay Tin at Jacky dahil sa ganung tawag palang ni Tatay ay alam ko nang nagpaparamdam ito na dapat meron din Siya kung anong kakainin namin
Bumalik si Ron sa Bahay na may dala ng ulam at pinabalik ko ulit ito dahil nakalimutan kong ibilang si Tatay
Padabog at Inis na bumalik si Ron kila Mommy para kumuha pa ng Isang ulam at pagkatapos nun ay Umuwi na ito ng nakasimangot parin
Kumain kami at Pagkatapos magpahinga ng kaunti ay Natulog na Kami
ILANG ARAW ANG LUMIPAS
~|Jemmy/Jacky's POV|~
"Oh Bat umiiyak ka Ma?" Tanong ko kay Mame
"Alam na ng Lolo niyo" Sabi naman nito
"Na Ano?" Tanong ko
"Na May Cancer siya at ayaw niyang magpagamot" sabi nito
Yumakap ako kay Mame at Pinatahan ko ito
Nung Kumalma na si Mame ay Nag Chat ito sa mga Kapatid niya at Maging sa Tita niya na Pinsan ni Lolo
Ipinaalam ni Mame ang naging reaksyon ni Lolo maging ang balak nito na hindi magpagamot
Humingi ng tulong si Mame sa Tita niya para sa Pambili ng Catheter ni Lolo at Biscuits na Stocks nito para sa Bahay
Pinadalhan si Mame ng Pera ng Tita niya at ako ang isinama niya sa Pamilihan
LUMIPAS ANG MGA ARAW MAGING ANG BUWAN
Umuwi si Papa sa Gensan nung June at Umuwi din siya dito sa Maynila ng August para sa birthday ko
Ngayon ay New Year na Sabay sabay kaming Sumalubong sa 2020 Magkakasama kaming nag Celebrate
Ngunit naging Pangit ang simula ng Taong 2020
Sinimulan nang Jan
(Ash Falls)
"Kel lalabas lang ako saglit" Sabi ni Lolo kay Mama
"Wag na Lo Baka kung ano pang masinghot mo sa Labas at makasama pa sayo" pigil ko naman dito
"Wag ka nang masyadong maraming kontra" Sabi naman sakin ni Lolo
Hinayaan kong lumabas si Lolo pero saglit lang din ay Pumasok ito
"Oh wala namang nangyare sakin diba" Sabi nito sakin pero hinayaan ko nalang ulit siya
Lumabas ito ulit at kinuha niya pa ang Paborito niyang upuan
'Napaka kulit talaga ni Lolo'
DUMAAN ANG FEBRUARY AT MARCH HANGGANG SA MAGKA QUARANTINE DAHIL SA COVID
Kasabay nito ang paglala ng sakit ni Lolo at maging ang pagiging isip bata nito ay Tumitindi
"Kel Lalabas lang ako" sabi ni Lolo
"Lo hindi pwede bawal lumabas Yung Senior" sabi ko
"Jan lang ako sa tapat mag wawalis walis" sabi nito
"Bawal nga lo" sabi naman ni Kuya Ruzzel
"Hindi naman ako Lalayo eh" Pamimilit parin nito
"Hayaan niyo siya para pag nahuli siya ay madala siya" Singit naman ni Mama
"Bakit naman ako mahuhuli eh dati akong kagawad dito?" sabi ni Lolo
'Eh ano naman wala namang sinasanto si Covid'
"Bahala ka sige lumabas ka. Ron bantayan mo yang lolo mo baka lumayo" sabi ni Mama
"Kasi naman eh bat naman kasi lalabas pa sinabi na ngang bawal" Angil ni Ron
"Mahihirapan ka lang sa paglabas Lo tignan mo wala kan dadaanan" Sabi naman ni Kuya
"Ruzzel paki usog mo ng konti yang bentilador mo para may madaanan ako" Sabi pa ni Lolo at nanatili nalang akong tahimik na nakahiga sa Kama. Sa Sala nakalatag ang Kutson o Kama kung tawagin ko dahil sa Kuwarto namin ipinuwesto si Lolo para walang makakaabala sa kaniya
LUMIPAS ANG MGA ARAW AT LINGGO. MAY MGA ARAW PA NA TINAGUAN NI MAMA SI LOLO DAHIL NAG PAPABEBE LANG ITO SA KANIYA SA TINGIN NI NIYA HANGGANG SA UMABOT NG MAY 2020
"Kel lika sandali. Sandali lang po" sabi ni Lolo ngunit may ginagawa si Mama kaya ako na ang lumapit
"Bakit lo may ginagawa si Mama eh" sabi ko
"Wala pa po siya?" Tanong ni Lolo at nakukulitan na ako pero naaawa din ako
"Wala lo pumasok" pagsisinungaling ko pero hindi ko gusto ang ginagawa ko dahil ang totoo naman ay nasa kabilang bahay lang si Mama at kasama niya si Papa
"Gisingin mo ko pag nandiyan na siya ah" sabi sakin ni Lolo
"Sige pahinga ka muna gisingin nalang kita" Sabi ko at lumabas na ako
Uupo na sana ako sa Kutson ng biglang
"Jacky Sandali lang" Tawag ulit ni Lolo
"Lo?" Lapit ko sa kaniya
"Nasan ba si Mama mo?" Tanong nito
"Hindi ko alam kung san siya pumasok eh" pigil na inis na sambit ko
"Gisingin mo ko pagbalik niya ah" Sabi pa nito
"Sige lo basta magpahinga ka muna" Sabi ko at lumabas na ako
Nainis na ako kaya pinuntahan ko na si Mama sa Kabilang bahay
"Ma ano ba kanina ka pa hinahanap ni Lolo" Inis na sabi ko kila Mama na naabutan kong nag secellphone
"Hayaan mo siya magpapabebe na naman yun pag nakita ako" sabi naman ni Mama kaya pumasok na ulit ako sa Bahay
Tuloy tuloy at Sunod sunod parin ang pagtawag sakin ni Lolo at nung mainis na naman ako ay Pinuntahan ko Si Mama
"MA! Ano ba kanina pa ko patayo tayo" Inis kong sabi pero nasa isip ko ang dahilan kung bakit ayaw pang magpakita ni Mama kay Lolo
:Ganto kasi yun:
Gusto ni Lolo na Matulog si Mama sa Malapit sa kaniya kaya sa Lapag nahihiga si Mama pero nag lalatag siya dahil kung minsan ay kung saan saan nag papagpag ng Catheter niya si Lolo at hindi makatulog si Mama dahil Grabe ang init at wala pa siyang bentilador
↑↑↑↑↑↑↑↑↑↑↑↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓
:Alam niyo Na:
Umuwi si Mama sa Bahay at
"Kel ikaw na ba yan?" Tanong ni Lolo kahit hindi niya pa nakikita si Mama
"Bakit tay" tanong ni Mama
"Masakit kasi yung tiyan ko Kel" sabi ni Lolo
Lumapit si Mama kay Lolo at Inasikaso niya Ito
Kinagabihan
"Ruzzel may request ako Sayo" sabi ni lolo
"Ano yun lo?" Tanong ni Kuya
"Pwede bang dito muna ako matulog sa Papag mo ngayong gabi lang?" Tanong pa ni Lolo
"Hindi pwede lo Ayoko" sabi ni Kuya sabay lapit ni Kuya kay Mama
"Ma may Surot dun di rin siya makakatulog" Sabi ni kuya kaya nagets ko ang punto niya kung bakit ayaw niyang patulugin dun si Lolo
"Bibigyan kitang pera Zel kahit ngayong gabi lang pagbigyan mo na ako" Parang nagmamakaawa na sambit ni Lolo at totoo namang naaawa ako sa kaniya
"Ayoko" Sabi ni Kuya kaya medyo nagtaas na ng boses si Lolo
"Nakikiusap po Ako" Sabi ni Lolo
"Eh ayoko" Sabi naman ni Kuya
"Ayaw niyo na talaga sakin sa totoo lang" Nagtatampo nang sambit ni Lolo pero alam kong hindi pa titigil ito
"Sa totoo lang wala naman dapat ako dito eh kinuha niyo lang ako sa Morong" Sabi pa ni Lolo
"Hindi ka naman namin kinuha eh sila ang nagbigay sayo samin" Sagot ni Kuya kaya sinaway na siya ni Mama
"Bat naman nila ako ibibigay eh Mahal na mahal ako nung mga nasa morong" Sabi ni lolo
"Sa totoo lang gusto ko jang umuwi dun" Sabi pa nito
"Di ka makakabalik dahil may Covid" Sagot ni Mama na Para bang nagtatampo nadin
"Tawagan niyo nga tita Liza niyo" utos ni Mama
"Di na Kel wag niyo nang tawagan" Sabi ni Lolo
Maya maya pa
Nagpumilit naman si lolo na Sumingit sa amin nila Mama ngunit nang makaramdam ito na medyo masikip ay hirap siyang tumayo at bumalik sa Tulugan niya
Lumipas ang mga Araw at panay ang punta ni lolo sa CR ngunit biglang
"Ma si Lolo nadulas yata" sabi ni Ron at Ikinuwento samin ni Ron ang Nakita niya at yun sa Si lolo na nakahiga na sa CR
"Yan ang kulit mo kasi" dinig ko sabi ni Mama at inilabas niya sa CR si Lolo
"Grabe ang laki ng sugat ng lolo niyo" sabi ni Papa at nakita ko nga ang sugat ni Lolo
Ginamot niya ang sugat ni lolo at Simula noon ay Hirap ng magsalita si Lolo
LUMIPAS NA NAMAN ANG MGA ARAW HANGGANG SA
(JUNE 1 mga bandang alas tres ng hapon)
"Kel" Hirap na tawag ni Lolo kay Mama kaya agad na lumapit si Mama
"Mahal na Mahal kita Kel" Hirap pang sambit ni Lolo
"Mahal na mahal ko kayo kel" Pilit niya paring sinasabi iyon
"Oo tay Mahal na mahal ka din namin" sabi ni Mama at Lumapit ako
"Wag mo kong iiwan kel" sabi ni Lolo
"Di naman ako umaalis tay" sabi ni Mama
"Kain ka na Tay" Sabi ni Mama
Idinial ni Mama sila Tita sa Messenger at agad namang nag konek si Tita Flory na pangalawa sa anak ni Lolo at Ang isa sa tatlong anak ni Tita liza na Panganay na anak ni Lolo
"Iuupo kita ah kain ka na" sabi ni Mama at hawak ni Rin ang Phone habang naka video call
"Ate Jacky subuan mo nga si Lolo" sabi ni Mama kaya lumapit ako Agad
"Kain ka madami ah" sabi ko
"Opo" hirap pang sagot ni Lolo
Sinubuan ko siya ng Kaunting kanin ngunit nginuya nguya niya lang ito tapos ay Idinura
Hindi narin niya alam kung pano ang tamang pag higop sa straw
"Ayaw ko na kel" Sabi ni lolo kaya inilapag ko na ang kutsara
Inihiga na ni Mama si Lolo
"Rj? Nasan ang Mama mo? Gusto daw siyang makita ni lolo mo" umiiyak pero pilit na ngumiti na sambit ni Mama
"Nasa trabaho tita eh" Sagot ni Rj pangalawa sa Anak ni Tita Liza
"Malapit lang ba sa Inyo?" Tanong pa ni Mama habang hinahagod hagod ng banayad ang buhok ni Lolo
"Opo tita gusto mo puntahan namin?" Tanong ni Ate Angel Panganay na anak ni Tita Liza
"Malapit ba?" Tanong ni Mama
"Opo mag momotor lang kami tita tawagan ka namin pag nandun na kami" sabi Ni ate Angel at umalis ito sa pagkakakonek
"Mahal na mahal ko kayo" Sabi ni Lolo
"Oo tay mahal na mahal ka din namin ng mga apo mo" sabi ni Mama habang umiiyak
Maya maya lang ay tumawag sila Ate Angel at kumonek ulit si Tita Flory
"Oh tay ayan na si Ate liza diba gusto mo Siyang makita" sabi ni Mama at kita ko kung panong magpigil ito ng Luha
"Hi Tay" bati naman ni Tita liza at kita kong umiiyak na rin ito
"Oh lo ayan na si Tita liza sabihin mo na yung gusto mong sabihin" sabi ko habang umiiyak na din
"O tay ayan na sabihin mo na" Sabi ni Mama
"Ano yun Kel" tanong ni Tita Liza
"May sasabihin daw sayo si Tatay" sabi ni Mama
"Si Jacky?" Dinig kong tawag ni Lolo kaya mas naiyak ako dahil kahit nahihirapan siya ay nabanggit niya ang pangalan ko
"Andito lang ako lo" sabi Ko
Nagkuwento si Mama ng tungkol sa nangyayare kay lolo maging ang sinasabi ni lolo na may nakikita siyang matanda ay ikinuwento ni Mama
"Ay nako tay wag ka munang sasama ah hintayin mo muna kami luluwas kami bukas" sabi ni Tita Flory
"Paalisin niyo nga yung matanda" biro ni Tita Liza
"Pinaalis na namin Tita" biro ko din
"Mahal na mahal ko kayo" Hirap na sambit ni Lolo kaya mas lalo pang naiyak sila Tita maging ako ay Umiyak na
"Tay Hirap ka na ba?" Umiiyak na tanong ni Tita Liza
"Gusto mo na bang magpahinga?" Tanong pa ni Tita
"Ayaw ko lord" Sabi ni Lolo Habang nakatingin lang sa itaas ng Kama niya
"Pahinga kana kung nahihirapan kana" sabi ni Tita Liza
"Aalis?" Tanong ni Lolo
"Ma Aalis daw?" Sabi ko kay Mama
"Sinong Aalis? walang aalis" sabi ni Mama
"Tay kung nahihirapan na Magpahinga na ha" Sabi pa ni tita
"Opo aray aray" sabi ni Lolo
"Matutulog daw muna siya mamaya nalang tayo mag usap" sabi ni Mama
"Sige kel uuwi kami bukas at hihingi ng travel to pass si Ate nang makaluwas" sabi ni Tita Flory at lumabas na ako
(JUNE 2, 12:10AM)
"Ma check mo nga si lolo mukhang di na humihinga" Dinig kong sabi ni Ron pero tuloy lang ako sa pakikipagkuwentuhan kay Tin at napabangon lang ako nang biglang
"TAY?!" Pasigaw na panggigising ni Mama kay Lolo ngunit hindi na ito nagmumulat pa ng Mata
"TAY!! GISING TAYYYYY!!" Naghahalumapasay na si Mama sa Lapag dahil ayaw nang magmulat ni Lolo
Napatakbo ako sa loob at pinipilit ko ding gisingin si Lolo ngunit
"TAY!!! ALAM KONG AALIS KA PERO BAT NGAYON!!!" Sumisigaw habang umiiyak na sabi ni Mama
"SABI MO HINDI KA SASAMA SA MATANDA KAYA PINAALIS NAMIN PERO BAKIT SUMAMA KA!!" Sigaw pa ni Mama
"ANG DAYA MO LOLO!!! DIBA HIHINTAYIN MO PA SILA TITA!" Sigaw ko dahil pinipilit ko paring gisingin si Lolo
"TAY!!! ALAM KO LANG ALAGAAN KO HINDI KO ALAM GAGAWIN KO NGAYON!" Sigaw parin ni Mama at Lumabas si Kuya sa CR
"LO!!" Gulat na sabi nito at Umiyak na din ito
"Zel tawagan mo tita mo!! Dali sila lang hinahanap ng lolo niyo" Umiiyak na sabi ni Mama
"Tay tatawagan na namin sila ate ha Gigising ka ha!. Tay tatawagan na namin sila ate Liza diba may saaabihin ka pa" Umiiyak pang sabi ni Mama ngunit nang sumagot si Tita Liza sa Tawag ay hindi na talaga nagmulat pa si Lolo
(JUNE 6 2020)
Araw ng Libing ni Lolo at pinagsisisihan ko lahat ng ginawa ko nung mga araw na puro Pangalan ko lang ang tinatawag niya pero naiinis ako at naiirita
Pinagsisisihan namin yung Araw na Naglalambing siya sa amin at gusto niya kaming makatabi sa Pagtulog
At PINAGSISISIHAN NAMIN LAHAT NG ORAS NA NASAYANG. DAPAT IGINUGOL NALANG NAMIN KASAMA SIYA
Ngunit ang pagsisising iyon ay Hanggang Doon nalang dahil wala na siya
OUR GREAT DEFENDER IS NOW GONE T.T T.T
THE END
T.T T.T T.T