16
EVA JUSTINE/ASTIN’s pov
It’s been a week since that rak-kabataan thing happened. Yung bagay na kinakatakutan ko nangyari na nga. yung confrontation namin ni PJ. Kinabukasan pumunta siya sa bahay at humingi ng tawad kena mama at papa. Yeah. Nauwi na rin si papa. naging busy nga ako dahil bonding time with the family muna since hindi naman matagal si papa dito.
And I think it’s pissing rann out. Angdami na niyang missed calls at mga messages na hindi ko na narereply. May mga bisita rin kasi since Christmas na.
“ate… gusto mo ng ice cream?”alok sa akin ni ivvo.
“no thanks…”matamlay kong tugon sa kanya.
Nagkulong lang ako sa kwarto maghapon. Madalas nadalaw si PJ dito. tulad ngayon I cant even leave dahil nagpaalam siya kay papa na pupunta dito. talk about effort?panalo siya dun. Hindi ko alam na ang nararamdaman ko ngayon.
May side na masaya akong nag-eeffort si PJ may side rin na sana huwag na lang niyang gawin ang mga to. Damn.
Bzzt…bzzt..
RANN CALLING….
@hello rann….
---hon? May problema ba tayo???
@wala,,busy lang ako po…
---ok ka lang? hindi na tayo nakakapag-usap nang madalas…
@busy nga diba????
---sorry,,
Hooh..now what astin? Nagbeep ang phone ko. may ibang tumatawag. It’s PJ? So bakit ako parang excited na sagutin yung tawag niya? bahala na diyan.
@rann..saglit ha? may gagawin lang ako…
---okei..i love you…
@geh po…
What did you do astin? I took a deep breath and talk to PJ.
RAY ANNE/RANN’s pov
Awkward. that’s the best way to describe what I feel right now. Pakiramdam ko naging iwas sa akin si astin bigla. We text. Oo. Pero hindi yung parang mabilis siyang magreply. PARANG WE WENT BACK TO BASIC. Yung naghihintay ako ng ilang minuto para magreply siya. at sa totoo lang? matinding kaba ang nararamdaman ko sa ganitong sitwasyon. May kinalaman kaya dun sa pagkikita nila ni PJ. Hindi na siya nagkwento tungkol dun. Hindi na rin ako nagtanong dahil ayokong makaramdam ng sopbrang selos. Pero kahit ganun. Hindi mawala sa isip ko na baka isa yun sa mga dahilan ng pagkakaganito ni astin. Sinubukan ko ring tanungin si aryana pero wala rin akong makuhang matinong sagot sa kanya.
Nakatambay lang ako sa may terrace.
“ate ok ka lang diyan?”said Hime na may dala-dalang coke at piatos. Naupo siya sa terrace kaharap ko.
I nodded.
“sus.ganyan-ganyan ka rin nung nag-away kayo ni ate niña e”komento naman niya.
“shut up.”
Itinaas niya ang dalawang kamay niya. “fine…”saka siya tumayo at lumipat sa sala.
Hindi siya nakakatulong. Hinding hindi. Sinubukan kong tawagan ulit si astin pero busy ang linya niya. madalas lang ganito. What’s going on astin? Pwede naman nating pag-usapan kung meron mang problema e.
I check on my watch. Magfofour pa lang naman so I decided to go to their house. I wore something gurly. Bumili ako ng cake na pasalubong sa kanila.
Naabutan ko si ivvo sa may gate.”ate rann! Long time no see!”apir niya sa akin.
“yeah…uhm andiyan si ate mo?”tanong ko sa kanya.
“wala e…umalis siya…”tugon niya.
Hindi man lang nagtext na aalis siya. “sinong kasama niya?”
Nagkibit balikat si ivvo.”ewan ko ate.”
Inabot ko na lang sa kanya yung cake at umalis na rin ako. wala naman dun yung pakay ko e. hindi ko alam kung saan ako tutungo. I went to the plaza kung where I can watch skaters do their stuffs.
I texted her.
To astin: kita tayo sa may plaza. Sa skaters area. I will wait until 6 pm. :(( Iove you…
I wanna see her badly. Ano bang humihila sa kanya papalayo sa akin ulit. I keep on calling her. she’s not answering my calls. Astin ano bang nangyayari sayo. sa atin? 5:30 na. wala pa ring astin na nag papakita sa akin. sumasakit ang ulo ko. angsakit ng puso ko. tsss.
To astin: hon…kita tayo oh..i miss you…30 mins na lang oh.. :((
I waited. Pero walang reply. Walang tawag. Walang astin.
The church bell ran at tumigil ang mga nag-i-skate. Ang hudyat ng pagdarasal ng Angelus pero para sa akin hudyat ito ng animoy pagkatalo sa isang larong ako lang ang mistulang lumalaban. I sighed.
Bzzt…bzzt…bzzt…
A message from astin.
Astin: anong ginagawa mo diyan? kababasa ko lang ng texts ko.
Me: im waiting for you hon…
Astin: God Rann! Wla akong sinabing magkita tayo diba? ano ba yan.
I tried to call her pero kinakansel niya. I just receive a text from her instead.
Astin: text na lang tayo…kakauwi ko lang. may pinuntahan kami ni aryana.
Me: hindi mo sinabi…
Astin: lahat na lang ba sasabihin ko sayo? rann,please…umuwi ka na muna…
Me: mahal mo rin ako diba? hon.. I love you…
Astin: umuwi ka muna..tatawagan kita mamaya..
Hindi na ako nakareceive ng text from her after that. Hindi ako umuwi. Nanatili lang ako sa skaters area hanggat nabored ako. pag umuwi ako pakiramdam ko mababaliw lang ako sa kakaisip ng dahilan kung bakit siya ganun sa akin.
siguro bandang alas-nuwebe na ako umuwi. Naratnan ko lang si mama na nanonod sa sala tutuloy n asana ako sa kwarto ko pero pinansin pa niya ako.
“kain ka muna…”
Tumango lang ako.
“what now?”she asked seriously.
“nothing…”saka ako tumuloy sa kusina.
Inubos ko lang yung tinira nilang pagkain para hindi siya mag-alala. Kailangan highly spirited pa rin ako para hindi magworry si mama.
“ma..sarap mo pa ring magluto ah!!”sigaw ko mula sa kusina.
“alam ko noh… gusto mo iluto ko lahat ng favorite mo sa Christmas eve?”tugon naman niya.
“oo naman…!”nagtungo na ako sa kwarto ko at nagfreshen up. Weird si mama ngayon. Weird. Usually kasi sa pasko puro trip ng dalawang kapatid ko ang niluluto niya. lakas trip rin kasi yan.
Madadaanan ko ang kwarto ng dalawa kong kapatid. It is half open. Bigla akong pumasok na ikinagulat ng dalawa. Nasa harap sila ng computer. Biglang tumayo si hime at humarang sa monitor.
“ano ka ba ate..kumatok ka kaya?!!”
Gumaya si maia sa kanya.”oo nga..grabe ka ha…”
“anong itinatago niyo diyan?”I seriously asked.
“wala noh..punta ka na nga sa kwarto mo…”simangot ni hime.
“ano yan? Scandal ha???”lapit ko sa kanila. Pero tinutulak ako ni hime papalayo.”isa….”
“dun ka na kasi ate…”pinagtutulungan pa nila akong itulak.
“MAIA! HIME!!”sigaw ko sa kanila. Saka lang sila tumigil at hinayaan akong tingnan ang pinapanood nila.
Naipo ako and click on play again icon ng youtube.
“sabi sayo ilock mo yung pinto e..”I heard hime murmuring.
“tumigil kayong dalawa diyan.”utos ko.
Damn.! sabi ng isip ko. QWERTY BAND REUNITED yung title ng video. Si PJ ang Astin yung kumakanta. Paanong hindi ko makakalimutang nag pigura ng lalaking yan at ni astin. Na-stunned ako habang nagpi-play yung video. Angsweet nilang dalawa. Magkadikit pa ang kanilang mga noo habang kumakanta. Hindi nakwento sa akin ni astin to. Bakit ganun? Punong-puno ako ng katanungan ngayon. God. I sighed.
“grabe..ito lang itatago niyo sa akin?e fan rin nila ako…”pagbibiro ko sa kanila. Saka ako tumayo. Pi-nat ko sa ulo si Hime.”next time huwag niyo nang uulitin yun ha? video lang yan e.”
They nodded.
“gisingin niyo bukas maaga ha?”bilin ko sa kanila.”arcade tayo…”then I went to my room.
I locked the door at nahiga lang. lutang ang isip. Gustong gusto ko nang tawagan si astin pero kailangan kong maghintay sa tawag niya.
Bzzt..bzzt..bzzztt…
I immediately answered her call naupo ako sa may kama at sumandal sa dingding.
@hello hon…
---hello..(angtamlay ng boses niya)
@musta hon?maen ka na? mwaaaahhhh.
---oo…ikaw?
@tapos na rin…
---kita tayo bukas??? We need to talk…
@uhm…sige…sunduin kita diyan..
---hindi..huwag na.kita na lang tayo sa mall…3 pm…
@okei… I love you…
---thanks…antok na ako rann…pwede nang matulog?
@wala pa tayong 30 minutes na nag-uusap.bababaan mo na ako agad?
---not now rann.please?
Angsakit sa pandinig nung RANN lang ang tawag niya sa akin. gusto kong umapela.
@geh po..i love you ulit..
---pahinga ka na rin…goodnight…
Ending that call with nothing but pain. Binitawan ko ang phone ko and leaned my head on the wall. Angsakit lang. kung anuman ang pag-uusapan namin bukas siguradong may kinalaman yun sa pagiging cold niya sa akin.
---
---
December 23. Kaaga nga akong ginising nina Hime. Nakaligo na sila nung ginising ako. para daw wala akong lusot sa kanila. Pagdating sa mall binigyan ko lang sila ng pera at bahala na silang gumala kung saan nila gusto. Nagkita-kita na lang kami sa foodcourt para maglunch.
“wala kang ganang kumain ate?”pansin sa akin ni maia.
“busog pa ako..”tugon ko lang. at tinikam yung inorder niyang dinuguan.
“ate..magagalit si tito hajime pag nangayayat ka…”biro naman ni Hime sa akin. saka nilagyan ng kanin yung plato ko.”lagot kami ni mama niyan e…”
Tsss.napilitan lang akong ubusin yung nilagay niyang pagkain sa plato ko. niyaya ko silang magbowling dun ko na rin pinapapunta si astin. Sina hime at maia lang ang maglalaro para masulit nila.
Pinapanood ko lang sila nang dumating si astin. Naupo siya sa tapat ko.”hi…”she said casually.
“hello..alis tayo?”yaya ko sa kanya.
Tumango lang siya. lumabas lang namang kami ng bowling area at tumungo sa may mga steel edges ng mall. Yung mga harang na nilalagay sa mga floors ng mall. Yung matatanaw mo ang mga nagsisilakarang costumers sa ibaba. At yung pataas at pababang mga escalators.
Nakasandal lang kami at parehong nakikiramdam sa isa’t-isa.
“I miss you…”basag ko sa katahimikan.
She just smiled. And I know it’s a fake one.
“I watched the video…”
“rann…”humarap siya sa akin.
“hey don’t worry…video lang yun diba? walang ibang ibig sabihin yun?” tugon ko sa kanya. please astin sabihin mong wala lang yun sayo at hindi ka apektado sa pagkikita niyo. Pakiusap ko sa isip ko.”mahal mo rin ako diba? pwede namang maging tayo na?”damn. rann. Ano bang lumalabas sa bibig mo.”ramdam ko namang mahal mo rin ako hon e…”
“itigil mo na yan rann…walang tayo okei?”
Parang bihusan ako ng malamig na tubig sa mga narinig ko. tsss. “ano ba tayo? Anong tawag sa relasyon natin? Mahal kita…sabi mo mahal mo rin ako diba?”
“M.U. I guess?”she said confusedly.
“hon….e anong problema sa atin? Ilang araw nang malamig ang pakikitungo mo sa akin.”
“rann..sorry…hindi ko naman to sinasadya…”
“parang ayoko ng marinig pa yung sasabihin mo astin…”I seriously said.”pwedeng kalimutan na lang natin tapos mag move on na tayo?”
Umiling siya.”ayokong magsinungaling sayo rann. Humingi siya ng tawad sa mga magulang ko at sa akin. yung galit na naramdaman mo noon sa kanya parang nawala lahat from that moment na nagkalapit kami ulit. alam kong parang tanga lang. pero hindi ko alam kung bakit ganito. I’m being pulled back to him.”
She will never see me cry. “akala ko ba wala na?”
“rann..akala ko rin…”and she’s wiping her tears.”sorry…I wanna be honest to you rann.”
“e yung mga sinabi sa akin noon?”bahagya akong tumigil,”tell me..naging importante ba ako sayo kahit papano?”
She looked at me sincerely.and nodded.
I smirked.”hell! lagi na lang ganito! Kailan ba ako magkakaroon ng someone na hindi ako iiwan!”
Ginagap niya ang magkabilang pisngi ko.”sorry rann..hindi naman ako aalis…pwde pa rin tayong maging magkaibigan diba?”
Tinanggal ko ang mga kamay niya sa pagkakahawak sa pisngi ko.“sinagot mo na ba siya ulit?”
Umiling siya.
“ok…”
“but I know I love him still…”
It really broke my heart. Damn.muli akong dumukwang sa ibaba.”hirap talagang kalaban ang first love..”
Nabalot kami ulit ng katahimikan. “alis na ko…”
“ihahatid na kita…”
“hinihintay ako ni Pj si parking lot. Kasama niya sina mama.”
I held on her left hand tight. “I’m not giving up hon…”
Pinagmasdan ko lang siyang makalayo.
----