“IS THAT for real, Nurie?” paninigurong tanong ni Ynggrid na nanlalaki pa ang bilugang mga mata. “Mukha ba akong joke, huh?” mabilis na basag naman ni Nurie sa kaibigan na may kasama pang pag-irap. “Ay kabog! Attitude ‘yan, sis?” banat din naman ni Ynggrid na natatawa pa. “Pero seryoso nga, Nurie? Talaga bang pumayag si Arnoux—the well-known dominant alpha in the whole NCA who definitely cares more about his fame as an uncontrolled alpha more than anything—that Arnoux?” paninigurong tanong din ni Sabina. Pilit na pinigilan naman ni Nurie ang matawa sa paraan kung paanong diniscribe ng kaibigan si Arnoux. Pinigilan na lang niya ang sarili. Mabuti na lang dahil tanging ang mukha niya ang ang nakikita sa screen ng kanyang phone at hindi ang mga balikat na hindi na niya napigilan ang pagga

