Nais kong alamin ang lagay ng Prinsesa ng good vampire, at makita na din ang kalagayan nito. Hindi ako matatahimik sa isang lugar habang ang aking isip ay nasa isang nilalang na kalahi ko. Tama po kayo ng pagbabasa ang kalahi ng aking Ina, dahil dito nag aalala ako sa maaring sapitin ng prinsesa sa kanilang lahi at sa mga taong naging malapit dito. Dahil diyan nagpasiya akong bumababa mula sa aming lugar patungo sa mundo ng mga mortal, kung saan naruon ang dalaga na namumuhay kasama ng ibang kalahi nito, at maging ibang nilalang naninirahan sa Petrograd. Dahil sa mga doktor ng aming puod ay nababahala sa naging ulat ng aming kaibigan si Vrach na ang prinsesa ng mga good vampires ay may dumapo na hindi maipaliwanag na kasakitan dito, lahat ay kanyang ginawa at maging ilang doktor ng iba

