Ashton Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata, hindi ko agad ito naimulat dahil sa mahapdi ito, masakit din ang aking ulo. Kinusot ko ang aking mga mata hanggang sa tuluyan ko na itong maimulat, napagtanto kong nasa loob ako ng kwarto ni Zie, sa tantiya ko ay madaling araw na, paglinga ko sa aking tabi ay ang natutulog na pigura ni Zie ang tumambad sa akin, mahimbing pa rin itong natutulog. Bumangon ako mula sa pagkakahiga, ipinagsalikop ko ang aking kamay at ipinatong ito sa aking mukha. Muli na namang nagdagsaan sa aking utak ang mga alaala kagabi, kung paano ko nasaksihan ang mundong noon ay nababasa ko lang sa mga erotikong libro, kung paano ko muling nasilayan ang mukha ng aking kapatid na nakapaloob sa isang kulungan na parang isa itong uri ng hayop na ibenebenta, kung paanon

