Ashton
Na hook ako sa binababasa kong libro kaya hindi ko namalayang tapos na pala ang show, mukhang ito na ata ang huling eksena kung saan ipapakilala ang designer sa likod ng mga design na inirampa kanina. Lumabas ang isang mataba at may malaking tiyan na lalaki, nakaplaster sa mukha nito ang ngiti ng tagumpay, sino nga ba naman ang hindi matutuwa kung dagsa ang mga tao na sa tingin ko ay nasa matataas na antas ng lipunan. Tapos ko ng basahin ang chapter 39 ng nobelang binabasa ko at kasunod na nito ang epilogue. Itiniklop ko ang libro at inilapag ito sa aking harapan, mamaya ko na babasahin ang huling parte ng nobela. Mataman lang akong nakatingin kay Sheri Lee, ang designer, habang abala ito sa pagpapasalamat sa success ng kanyang show.
Makalipas ang ilang sandali ay biglang may tumabi sa akin at pumulupot ang kanyang kamay sa aking leeg. Pagtingin ko sa aking gilid ay nakita ko si Zie na prenting nakaupo sa upuan at umaktong parang nakapokus ang kanyang atensyon sa speech ni Sheri Lee.
"Let's go." Pagkaraay saad ni Zie.
"P-pero hindi pa tapos ang show." Pagtanggi ko sa kanyang sinabi. Tumingin lang ito sa akin na para bang sinasabing 'Seriously?' Nakataas ang mga kilay nito sa akin at wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Hindi naman talaga ako concern kung tapos o hindi pa tapos ang show dahil in the first place hindi naman ako nanood.
"Sa penthouse tayo, Stuart." Saad ni Zie sa kanyang driver. Tumango naman si Stuart at pumasok na sa loob ng sasakyan. Sunod na pumasok si Zie kaya pumasok na rin ako kasunod nito. Hindi ko alam kung ang tinutukoy nitong penthouse ay ang apartment o hindi. Hindi ko alam pero ganoon naman ang mga mayayaman diba? Maraming mga properties.
"Okay ka lang baby?" Puna ni Zie sa kalagitnaan ng biyahe.
"Okay lang, kumusta naman ang pagrampa?" Tanong ko rito dahil sa hindi ko naman ito nakita kanina.
"Tsk, bakit kasi hindi ka nanood? Alam mo bang tanging jockstrap lang ang suot ko nun?" Tease nito sa akin, namula naman ako habang iniimagine itong nakasuot ng jockstrap. Parang nagsisi tuloy ako na hindi ako nanood, though nakita ko na naman si Zie ng hubo't hubad pero parang ang hot nitong tingnan kapag may suot na jockstrap. Marami siguro sa manonood doon ang nalula sa matambok nitong pwetan. Hindi ko na magawa pang tumugon sa sinabi nito.
Muling nanaig ang katahimikan sa loob ng sasakyan hanggang sa ihinto ni Stuart ang sasakyan sa harapan ng isang apartment, pero hindi ito ang apartment na pinagdalhan niya sa akin kagabi. Lumabas si Zie ng sasakyan at akmang bubuksan ko na ang pintuan sa aking gilid ng maunahan ako ni Zie, napangiti naman ako sa ginawa nito.
Pumasok kami sa loob ng elevator, nakita kong tinipa ni Zie ang 'Top Floor' button. Ilang minuto rin kaming nasa loob ng elevator hanggang sa tumigil ito at bumukas ang pintuan. Namangha ako sa aking nasaksihan. Pagbukas kasi ng elevator ay isang napakagandang bulwagan ang aking nabungaran. Mayroong mesa sa gitna kung saan napapalibutan ito ng mga pagkain, sa may gilid ay mayroong pianong naka display. Ang boung paligid ay may mga magagarang furniture, may mga nakadikit na painting sa wall at matatanaw sa mga salaming dingding ang mga naglalakihang building sa paligid. Medyo madilim ang paligid na nagpadagdag sa romantikong awra ng paligid.
"Ang ganda." Ang hindi ko maiwasang sabihin habang malawak na nakangiti kay Zie. Ngayon lang ako nakakita nito kaya talagang namamangha ako.
"Mabuti naman at nagustuhan mo." Saad ni Zie at ginawaran ako ng halik sa pisngi dahilan ng pagpula nito. Nagtungo si Zie sa mesa at sinindihan ang mga kandilang nakalagay sa gitna ng mesa. Lumapit naman ako sa kinapwepwestuhan ng piano. Hindi ko maiwasang mapangiti at malungkot sa mga alaalang pumapasok sa aking isipan, noon ay masaya akong nagpapiano tuwing linggo sa aming simbahan. Isa ako sa mga bata kung saan tinitrain ng aming simbahan bilang musician at mang-aawit.
Miyembro rin ako sa choir ng aming simbahan. Naalala ko pa dati ang mga ngiting sumisilay sa mga labi ng aking magulang tuwing tumutugtug at kumakanta ako sa aming simbahan. Nakakalungkot isipin na hindi ko na muling mararanasan iyon, hindi ko na muling masisilayan ang kanilang mga ngiti, hindi ko mapigilang itanong sa aking sarili kung na mimiss ba nila ako? Kasi ako, miss na miss ko na sila.
"Hey, okay ka lang? May problema ba?" Untag sa akin ni Zie, pinahid ko ang mumunting luha na
kumawala sa aking mata bago humarap kay Zie at ngumiti ng bahagya.
"O-okay lang ako." Tugon ko sa kanya.
"You play?" Tanong nito.
"Kunti." Sagot ko.
"I wanna see you play, pero mamaya na. Kumain muna tayo." Saad ni Zie at umakbay sa akin. Nagtungo kami sa mesa na puno ng pagkain at naupo. Napaka romantic ng settings na 'to, napakaswerte ko at mararanasan ko na ang mga bagay na napapanood ko lang noon sa mga drama.
"Thank you Zie." Ang sincere kung pasasalamat sa kanya. Salamat dahil kahit hindi niya pa ako ganoon kakilala ay pinagkatiwalaan niya pa rin ako at tinulungan, dahil hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko mula ng palayasin ako ng aking mga magulang sa amin.
"For what?" Takang tanong nito.
"For everything." Saad ko at nginitian ito, gumanti naman ito ng ngiti ngunit hindi na tumugon pa.
Natapos ang aming hapunan na tanging katahimikan ang namumutawi sa paligid. Pero hindi siya iyong nakakabinging katahimikan kundi isang napaka komportableng katahimikan na para bang pareho kami ng pakirmdam ni Zie at hindi na ito kailangan pang isatinig.
"By the way, may susundo sa'yo rito bukas ng umaga, be ready okay?" Saad ni Zie, hindi ko maiwasang magtaka at mukhang nakita ata nito ang pag-iba ng aking itsura dahilan ng kanyang mahinang pagtawa.
"I'm not kicking you out baby, I'll be attending an event at kagaya ng napagkasunduan natin you'll be my escort, that's why I want you ready tomorrow." Saad nito at kinuha ang kopitang may lamang alak.
"What event?" Tanong ko. May bago na naman ba siyang show?
"You'll know tomorrow." Makahulugang sambit ni Zie.
"Um, any clue?" Tanong ko dahilan ng pagtawa nito maski ako ay napatawa na rin sa aking tanong.
"Well, something kinky." Mahinang saad ni Zie pero sapat na para manindig ang mga balahibo sa aking balat. Something kinky? Anong event naman kaya ang tinutukoy nito? Maraming mga ideya ang naglalaro sa aking isipan. Kung ano man ang tinutukoy ni Zie, malalaman ko rin iyon bukas.