Zie Habang nanonood kami ni Ashton ng pelikula ay biglang tumunog ang aking cellphone. Agad ko iyong kinuha at binasa ang mensahe, kagaya ng inaasahan ko ay si Mark nga ang nagpadala ng mensahe na nagsasabing nasa loob na ng apartment niya ang kliyente. "Kailangan ko nang umalis." Untag ko kay Ashton na mataman pa ring nakatutok sa TV screen, inaya ko ito kanina na samahan ako sa kabilang apartment pero mariin itong tumanggi at sinabing sobrang pagod na ito sa ginawa namin kanina, naiintindihan ko naman ito dahil sa kagagaling nga lang namin sa clinic at mukhang pagod na nga ito emotionally. "Have fun, Zie. Matutulog na rin ako maya-maya." Tugon nito na pupungay pungay na ang mga mata. Hindi ko na ito inistorbo pa sa panonood at nang makapaghanda na ako ay agad akong lumabas ng apartme

