Ashton Halos magsa-sampung minuto na kaming apat na naglalakad, tanging mga ilaw sa aming cellphone lamang ang nagsisilbing liwanag namin sa paglalakad patungo sa sinasabing kubo ni Joe. "Malayo pa ba tayo?" Nababagot kong tanong, kanina pa kasi kami naglalakad at hanggang ngayon ay wala pa rin akong naaaninag na kubo, puro kadiliman lamang ang sumalubong sa amin. "Malapit na tayo." Tugon ni Joe, napaismid na lamang ako dahil parang pang-apat na beses niya nang sinabi na malapit na kami pero mukhang hindi pa naman. Habang naglalakad ay tumabi sa akin si Zie at ipinatong ang mga kamay sa aking balikat. "You're ready for this? Alam mo na ba gagawin mo?" Seryosong tanong nito, may himig pag-aalala sa tono ng boses nito dahilan ng bahagyang pagngiti ko. "Yeah, don't worry I have plans."

