Ashton "Saan tayo pupunta?" Takang tanong ko kay Zie, pagkatapos naming kumain ng breakfast ay inutusan ako nito na mag empake nang damit. "Let's go camping." Tugon nito na ikinataas ng aking kilay. "Come on, this time wala nang dare or kahit na ano paman," segunda nito. Bigla akong napaisip, wala naman akong ibang gagawin bukod sa magbasa at magbasa sa loob ng apartment ni Zie, wala naman sigurong masama kung sasama ako sa kanya, alam kong sa pagkakataong ito ay hindi niya ako pababayaan. "Okay." Tugon ko na ikinangiti nito. "Cool, so prepare your dress, blankets or whatever you want to bring on camping. And if it's okay, pakilagay nalang sa sasakyan ang mga gamit natin." Saad nito, sabay kaming pumasok sa kwarto, dumiretso ito sa banyo habang ako ay namili nang susuoting damit sa

