Pagdating namin sa bahay na malaki, tahimik lang si Jr. Sinalubong kami ni Mr. and Mrs. Castillo. Habang si Sandra, tahimik lang sa gilid na naninigarilyo. Ipinakilala ako ni Javier sa anak niya na si Jasmine. Ganun din si Jr, na Ate daw nito ang batang babae. Magpaalam ang mga matanda na uuwi na rin dahil may asikasuhin daw sila. Pero sa palagay ko, umiiwas lang sila dahil hindi naman pangkaraniwan ang set-up na ito. Hinatid ako ni Javier sa magiging silid ko dito sa baba. Magkatabi kami ng silid ni Jr, may CCTV ang silid ng anak ko. Habang ang sa akin ay wala. Malaki din at cosy ang dating. May malaking TV, malaking banyo at may maliit na sofa sa gilid. May walk-in closet na malawak at napakalaking vanity mirror na napakaraming skin care at make-up. “May gusto ka bang ipabago?” t

