Madaling-araw na, tulala pa rin ako. Naiisip ko ang ginawa namin ni Javier kagabi. Parang may kung anong kakaibang init na nanunuot sa aking katawan, init na hindi ko maipaliwanag. Ang sakit ng puson ko. Hindi sakit na pangkaraniwan, sakit na parang may kung anong kulang. Makirot na hindi ko maipaliwanag. Tinaklob ko ang unan sa aking ulo. Pagulong-gulong ako sa higaan, ang mga kamay ko ay nanlalamig, pero ang aking mukha ay mainit. “Sh*t nakakahiya talaga!” sigaw ko sa aking isip sabay subsub ko ng aking mukha sa kama. Hindi talaga ako dinadalaw ng antok. Ang bawat pag-ikot ko ay parang isang pag-ulit ng mga nangyari kagabi. Ang kanyang mga mata na umaapoy sa pagnanasa, ang kanyang mga ngiti na nakakaloko, ang kanyang mga kamay… “Tang*na! Ang sarap ng kamay ng manyak na ‘yun! m

