Kapapasok ko lang sa private ward. Ako ang nagsulat ng pangalan ng bata at pirmado ko. Kung may iba pang detalye, bahala na si Sandra. Naupo ako sa maliit na sofa sa gilid. Habang hinihintay na magising ang babae na baliw. Masama ang tingin na ipinukol sa akin ni Mayor. Lunapit pa ito sa harapan ko at hinila ng dalawa niyang kamay ang aking kwelyo. “What happened?” tanong namang muli ng Daddy ni Sandra sa akin. Sasagot pa lang sana ako, mabuti na lang at nagising si Sandra. “A–Ano ‘yan?! I'm okay Daddy! We had a little fight, nagtalo lang naman kami. Which is normal naman talaga! Kaya bitawan mo na si Javier! OMG, ang tahi ko! Dad, kaya siguro si Jasmine nagmamadaling lumabas, para umawat sa amin,” nakangiti na sabi ni Sandra. Nilapitan ko si Sandra at inayos sa pagkakahiga. Sinama

