CHAPTER: 32

1010 Words

Lumipas ang mga araw, at naging maayos naman ang lahat. Minsan, may mga iringan kami ni Sandra, ang asawa ni Javier, pero hindi naman umabot sa eskandalo. Madalas kasi siyang wala sa bahay kaya mas naging mapayapa ang aming buhay. Ngunit isang araw, habang namimili ako ng T-bone steak sa grocery na hiling ni Jr., ang anak namin ni Javier, na sinang-ayunan naman ng ama—ay nilapitan ako ni Sandra. Amoy alak ang babae. “Oh! The mistress! Bakit hindi mo na lang hayaang ang mga maids ang gumawa niyan? Teka, card ba ng asawa ko ang gamit mo?” sigaw niya, ang boses ay matinis at puno ng pang-iinsulto. Nasa cashier na ako noon, at kitang-kita ako ng mga tao sa loob ng grocery. Maging ang mga nasa labas ay sumisilip at nagbubulungan na rin. Para akong sinampal ng katotohanan. Hawak ko nga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD