“Nanay!” napatingin ako kay Jr na ka papasok lang. “Umalis na po ang mommy ni Ate Jasmine?” tanong nito na tinanguan ko. Ang katahimikan ng bahay ay biglang bumigat. Parang pasabog ang pagpunta ni Sandra dito. Parang may malaking butas sa puso ko. Dahil honestly, hindi ko alam ang dapat ko maramdaman. I don't feel anything. “Halika na anak, kumain ka na,” wala sa sarili kong sabi. Kanina, nagugutom ako. Pero ngayon, tila ba nawalan ako ng gana. Habang maghahanda ako ng lamesa, laman pa rin ng isip ko ang pag-iyak ng babae. “Kumain na po ako kila Ron-ron,” sagot ni Jr na tinanguan ko lang. Ang dating masarap na adobo ay parang wala lang sa bibig ko ngayon. Ang kwento ni Jr., ay hindi nakakapag pagaan ng loob ko. Na dati, kinaaliwan ko. Ang pag-aalala ko kay Sandra ay masyadong mabiga

