Pauwi na ako galing sa trabaho ko sa Burger Bliss. Ang bango pa rin ng pritong manok at patatas sa damit ko, lalo na sa kulay pula kong polo na may logo ng Burger Bliss.
Alas-siyete na ng gabi, at nagsisimula nang mag-ilaw ang mga poste sa kalye. Bata pa lang ako, nagtatrabaho na ako para makatulong sa pamilya. Hindi naman kami mahirap, pero ayaw kong maging pabigat sa aking mga magulang.
Si Papa, matangkad at payat, lagi siyang may dalang bag, kahit weekends. Parang nakikita ko sa mga mata niya ang pagod ng trabaho, pero lagi parin nakangiti.
Si Mama naman ay mliit lang na babae ang mukha niya ay maliit lang din, lagi siyang abala sa tindahan niya, ang "Nanay's Sari-Sari Store”.
Madalas, ang mga kapitbahay namin ang tumatambay doon, mga mabait pero mahilig mag tsismis. Kaya't wala din akong amor na makiharap sa kanila.
Mataas ang pangarap ko sa buhay, at alam kong kailangan kong magsikap. Hindi makipag kwentuhan at magsayang ng oras.
Si Papa, si Mang Isko, ay empleyado sa isang malaking kompanya ng sapatos at bag. Si Mama naman, si Aling Rosa, ay nasa bahay lang at nagbabantay ng tindahan.
Madalas, ang mga kapitbahay namin ang tumatangkilik sa tindahan namin, lalo na 'yung mga kulang sa budget. Si Mama, mahaba ang buhok, lagi itong nakapusod at may hawak na rosaryo.
Mabait at mapagbigay siya, laging may handang mainit na tsokolate para sa mga bisita. Mababait ang mga magulang ko, at marami silang kaibigan. Ako ang panganay sa aming dalawa na magkapatid.
Ang bunso ay si Lando, nasa high school pa lang, masayahing binatilyo, lagi siyang naglalaro ng basketball sa labas.
Pag-uwi ko, amoy nilagang baboy ang sumalubong sa akin, ang paborito kong ulam. Ang sarap kasi sa pakiramdam ng mainit na sabaw, parang nawawala ang pagod ko.
“Mano po Mama, Papa,” pagbati ko, at yumuko para magmano. Si Papa, may hawak na dyaryo at vallpen, sinasagot ang crossword puzzle. Lumingon ito sa akin, ngumiti at ginulo ang aking buhok.
“Anak, nakita mo ba ang mga manliligaw mo? Ang dami nila! Ang dami nilang regalo sa kwarto mo, at ang iba galing pa sa kabilang barangay!” nakangiting sabi ni Mama, kumikislap ang mga mata niya.
Namumula ang pisngi nito, siguro dahil sa init sa kusina. Napangiti na lang ako habang tinitignan ang maganda nitong mukha.
“Ma, sinabi ko naman po sa inyo ni Papa, wala akong plano maghanap ng sakit sa ulo. Sa trabaho at pag-aaral pa lang, kulang na kulang na ang oras ko. Tapos, kukuha pa ako ng panibagong sakit sa ulo?”
Nilagpasan ko si Mama at dumiretso sa kwarto ko, maliit lang ito, kulay-rosas ang dingding at may mga poster ng mga paborito kong artista.
Ibinagsak ko ang aking bag sa sahig. Pagod na pagod ako. Pero kahit ganun, alam kong sulit ang lahat ng hirap ko. Ang kinikita kong pera, hindi lang para sa sarili ko, kundi para makatulong sa pamilya at matustusan ang aking pag-aaral.
Kinabukasan, maaga akong nagising para mag-aral. Pagkatapos ng klase, diretso na naman ako sa trabaho. Paulit-ulit lang ang routine ko, pero hindi ako nawawalan ng pag-asa. Alam kong darating ang araw na mas magiging maginhawa pa ang buhay namin.
Gusto kong sa bahay na lang si Papa at tumigil na sa trabaho, si Mama naman, nagluluto na lang at mag asikaso sa bahay, at hindi na nagpipigil ng antok sa hapon, dahil sa panghihinayang sa benta ng tindahan.
Habang naglilinis ako ng aking kwarto, nakita ko ang mga regalong iniwan ng mga manliligaw ko. Hindi ko sila pinapansin, wala akong oras para sa kanila. Wala akong pakialam kung ano ang iniisip nila. Ang mahalaga, hindi ko sila binastos, at nginitian ko naman sila kahit papano.
May mga bulaklak, tsokolate, at mga stuffed toys. Napangiti ako. Dahil kahit hindi ko sila pinapansin, masaya pa ring malaman na may mga taong nagkakagusto sa akin.
Pero mas priority ko talaga ang pag-aaral at ang pamilya ko. Alam kong ang pag-ibig ay pwedeng maghintay. Ang pangarap ko naman ay hindi.
"Mardy, napapansin mo ba, madalas na nandito ang anak ng amo natin," sabi ni Lana, ang kaibigan at ka trabaho ko, habang nagliligpit kami ng mga gamit dito sa burger bliss kung saan kami pareho na nagtatrabaho.
“Madalas? ‘E, tatlong beses lang naman siya sa isang linggo nandito, 'yung payat na 'yun. Anong madalas?" tanong ko, habang nakataas ang isa ko na kilay.
Si Lana, mahilig mang-asar, pero mabait naman. "Ay, sorry! Minsan lang pala, hindi madalas," sagot niya, sabay irap.
Inirapan ko rin siya pabalik. Alam ko namang biro lang 'yun, pero minsan nakakainis din ang mga pang-aasar niya. Jayvee is not my thing, mukha siyang nerd ba lalaki.
Totoo naman, lagi kong napapansin si Jayvee, ang anak ng amo namin, si Mr. Castillo. Palagi niya akong tinitignan, minsan nakakailang, pero hindi ko na lang pinapansin. May mas importanteng bagay akong iniisip at wala akong oras para sa kanya.
Nag-aaral ako sa umaga at tatlong beses sa isang araw ako pumapasok sa paaralan. Ang kurso ko ay edukasyon, dahil mababa lang ang per unit nito, kumpara sa iba.
Si Jayvee, anak ni Mr. Castillo, isang spoiled brat, lagi siyang may dalang mamahaling cellphone at sasakyan. Nakikita ko kung paano siya tumingin sa akin, parang may kakaiba.
Hindi naman siya nagsasalita, nananatili lang ito na nakaupo sa loob ng salamin na opisina ng kanyang ama.
Isang araw, habang nagluluto ako ng tinapay at mga burger patties, nakita ko si Jayvee na nakatayo sa may pinto, nakatingin sa akin. Hindi ko siya pinansin, at nagpatuloy lang ako sa paggawa. Pero nararamdaman ko ang titig niya sa akin, parang may gusto siyang sabihin.
Pagkatapos ng trabaho, habang naglalakad ako pauwi, nakasalubong ko siya. Nagulat ako, pero hindi ko pinahalata.
"Mardy," tawag niya.
Huminto ako, pero hindi ako lumingon. Nakasuksok ang kamay ko sa loob ng bulsa ng aking uniform. Hawak ko ang garlic pepper spray, na first defense ko kung sakali may magtangka sa akin ng masama.
"May gusto sana akong..." nag-alangan siya.
"Pasensya na, pero nagmamadali ako," sabi ko, at nagpatuloy na sa paglalakad. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin niya at hindi ako interesado.
Nang sumunod na mga araw, hindi na niya ako pinansin. Naging mas focused ako sa pag-aaral at trabaho. Naging mas masipag ako dahil Dean's lister ako.
Alam ko na darating ang araw na magiging successful ako, at hindi na ako magtatrabaho pa sa isang burger chain. Dahil magkakaroon na ako ng sarili kong negosyo, at magiging proud sa akin ang mga magulang ko.
Tapos na ang trabaho ko at habang naglalakad ako pauwi, nakita ko si Jayvee na nakasandal sa kanyang kotse. Ngumiti siya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng ngiti niya, pero nginitian ko rin siya pabalik.
Hindi dahil sa may gusto ako sa kanya, kundi dahil medyo nahihiya ako sa inasal ko sa kanya kagabi.