CHAPTER 10

2067 Words

NAPATULALA ako sa kanya habang papalapit siya sa amin. Pagkatapos ng ilang buwan niyang hindi pagpapakita sa akin, hindi ko akalaing dito lang pala magtatagpo ang landas namin. Kay liit ng mundo. “Ay, siya nga pala.” Hinila ito ni Ma’am Alice papalapit sa amin. “Anak, ito si Armea at ang Mama niya. Ito naman ang pinsan niyang si Yuri at ang Tita niya,” pagpapakilala ni Ma’am Alice. Ngumiti siya nang tipid, pero ang lalong nagpagulat sa akin ay nilagpasan lang ako ng kanyang mga mata. Na para bang ngayon lang ang una naming pagkikita. Kumurap pa ako para siguraduhin kung namamlikmata lang ba ako pero nang lumabas ang biloy niya sa pisngi ay siguradong-sigurado na akong siya nga ito. Bumuka ang mga labi ko para tanungin siya ngunit agad ko rin iyong itinikom nang walang namutawing sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD