CHAPTER 4

1311 Words
“WHAT’s this?” “Necklace,” Alexis answered in an as-a-matter-of-fact tone. Napanguso ako. Nagulat na lang kasi ako nang bigla siyang may isinabit na malamig na bagay sa leeg ko. “Alam kong kuwintas ‘to pero para saan?” balik-tanong ko. Siya naman ngayon ang lumabi. “For you,” aniya. Napasimangot  ako at kinapa ang pendant nito. It’s letter A, his initial. “Sana letter Y,” pabirong sabi ko. Bigla na lang siyang may inilabas na isa pang kuwintas. Panglalaki iyon pero ang pendant ay letter Y. “Can you?” aniya habang inilalahad sa akin iyon. Tumayo ako para isuot iyon sa kanya. It’s obviously a fashion necklace kaya parang hindi bumagay sa suot niyang business suit. “Thank you!” tila kinikilig niyang sabi. Natawa ako. Kasusundo niya lang ulit sa ‘kin sa trabaho. “Maraming salamat, Alexis,” seryosong sabi ko pagkatapos niyang umupo sa harapan ko. “That’s it? Wala kang ibang sasabihin?” untag niya. Napamaang naman ako. “Uhm, I love you?” patanong kong sabi. Clueless pa rin ako kung bakit dito niya ako dinala sa isang mamahaling restaurant. Ang romantic kasi ng ambiance. At mukhang kami lang ang tao rito. He even handed a bouquet of flowers earlier. Paborito kong roses. Napasinghap ako nang bigla siyang dumukwang saka ginawaran ako ng mabilis na halik sa labi. Awtomatikong inilibot ko ang aking paningin at baka may nakakita. Thankfully, there’s none. “Do you remember the day now?” Saglit akong napaisip at biglang namilog ang aking mga mata nang maalala ko na kung anong araw ngayon. Umayos ako ng upo at napalunok. “H—Happy monthsary!” Bigla akong tinubuan ng hiya. It’s our second monthsary, at nakalimutan ko na naman. Noong first monthsary kasi ay lumabas din kami. Nanood ng sine. Namasyal sa mga lugar hindi pa namin napuntahan para kumain. We took pictures. “You’re forgiven,” aniya pero malungkot pa rin ang mukha. “I’m sorry. Nawala sa isip ko dahil—” “I understand, Love. I was just kidding, silly. I love you!” hirit niya’t pinisil ako sa baba. Alexis is a sentimental person. Hindi ko naman sana trip ‘yong mga monthsaries na ‘yan. Pakiramdam ko kasi ay pang-teenager lang ‘yan. I’m 23, and he’s 27. Pero siya kasi parang iba ang pananaw niya sa mga bagay-bagay. “I’m sorry, wala akong regalo sa ‘yo—” “You don’t have to, silly. But a kiss can suffice.” Bago pa man ako makaangal ay bigla na naman niya akong sinakop. This time, it’s deep and intense. Nagulat ako kaya muntik ko na siyang maitulak. Natawa siya dahil tiyak na pulang-pula ang aking mukha ngayon. “Baka may makakita sa ‘tin!” saway ko. He just shrugged and returned to his chair. “They will understand. We’re couple, remember?” “Kahit na. Hindi naman ibig sabihin no’n ay kahit saan ka lang puwedeng gumawa ng milagro.” Humalakhak siya. It sounded like music to my ears. His laugh is sexy and expensive at the same time. Madalas kasi ay mukha siyang seryoso. “Pero mukha itong mamahalin, Alexis. You don’t have to gift me something expensive like this.”  I traced the pendant.Halatang ginto iyon at baka nga milyon ang presyo nito. “Your worth is more than that necklace. Besides, I want you to always remember na ako lang ang dapat na iniisip mo,” aniya. Napalabi ako. “How about some good news?” untag ko nang may maalala. Tumitig naman siya sa akin na parang sinasabi niyang sabihin ko ang nasa isip ko. “My schedule changed, so sa weekend na ang rest days ko!” I declared all-out smiling. Agad na rumihestro ang tuwa sa kanyang mga mata. “Really?” “Yup!” Tumango ako. Ibig kasing sabihin no’n ay pareho kaming bakante sa weekend. “That means we can set a date with my parents?” biglang sabi niya na naghatid ng kaba sa akin. Lagi lang niyang sinasabi iyon ngunit ilang beses na hindi natuloy dahil sa mga biglaang commitments ko. “Hey, Love. It’s going to be alright. I’m sure they will love you. Hmm?” “S—Sigurado ka? Baka kasi hindi nila ako magustuhan.” Kinakabahan ako dahil pakiramdam ko nasa ibang level na ang relasyon namin. For me, meeting his parents is just surreal. Nakakatakot na baka mahusgahan ako. “You don’t have to be afraid. I’m with you, remember? I’m sure Mom will be thrilled to meet you.” Napahugot ako ng hininga sabay tango. Ngayon ko mas napapatunayan na seryoso nga siya sa akin dahil balak pa niya akong ipakilala sa mga magulang niya. Mahal na mahal ko naman si Alexis pero hindi ko pa siya magawang ipakilala kay Nanay. Although, I’m not closing the possibilities na baka biglang magkita sila. Pero si Nanay naman kasi ay walang pakialam sa gano’ng bahagi ng buhay ko. She respects my decisions at sabi niya ay malaki na ako para magdesisyon sa sarili ko. “S—Sige.” Alexis smiled from ear to ear as soon as I agreed. Halos lahat ng mga katrabaho ko ay kilala na siya dahil lagi nila siyang nakikita kapag sinusundo niya ako. Pero ni isa sa pamilya ko ay wala pang ideya tungkol sa kanya. Siguro pagkatapos kong ma-meet ang parents niya ay siya naman ang ipakilala ko kay Nanay at kina Armea. “Seriously, thank you for coming to my life, Love. Hindi ko alam kung saan ko pupulutin ang sarili ko kung wala ka.” “Ang extra cheesy mo ngayon,” pabirong sabi ko saka pinisil siya sa ilong. Pinanggigilan ko kasi iyon. Bigla niyang kinuha ang mga kamay ko saka pinisil iyon. “I’m just blessed,” he countered. Napatitig ako sa guwapo niyang mukha. “And I always count you twice everytime I count my blessings.” Naantig ako sa sinabi niya. Just like that, I fell for him even more. Hindi ko alam kung ano’ng nagawa ko noon para gantimpalaan ako ng isang katulad niya. “S—Salamat, Alexis. Hindi ko na rin alam kung ano’ng mangyayari sa akin kung sakaling hindi kita nakilala.” “Life is vague until you meet someone who will make it clearer for you. And you did it to me, Love.” Napangiti ako. Parang ayaw ko nang matapos ang araw na ito. Every second that I get to spend with him is too precious. Hindi ko na alam kung kakayanin ko pang mawala siya sa akin. I can’t even imagine myself falling in love with somebody else. Sa kanya lang ako. Magmula ngang mangyari ang tagpong iyon sa Art’s Kitchen ay hindi na kailan pa nagpakita sa akin si Deo. Hindi ko na alam kung ano’ng nangyari sa kanya. Pero nagpapasalamat na rin ako na hindi na niya ako ginugulo pa. Tapos na ang lahat sa amin. Siguro ay ibinigay lang siya sa akin ng pagkakataon para may matutunan ako. I became a better person. “Mahal na mahal kita,” biglang nasabi. Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. “Nope, I love you more,” kontra niya. Umiling ako. “I love you most!” kontra ko ulit. Napailing siya. God! We’re so in love for each other. “I love you beyond compare, Yuri Trinidad!” malakas niyang deklara. Napatigil tuloy ang waiter na paparating. Napangiti ito sa amin. Tinawag siya ni Alexis. “Hey, can you take a picture of us?” Tumango ang waiter saka kinuha ang cellphone ni Alexis na inabot nito sa kanya. We made different poses. Sobrang saya ko. Pero hindi ko akalain na iyon na pala ang huli. Bigla na lamang akong nagising isang umaga na isang bangungot lang pala ang lahat. ©GREATFAIRY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD