Volume 1 - Chapter 16

1386 Words
Maybe I'm becoming too desperate to find answers for these mysteries, but so what? nasimulan ko na, kailangan kong tapusin. I am attaching the parabolic microphone onto Suede's shirt so Bianca can hear their voices. But while doing it, I tried not to look nor just catch his eyes. Sa mga kasinungalingan kong ginawa, hindi ko na alam kung kakayanin ko pang makipagtitigan sa kaniya. Sobra-sobra na pag-tatake advantage ko sa kaniya. "Please try it out if it works, Bianca. Ikaw naman Suede, please walk away from the van." "Okay." Nagsimula nang maglakad palayo si Suede. We're lucky to get hired. With Suede's resources in this town, we are able to do this now. And regarding with Bianca and Suede, at first when I said that I was collecting informations without them, they got angry. Of course, why wouldn't they? They thought we were a team and I was the one who was rushing. Binigyan ko sila ng oras para magalit sa akin pero nang makasigurado na akong humuhupa na, sinubukan kong sabihin sa kanila ang tungkol sa plano ko. "I may hate you for rushing but this thing, this is a good plan. Interfering someone's privacy." sambit ni Bianca habang nakatitig lamang sa laptop na naka-connect sa suot na microphone ni Suede. "Yeah, for a good cause. I'm sorry again." Ilang oras ang lumipas bago ang oras ng usapan nila Dierro, agad kaming pumunta sa apartment. Nagpark kami nang medyo may kalayuan sa lugar para hindi kami mahalata ni Dierro. "It's time, Suede. Thank you for doing this and for not hating me again and again." Tumango siya sa akin at dumiretso sa building. Ilang minuto lamang ang lumipas, binuksan na ni Suede ang mic. As Suede walks away from us, Bianca and I were left inside the van. Neither of us talked and it's awkward. Hindi kami masyadong close ni Bianca at ayokong makagawa o makapagsalita na ikakapahamak ng pagpapanggap ko. "Why would you do all of this?" I gulped. Bakit nga ba? Is it personal reason? or is it just I need to prove something? Bakit ba lagi akong pasok lang nang pasok sa mga bagay na hindi ko maintindihan? "I'm not sure. I'm not really convinced of the cause of the death of my sister—Alani and I thought if we will ever find what really happened to your sister, I might find my peace too." this is a pretty good lie. "Yeah, maybe." Napatigil kami sa paguusap nang biglang lumabas ang boses ni Suede at Dierro. They're exchanging informations and after that, Dierro gave Suede some rules and limitations. After some minutes, Suede gave us the signal. Pagkapasok ko, nakita ko agad na nagsisimula nang maghanap si Suede ng mga ebidensya. Hindi ko alam kung anong eksaktong bagay ang dapat namin makita pero kahit ano man 'yon, hinihiling ko na mapasaamin iyon. "Diyan ka sa parte na 'yan maghanap, dito naman ako sa isang kwarto." sambit ko kay Suede. Tumango naman siya at nagpatuloy na sa ginagawa. Narinig ko sa binilin ni Dierro na huwag pakialaman ang mga cabinets sa loob ng apartment niya kaya doon kami naghahanap ni Suede. Marami-rami din siyang cabinets dito dahil nga siguro ay naging isa siyang paper house writer. Sinubukan kong maghanap ng mga gamit sa isang cabinet na malapit sa higaan niya pero lahat ng 'yon ay puro published articles, interviews, at kung anu-ano pa. Hinalungkat ko ang lahat hanggang sa makarating na ako sa bathroom ng apartment niya. Hindi lang mga sanitaries ang meron siya rito, pati mga papel. Sobrang sagana niya sa mga papel. Grabe. Habang nagiging pakilamera ako sa mga gamot na naka display dito, bigla kong narinig si Suede na magsalita. Agad akong lumabas at nakita kong kausap niya si Bianca sa microphone. May hawak siyang malaking envelope. Tumingin siya sa akin na labis ang ngiti sa labi. "This might be it." Agad akong lumapit sa kaniya at tinulungan siyang buksan ang envelope na 'yon. Sa lahat ng mga papel na andito, eto lang ang naka envelope, correction— sealed envelope. There's clearly something in here. Pagkabukas namin ng envelope, sandamakmak na mga papel na naman ang sumalubong sa amin. Tinanggal naming dalawa lahat ng laman no'n at doon bumungad sa amin ang halo-halong certificates, medicine prescription, signed papers at ang nagpakabog sa puso ko, dalawang positive preganancy testers. These evidences are from Alani and Keziah and there are positive pregnancy testers. The dream I had, it was either Alani or Keziah who gave birth to that child—who's now in the care of Devian—who was also an ex lover of Alani. Grabe, anong nangyayari sa akin? Kung anu-anong conclusions ang mga naiisip ko. "You know something and you're not telling us." Napatingin ako sa kay Suede. Inilayo niya sa akin ang mga gamit at umiling. I cannot lie anymore. "What the hell you guys found there?" kinakabahang tanong ni Bianca. I bit my lower lip and started answering Bianca. "We found some certificates, signed papers, ultrasound pictures and.. positive pregnancy testers." "What? sinong buntis?" "Hindi ko alam, wala akong alam." sinabi ko ang linyang iyon na nakatingin kay Suede. Hinila paalis ni Suede ang microphone na naka dikit sa damit niya at pinatay iyon. Inilapag niya rin ang mga gamit na nakita namin. "You can talk now. Hindi na siya nakikinig." "I can see things. Present, past, future— I can see them." Napakunot ng noo at napatawa siya ng kaunti, the exact reaction I was expecting. "What?" "The hacienda thing, this pretending, these dead people, this pregnancy, I've seen them coming in my dreams. The P.T, it's either Keziah's or Alani's. I saw someone giving birth, hindi ko lang nakita ang mukha niya. I know it's all connected." Napaupo siya at napahawak sa mukha niya. "Since when? Alam mo ba kung nasaan ang bata? bakit hindi mo sinabi sa akin? the jumping from boat? are these all connected?" Wala nang lumabas sa bibig ko kaya't napatango nalang ako. Kinuha ko ang envelope at inilagay pabalik sa loob ang mga bagay na nakita namin. Kailangan namin 'tong kuhuaan ng litrato, hindi namin pwedeng kuhanin nalang basta-basta lalo na't darating pa talaga dito mamaya ang totoong mga maglilinis. Ilalabas ko na sana ang phone ko nang biglang pumasok ang isang lalaki. Hawak-hawak niya si Bianca sa bunganga at katawan. Bigla niyang nilabas ang nakatagong patalim at itinutok ito sa gilid ng leeg ni Bianca. The f**k? Ano na namang kabaliwan na nagyayari rito? "Put down the knife, sir. Please." Suede tried to coax the man. "That will happen if you give me the evidences." at bigla niyang diniinan ang pagtutok sa leeg na nagpadaing sa takot kay Bianca. Kitang kita ko ang panginginig at takot sa mga mata niya. Ang mga kamay niya na nasa kamay ng lalaki na hindi niya magawang tanggalin. Sino na namang may pakana nito? Dahan-dahan kong ipinasok ang phone ko sa loob ng envelope at inayos ito. "Don't hurt her, ibibigay ko sa'yo lahat ng ebidensya. Pakawalan mo lang siya." "W-wha—" tinigil ko sa pagsasalita si Suede at hinarap siya. And I mouthed "trust me". Humarap ako ulit sa lalaki at dahan-dahang ibinaba sa sahig ang envelope. "Now, your turn. Put down the knife." Dahan-dahan niyang ibinaba rin sa sahig ang patalim at tanging na kay Bianca nalang ang mga kamay niya. "Slide the envelope." utos nito sa akin. Nakita ko ang pag-iling ni Bianca at ang pagpilit niyang pagkawala sa mga kamay ng lalaki. "Don't fight back! everything's gonna be okay. Huwag kang lalaban." Ginawa ko ang inutos sa akin ng lalaki. Nang matamaan na ng envelope ang paa niya, agad niyang binitawan si Bianca at pinulot ang envelope. Agad namang tumakbo papunta sa amin si Bianca at agad na niyakap ako. Sobra ang ngiti sa labi ng lalaking nagtangka sa buhay ni Bianca. At nakuha pa niyang sumaludo sa amin. What the f**k, ang kapal ng mukha niya. Paalis na ang lalaki nang hahabulin pa sana ni Suede pero hinawakan ko ang kamay ni Suede at umiling sa kaniya. Unti-unti naman siyang kumalma at pareha naming hinarap si Bianca. "What the hell happened, Bianca?" Nanginginig na tumingin si Bianca kay Suede. "I t-think he killed Eon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD