KABANATA ISA
TESS P O V
Nagmamadali Akong pumasok sa Hotel na pinagta- trabahuhan Ko, malapit na kasi Akong ma- late dahil sa Traffic. Istrikto pa naman ang Manager Namin, halos mabangga ko na nga ang ibang Staff ng Hotel, nanghihingi na lang Ako ng pasensya.
"You're Late again, Miss Aguinaldo!" nagti- timping sabi ni Manager May
"I'm Sorry, Ma'am." hinging paumanhin Ko, yumuko pa nga Ako.
"Puro na lang sorry, sorry!" tugon ulit Nito, may pa- kumpas kumpas pa ng mga Kamay sa ere. "Back to Work!" sigaw na Nito sa ibang Chef at Staff ng Hotel na nasa Kusina. "May warning Ka na Miss Aguinaldo, kapag naulit Ka pang late dumating, you're fire!" nang- gagalaiting sabi Nito sabay talikod.
Hindi na lang Ako kumibo pero yumuko ulit Ako, nangingilid na kasi ang Luha Ko sa mga Mata. Kapag kasi natanggal Ako sa Trabaho ay mahihirapan na Akong humanap ng papasukan dahil sa hirap ng Buhay. Ang Sweldo Ko lang Dito ang S'yang pinang- papagamot Ko sa Aking Ina. Nagpapahid Ako ng luhang pumunta na sa Locker Room para ilagay ang Bag Ko at makapag- umpisa na ng Trabaho. Bali Five Minutes Akong Late.
"Okay lang 'yan! Kanina pa talaga mainit ang ulo N'yan, nag- away siguro Sila ng Jowa N'ya." bulong sa Akin ni Agnes, katulad Ko din S'yang Isang Patissier, naging Classmate Ko S'ya sa Culinary School hanggang napasok Kami Dito after ng O J T Namin, tinapik tapik pa N'ya ang Balikat Ko, tipid lang Akong ngumiti tsaka nag- umpisa nang mag- Trabaho.
"Tess! Tess!" may tumawag sa Pangalan Ko kaya lumingon Ako sa Likod, ang Supervisor pala Namin ang tumatawag.
"Bakit po, Sir." huminto Ako sa paglabas ng Lobby ng Hotel, tapos na kasi ang Duty Ko, pauwi na nga Ako
"Ahm! Pwede ba Tayong mag- Dinner?" nahihiyang Tanong Nito sa Akin
"I'm Sorry, Sir, Wala na po kasing kasama ang Mama Ko sa Bahay, naka- uwi na po 'yung nagba- bantay sa Kanya, pasensya na po." tugon Ko sa Aming Supervisor
"Ok! maybe Next Time?" pilit ang ngiting tugon Nito
"Opo, Sir, Pasensya na po talaga." hinging paumanhin Ko pa
"Okay lang, hatid na Kita sa Inyo para mas madali Kang maka- uwi?" tanong pa Nito, kaya napahugot muna Ako ng malalim na buntong hininga
"Okay lang po ba? Out of way po Kayo, 'di ba?" balik Kong Tanong sa Kanya
"Sus! Okay lang, basta safe Kang makauwi." Malaki na ang ngiting tugon N'ya
"Sige po." tipid Kong Sagot, naglakad na nga Kami palabas ng Entrance ng Hotel para pumunta sa Parking Lot. Matagal na talagang nanliligaw si Tom sa Akin, pero hindi Ko pina- pansin dahil nga mas Priority Ko ang Mama Ko. Kung papasok kasi Ako sa Isang Relasyon ay baka pagka- galitan lang Namin ang wala Akong Time sa Kanya. Kaya hindi na muna Ako nakikipag- Relasyon.
"Salamat, Pasok Ka Muna para mag- Kape " aya Ko kay Tom, Nandito na Kami sa tapat ng Bahay Namin
"Hindi na, para Maaga Kang makapag- pahinga, Balita Ko na- sermunan Ka na naman ni Manager?" tugon N'ya
"Oo nga eh, paano? Salamat na lang, ingat Ka!" tugon Ko, bumaba na din Ako sa Kotse N'ya
Kumaway na lang ito tsaka pina- andar na paalis ang Sasakyan N'ya. Malalim Akong napa- buntong hininga bago pumasok sa Bakuran ng Bahay Namin , ni- lock Ko Muna ang Gate Bago Ako pumasok sa Loob ng Bahay.
"Ma! Magandang Gabi po." bati Ko sa Mama Kong nanunuod ng palabas sa T V. Inabot Ko pa ang Kamay N'ya tsaka nagmano Ako.
"Kaawaan Ka ng Diyos!" tugon naman N'ya, "Si Tom ba 'yung naghatid Sa'yo?" tanong N'ya, sa Akin na S'ya naka- tingin.
"Opo, Ma, Kain na po Tayo." tugon Ko, tinanggal Ko na sa pagkaka- lock ang Wheelchair N'ya para maitulak Ko papuntang Kusina.
"Hindi Mo muna pina- pasok para magkape?" Saad ni Mama, nasa Hapag Kainan na Kami, nag- u-umpisa na Akong maghain.
"May pupuntahan pa daw po S'ya." tugon Ko na lang, si Lyn na din ang nagluluto ng Pananghalian at Hapunan Namin. Kaya Kakain na lang Kami pag- uwi Ko ng Bahay tulad Ngayon.
"Hhmmm!" maikling Sagot N'ya, Kumain na Kami habang kinu- kumusta N'ya ang Maghapon Kong pagta- Trabaho sa Hotel. S'yempre hindi Ko na sinabing napagalitan na naman Ako ng Manager Namin.
Pagkakain ay hinugasan Ko na ang pinag- Kainan Namin tsaka Ko dinala si Mama sa Kwarto N'yang para linisin sa Banyo at palitan ng Damit Pantulog.
Naka- higa na Kami ni Mama, mula ng mawala si Papa at naging ganito na nga si S'ya ay sa tabi na N'ya Ako natutulog. Para kung may Kailangan S'ya ay madali Kong malalaman. Nanunuod ulit S'ya ng palabas sa T V, Ako naman ay tumitingin sa Social Media Account Ko. Nang biglang mag- Ring ang hawak Kong Cellphone.
"Hello!" Sagot Ko, lumabas pa Ako sa Balcony ng Kwarto Nila Mama para hindi ma- istorbo ang panunuod N'ya
"Best!" tiling Sagot Nito sa Kabilang Linya, hindi muna nag- hello. Kaya ini- layo Ko ng bahagya ang Cellphone sa Tainga Ko.
"Bakit? Para Kang kini- kiliti D'yan?" tugon Ko, ramdam Ko kasing hindi S'ya mapakali, parang excited pa nga.
"Nagustuhan ni Sir Robert 'yung b-in-ake Mong Cookies at Brownies kaya sabi N'ya kakausapin Ka daw N'ya Bukas para sa ibebenta sa Coffee Shop Nila!" pa- tiling Sagot N'ya
"Oh My God! Talaga, Best!?" tili Ko na ding Sagot, kahit hindi sa Akin ang Shop na 'yun ay natutuwa na din Ako dahil ibebenta naman Nila ang mga b-in-ake Ko. Ibig sabihin kasi ay regular na Akong may sidelines, makakapag- ipon na Ako para makapag- patayo ng Sarili Kong Coffee Shop.
"Oo Best, kaya pumunta Ka Bukas sa Shop After ng Duty Mo, kakausapin Ka nga daw ni Sir Robert." paliwanag naman N'ya, konting kumustahan pa ay tinapos na Namin ang usapan para makapag- pahinga Kami pareho ng maaga.
"Si Eva ba 'yung kausap Mo?" Tanong ni Mama pagbalik Ko sa Kama N'ya
"Opo, 'Ma! Tsaka sinabi po N'yang nagustuhan nung May Ari ng Shop na mina- Manage N'ya 'yung b-in-ake Kong Cookies at Brownies." excited Ko ding Kwento sa Kanya
"Mainam naman Anak," matamis ang ngiting Sagot ni Mama, "kaya lang mas lalo Ka N'yang hindi makakapag- Boyfriend dahil busy Ka na sa kaka- bake." dagdag pa N'yang Sagot
"Si Mama talaga!" simangot Kong Sagot sa Kanya, natawa naman S'ya
Sa Ngayon kasi ay hindi Ko muna iniisip ang Lovelife kahit 27 na Ako. Nasa Mama Ko at pag- ipon para sa itatayo Kong Bakeshop ang Buong Atensyon Ko kaya sa huli na ang Lovelife. Para pa din Akong nangangarap habang naka- ipit at naka- higa. Tulog na si Mama sa tabi Ko. Iniisip Ko pa din kasi ang itinawag ng Bestfriend Kong si Eva. Highschool Bestfriend Kami, bali Tatlo Kami kaya lang 'yung Isa ay nag- migrate na sa Canada ang buong Pamilya N'ya kaya Kami na lang ni Eve. Store Manager S'ya sa Coffee Prince. S'ya mismo ang nagsabing idi- display N'ya ang gawa Ko kahit may Sariling Patissier ang Shop Nila. Nagulat nga Ako Ngayon dahil nagustuhan daw nung May Ari ang b-in-ake Ko kahit hindi Ako ang Patissier Nila.
Hindi Ko na alam kung Anong Oras Ako naka- tulog dahil sa pag- iisip kung Ano ang magiging pag- uusap Namin ni Mister Robert. Maaga pa din Akong nagising Kinabukasan dahil magluluto pa Ako ng Almusal Namin ni Mama tsaka pa lang Ako makaka- alis.
Inagahan Ko na ang alis para hindi Ako ma- late, kahit may pag- asa na Akong makahanap ng ibang Trabaho ay ayoko namang pumangit ang Record Ko sa Hotel.
Hindi Ko naman nakita buong Maghapon ang Manager Namin baka busy sa ibang panig ng Hotel kaya tahimik lang Kaming mga nasa Kusina.
"Kina- kabahan Ako Best," Sabi Ko sa Kaibigan Ko, Nandito na Ako Ngayon sa Private Office N'ya sa Coffee Prince, wala pa si Mister Robert kaya pina- punta N'ya muna Ako Dito.
"Mabait naman 'yun kaya 'wag Kang Kabahan." tugon naman ni Eva
"Ma'am Eva Nand'yan na po si Sir Robert." Sabi ng Staff ng bumungad ito sa Pinto ng Opisina N'ya, hindi naman kasi nakasara.
"Sige, Salamat!" tipid na tugon naman ni Eva, inaya na nga N'ya Akong lumabas
"Magandang Gabi po Sir Robert." bati Ko paglapit pa lang Namin sa Table N'ya sa loob ng Shop. Sino naman ang hindi kakabahan ay Isa ito sa pinaka- Mayaman sa Buong Bansa. Marami kasi Silang Negosyo.
"Magandang Gabi din." maaliwas ang Mukhang tugon N'ya, naka- hinga naman Ako ng maluwag nang ngumiti S'ya sa Akin. Pinakilala na nga Kami ni Eva sa Isa't Isa, nakipag- shake hands naman Ako.
"Nagustuhan Ko itong b-in-ake Mong Delicate Cravings at Heavenly Bites, kaya gusto sana Kitang i- hire bilang Patissier Namin sa Coffee Prince." diretsong sabi ng Kaharap Ko kaya hindi agad Ako nakapag- salita. 'Yung Cookies at Brownies at sinasabi N'ya, binibigyan Ko kasi ng Pangalan ang lahat ng bini- bake Ko.
Naka- sakay na Ako sa Jeep pauwi sa Bahay Namin ay iniisip Ko pa rin ang napag- usap Namin ni Sir Robert, gusto N'ya kasing kunin Akong Patissier sa Shop Nila ay may Trabaho pa Ako sa Hotel, Paano naman 'yun? Malaki din kasi ang Sweldo Ko dun kaya natutus- tusuhan Ko Ang pagpapa- Therapy Kay Mama tsaka ibang gastusin Namin sa Bahay at pambayad Ko kay Lyn sa pagbabantay N'ya sa Aking Ina. Akala Ko naman Kasi ay magiging sideline Ko lang, kumbaga ibe- bake Ko sa Bahay ang Brownies at Cookies tapos dadalin Ko na lang sa Shop Nila. Tapos bahala na Silang mag- benta. Ngayon nga ay nagkaruon pa Ako ng problema, hindi Ko naman kasi tinanong kung magkano ang su- swelduhin Ko sa Coffee Shop.