KABANATA TATLO

1628 Words
KABANATA TATLO TESS P O V "Kumusta ang pakikipag- usap Mo kay Mister Robert?" Tanong ni Mama habang naka- higa na Kami. Nanunuod na Naman S'ya ng paborito N'yang palabas sa T V na subay- bayin. Ako naman nag- i- scroll ulit sa Social Media Account Ko sa Cellphone. Tapos na S'yang Kumain ng dumating Ako. S'ya na din ang naghugas ng pinag- Kainan N'ya. Basta naman madaling gawain ay nagagawa N'ya kahit pinag- babawalan Ko. Ayaw namang makinig, mas lalo daw manghihina ang Katawan N'ya kapag hindi nagagalaw kahit mga Kamay. Binaba Ko muna ang Cellphone Ko para makapag- usap Kami ng maayos ni Mama. K-in-wento Ko na nga sa Kanya ang napag- usapan Namin ni Mister Robert Cabantog. "Ikaw ang magde- Desisyon kung Saan Mo gusto, hindi naman 'yan tungkol sa sweldo. Ang isipin Mo kung Saan Ka masaya at 'yung hindi toxic ang mga Ka- Trabaho." payo ni Mama "Salamat po 'Ma, pag- iisipan Ko pong mabuti ang mga sinabi N'yo." tugon Ko. May iba pa Kaming napag- Kwentuhan bago Kami dalawin ng antok pareho. Nag- pray naman Akong sana ay bigyan Ako ng sign kung tatanggapin Ko ba ang Job offer ni Mister Robert. Sa totoo lang ay kung hindi malaki ang Sweldo sa Hotel ay hindi Ako magtya- tyaga Duon kahit toxic ang mga Kasamahan Ko lalo na ang Manager Namin. Naka- tulog na nga Ako pagkatapos Kong mag- pray. Kinabukasan nga ay iniwan Ko na sa Garden Namin si Mama magpapa- Araw daw S'ya tsaka Ako umalis ng Bahay para pumasok sa Hotel. Habang bumi- Byahe ay hindi pa rin mawala sa isip Ko ang napag- usapan Namin ni Mister Cabantog. Malalayo din kasi Ako ng papasukan kapag in- accept Kong mag- Trabaho sa Coffee Prince, dahil sa Pasig Kami nakatira eh 'yung Main Branch ng Shop ay sa Las Piñas pa. Dahil sa lalim ng iniisip Ko ay muntik ng lumampas ang Sinasakyan Kong Jeep. Sinabi naman ni Mister Robert na pag- isipan Kong mabuti ang Job offer N'ya bago Kami nag- hiwalay nang nakaraang Gabi. Dahil maaga pa naman ay hindi Ako nagmamadaling maglakad. Pero malayo pa Ako may naririnig na Akong sumisigaw na parang may pina- pagalitan. Paglapit Ko sa Locker Room Namin ay Duon Ko nalamang kung Sino 'yung sumisigaw. "Miss Aguinaldo, mabuti naman at maaga Ka, sumunod ka agad sa Kitchen at maraming Visitors Ngayon." pataray pa Nitong Sabi "Yes Ma'am!" tugon Ko naman, nilagay Ko na nga sa Locker Room ang Bag Ko para makapag- umpisa na ng Trabaho sa Kusina ng Hotel Halos hindi nga Kami magka- mayaw sa pagbe- bake ni Agnes dahil sa dami ng Customer tapos ay sina- sabayan pa ng kaka- bunganga ng Aming Manager. Stress Ka na nga sa init dina- dagdagan pa N'ya. "Pambihira naman si Ma'am kahit gumawa Ka ng mabuti at hindi, bubungangaan Ka pa din?!" himutok ni Agnes, Kumakain Kami Ngayon ng pananghalian Namin. "S'ya kaya ang mag- bake Duon sa Kusina, ang init init eh. Kung meron lang Akong lilipatan agad na Trabaho, aalis na Ako Dito." bulong pa N'ya sa Akin, 'yun nga din ang naisip Ko Kaninang Umaga, mainit na nga naman sa Kusina, dumagdag pa ang stressful na Manager. Malalim Akong napa- buntong- hininga, naka- buo na Ako ng desisyon, hindi Ko muna sasabihin sa katabi Ko at baka makarating agad sa Manager Namin, siraan pa Ako sa papasukan Kong bagong Trabaho. "Salamat, Best, Rock!" Sabi ko sa Kaibigan Ko at Kasintahan N'ya bago Ako bumaba sa Kotse ng Boyfriend N'ya. Hinatid muna Nila Ako sa Bahay bago S'ya ihatid Nito. Tinawagan Ko kasi S'ya kung pwede ba Akong pumunta sa Coffee Shop na pina- pasukan N'ya. Sasabihin Ko nga sa Kanyang magre- resign na Ako sa Trabaho Ko sa Hotel at i-a- accept Ko na ang Job offer ni Sir Robert sa Akin baka kasi makakuha pa Sila ng iba, sayang naman. Nagpagawa na din Ako sa Kanya ng Resume at Resignation Letter na dadalin Ko Bukas sa Hotel pagkatapos ay diretso na Ako sa Coffee Prince para mag- report, dadalin Ko naman 'yung Resume para ipakita kay Mister Cabantog "Sus! Ikaw pa ba!? I'm Happy Best kasi magkakasama na Tayo sa Trabaho." excited Nitong Sabi "Ako din naman Best!" Malaki ang ngiting tugon Ko din. "Sige, paki- kumusta Mo na lang Kami kay Tita." Sabi pa Nito "Okay! Salamat sa paghatid, ingat!" tugon Ko din, nagkawayan na lang Kami nang pa- andarin na ni Rock ang Kotse N'ya papunta naman Kila Eva. "'Ma! Nandito na po Ako!" hindi pa Ako nakakapasok sa Pinto ng Bahay Namin ay sumisigaw na Ako, kinakawit lang kasi ni Lyn 'yung Gate Namin para madali Akong makapasok, Ako na ang nagla- lock pagdating Ko. "Magandang Gabi po, 'Ma!" bati Ko sa Kanya nang makita Kong nanunuod S'ya ng palabas sa T V sa Sala Namin. Lumapit Ako tsaka nagmano. "Kaawaan Ka ng Diyos. Mukhang masaya Ka yata Ngayon?" naka- ngiting saad naman ni Mama "Ahm! Tinanggap Ko na po 'yung Job offer ni Mister Cabantog, 'Ma. Sila Eva po at Rock po ang naghatid sa Akin. Bukas po mag- file na Ako ng Resignation Letter para makapag- report po Ako agad sa Coffee Prince." mahabang paliwanag Ko sa Aking Ina. "Kung Saan Ka masaya, Anak, susuportahan Kita." matamis ang ngiting tugon naman ni Mama. "Salamat po, 'Ma, Kain na po Tayo?" aya Ko din naman sa Kanya, tinulak Ko na ang Wheelchair N'ya papuntang Kusina. "Kaya lang, Anak, siguradong mahihirapan Ka sa Byahe ang layo Nitong Tini- tirahan Natin sa Las Piñas." namu- mublemang sabi naman ni Mama. "Hindi pa naman po Sure kung Saan Ako ma-a- assign na Branch. Sana nga po Dito lang sa Branch Nila sa Pasig para po malapit lang." tugon Ko naman sabay inom ng Tubig. Hindi na nagtanong si Mama tungkol sa lilipatan Kong Trabaho. Kinumusta na lang N'ya ang mag- Boyfriend na Eva at Rock. Dahil nga mag- Bestfriend Kami ni Eva, kapag dumadalaw S'ya kay Mama ay sinasama din N'ya minsan si Rock kaya nakilala ni Mama. Pagka- hugas ng kinainan Namin ay pumasok na Kami sa Kwarto. Nilinisan Ko lang si Mama tsaka binihisan ng pang- tulog at sinabi Kong matutulog na Ako dahil pagod sa Trabaho. Hindi Ko na lang sinabing pagod na ang Katawan pati isipan ay napagod din dahil nga sa kaka- bunganga ng Manager Namin. Hindi Ko na nga alam kung Anong Oras natulog si Mama. "Alia na po Ako, 'Ma!" paalam Ko, hinalikan Ko pa S'ya sa Pisngi bago Ako gumawi sa Gate. Nagpapa- Araw na naman kasi S'ya Dito sa Garden Namin. Maya Maya lang naman ay Nandito na si Lyn, pagkahatid N'ya sa School ng mga Anak N'ya. "Ingat Ka!" tugon naman Nito, nginitian Ko lang si Mama at lumabas na Ako ng Bakuran para maghintay ng Tricycle, medyo malayo kasi ang Highway na dinaraanan ng Jeep na Sinasakyan Ko naman papasok ng Hotel. Chill nga lang Ako habang bumi- Byahe, Hindi Ko na iniisip kung male- late ba Ako o Hindi, magre- resign naman na Ako kaya Wala Akong paki- alam sa Oras Ngayon. "You're late again, Miss Aguinaldo!" nagtitimping sigaw sa Akin ng Manager Namin. "Hindi po Ako late Ma'am, kasi po magre- resign na po Ako effective Today." matapang Kong Sagot, ini- abot Ko pa sa Kanya ang Brown Envelope na naglalaman ng Resignation Letter Ko, nagtataka namang kinuha Nito ang inaabot Ko. "Thank You po, Ma'am and Good Bye!" Saad Ko ulit nang hindi pa din S'ya makapag- salita. Irrevocable naman kasi ang Resignation Ko kaya wala naman Silang magagawa kung papayag ba sila o hindi. Maaliwalas ang Mukha Kong lumakad palabas ng Hotel, pupunta naman Ako sa Coffee Prince para mag- report. Marami pa namang bumabati sa Akin na tinutugon Ko naman nang naka- ngiti. Para nga Akong naka- hinga ng maluwag dahil naka- alis na Ako sa Trabahong puro galit ang sumasalubong pagpasok Mo pa lang sa Umaga. Pakiramdam Ko naman sa Trabahong papasukan Ko sa Coffee Shop ay magiging masaya Ako kasi ang Boss ay masayahin. Nakikita Ko naman 'yon kay Eva, dahil matagal na din s'yang Store Manager. Sana lang ay 'wag Akong ilagay sa Main Branch para malapit lang sa Bahay Namin. "Good Morning, Sir!" kina- kabahan Kong bati sa magiging bago Kong Boss. Nandito Kami Ngayon sa Opisina N'ya, katabi ng Opisina ni Eva. "Good Morning, Too, Miss Aguinaldo, mabuti at in- accept Mo ang offer Ko?" naka- ngiti Nitong tugon. "Opo, Sir." maikling sagot Ko na lang, kina- kabahan pa kasi Ako dahil S'ya mismo ang nag- i- interview sa Akin. "Well! Masaya din Ako at magiging part Ka na ng Coffee Prince, kahit ang Pamilya Ko ay nagustuhan din Nila ang mga B-in-ake Mo." masaya pa din Nitong wika kaya medyo nawawala na ang kaba ko. "Salamat po at masaya din po Ako, Sir at magiging Part Ako ng Coffee Shop N'yo." naka- ngiti Ko nang sagot, nakakahawa kasi ang pagiging masayahin ng bago Kong Amo. "Welcome to Our Company Miss Aguinaldo!" bati pa Nito, tinaas pa ang Kanang Kamay kaya nakipag- shake hands Ako sa Kanya "Than You, Sir." magalang Ko naman sagot Naka- sakay na Ako sa Jeep para umuwi sa Bahay Namin dahil Bukas pa ako mag-i- Start ng Trabaho ay hindi pa din Ako makapaniwala. Tinanong pa kasi Ako kung Saan Ko gustong ma- aasign na Branch. Pumayag naman Sila ng sabihin Kong baka pwedeng sa Pasig para nga kako malapit sa Bahay Namin. Kukuhanin na lang daw Duon ang mabe- bake Ko tsaka dadalin sa ibang Branch. Duon pa lang ay alam Ko nang magugustuhan Ko ang magiging Trabaho Ko dahil kino- consider Nila ang demand ng Employee Nila. Pero nang- hihinayang din dahil hindi Kami magkakasama ni Eva sa iisang Branch.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD