Chapter 2

1223 Words
Lorraine Angel Smith POV... Yes! Approved na sa itaas este sa Boss nila na dito nako magtatrabaho! Ano kaya ang trabaho ko dito? "Mr. Butler, anong trabaho ko?" Sabi ko sa kanya. Napaharap naman siya saakin. "Hmm... ikaw ang P.A. ni Boss." Sabi niya. Nanlaki ang mata ko. Personal Assistant?! "H-ha?!" Ako "Bakit ayaw mo?" Sabi niya. Umiling ako waaa gusto ko talagang maging P.A! "Gusto ko!!" Masayang sabi ko sabay talon talon. "Hahaha.. kakaiba ka talaga, Rain." Sabi niya. Napahinto ako sa pagtatalon. "Rain.." siya. "Oo rain. Shortcut ng Lorraine na name mo... ayaw mo bang .." siya habang nagwoworry ang mukha. "No! I like it ngayon ko lang napansin na may Rain ang name ko." Sabi ko. "Hahaha ikaw talaga. So magsisimula ka na bukas. At bukas mo na malalaman ang napakagwapong itsura ng boss natin." Sabi niya. Napatingin ako sa kanya. Gwapo ba talaga yun? Okey siguro kung kagaya kay Mr. Butler. **** Nandito ako sa kwarto ko nakaupo sa higaan ko. Baka sinabi ni Mr. Butler na sinabihan ko siya ng matanda yung boss nila. *Toktoktok* "Rain, magbihis ka pupunta tayo ng mall." Sabi ni Mr. Butler. Nanlaki ang mata ko. "Eh?!" Agad akong tumakbo papunta sa pinto at binuksan ito. "Anong gagawin natin sa Mall?" Sabi ko sa kanya. Wait lang ang lapit ng mukha namin. Agad akong napalayo sa mukha niya. Napayuko naman ako nako naman Lorraine! "Bibili tayo ng mga gamit mo. Diba dito ka na titira? Di ko kasi alam ang size mo. At kailangan din kita ipasok sa salon para magmukha kang tao." Sabi niya. Ay! Ganun di ako tao? "Okey. Hintayin mo ko sa labas ha." Sabi ko at agad pumasok sa kwarto ko. Nagbihis ako. Normal tshirt at maong pants and shoes. Agad akong lumabas at nakita ko siya naghihintay saakin. "Let's go." Sabi niya. Tumango naman ako at sumakay na kami ng sasakyan. "Matanong ko lang? Mabait ba ang boss natin?" Sabi ko sa kanya siya naman nakatingin sa daan. "Hmm.. I think no. At alam mo ngayon lang siya naging mabait." Sabi niya. Napatingin ako sa kanya. Anong ibig niyang sabihin na ngayon lang siya naging mabait? "Ngayon lang naging mabait?" Sabi ko. Mukhang nagulat naman siya sa sinabi niya. "Nothing..."sabi niya. May sayad din itong isang toh. "Aish!" Sabi ko nalang. Nakarating na kami sa mall. Nakashades naman siya. "Uhmm where's the sun." Sabi ko habang naglalakad. Napatingin naman siya saakin. "Nasa labas." Sabi niya. Aish!! Ang slow naman. "Ang ibig sabihin nun. Bakit ka nakasalamin." Sabi ko sa kanya. Tinanggal naman niya ang salamin niya. "Ayan, ang gwapo mo na." Sabi ko sa kanya. Napangiti naman siya at naglakad na kami. Di naman ako yung taong 5 oras maghanap ng mga gamit. Kaya madali rin kaming natapos. "Are you hungry?" Sabi niya. Napangiti ako at umiling ng biglang nagvibrate ang tiyan ko. Eh? Timing ka masyado tiyan ka! "Hindi ikaw ang guton and I think gutom na siya." Sabi niya sabay turo sa tiyan ko. Nahiya naman ako sa sinabi niya. "Halika na." Sabi niya sabay hawak sa kamay ko. Namula naman ako ngayon lang ako nakahawak ng kamay ng isang lalaki. Lubdublubdub! Nagkakagusto ako sa isang Butler?! Pinabayaan ko naman siya hanggang sa makarating na kami sa isang restaurant. "Pumili ka ng gusto mo." Sabi niya. Napatingin ako sa menu. At nagorder na kami at kumain na. Tahimik lang kami kumakain may tinitingnan kasi tung isang toh. Tumingin naman ako sa tinitingnan niya. Oh? May nagmamasid saamin? Ng matapos na kaming kumain tumayo na kami at sinabi niyang mauna na daw ako sa kotse. Tumango lang ako at lumakad papuntang parking lot. Nararamdaman kong may sumusunod saakin. Tumakbo ako hanggang makarating sa kotse ni Mr. Butler. Napahinto ako ng narinig ko ang footstep ng isang sapatos. Napatingin ako at 5 lalaki ang nakikita ko. "S-sino kayo." Sabi ko sa kanya. Don't tell me sila yung mafia na inutangan nila mama at papa! At nakita ko ang isang pamilyar na lalaki at siya yun yung gustong magpakasal saakin. Papa! Mama!! Ano ba toh? Pinapahamak niyo ang anak niyo eh. "Tatakas ka pa!" Sabi nung isa. "Wag kayong lumapit!" Sigaw ko. At paatras padin ako ng naramdaman ko ang kotse ni Butler sa likod ko. Oh crap! "Di ka na makakatakas saamin!" Sabi nung isa. Hahawakan sana ako ng biglang may sumipa sa mukha nung lalaki. Napatingin ako sa gilid ko at si Mr. Butler pala yun. "Don't touch my Angel" Sabi niya at pinagsusuntok yung mga lalaki at sinipa din niya. Nakatulala padin ako anong sinasabi niyang Angel? *Lubdublubdub* Napahawak ako sa puso ko. Ang lakas ng t***k ng puso ko. Di ko napansin naubus na pala niya lahat ng mga lalaki. "Are you okey?" Nag aalala niyang sabi. Naks naman nag aalala saakin si Mr. Butler kinikilig ako! "A-ah... okey lang." Kinikilig kong sabi. Nakahinga naman siya ng maluwag. "I'm sorry." Sabi niya. Napatingin ako sa kanya. "Eh? Di mo kasalanan wag kang magsorry. Ako nga ang magsorry sayo dahil nadamay ka sa nangyari saakin. Tingnan mo may sugat ka sa kamay." Sabi ko sabay hawak sa kamay niya kung saab banda ang sugat niya at napaaray naman siya. "Ah sorry! Gagamutin ko yan mamaya." Sabi ko sa kanya. At pumasok na kami sa kotse nagdrive na siya. Akward masyado. Napatingin ako sa labas.. "Rain, bakit ka sinusundan ng mga lalaking yun?" Tanong niya. Napayuko ako. "May atraso sila mama sa kanila. At ako ang hinahabol kasi tumakas sila mama at papa at ako ang pinababayad sa mga inutang nila." Sabi ko. Nakakahiya naman oh. "How much?" Tanong niya. Napatingin ako sa kanya. " 100,000,000 ang inutang nila." Sabi ko. Napatingin ako sa kanya mukhang di naman siya nagulat sa ganung kalaking pera. "Di ka man lang nagulat?" Sabi ko. "Ha? Ano... ang laki ng pera nun. Don't worry tutulungan kita." Sabi niya. Napangiti ako at tumingin sa kanya. "Salamat. Pero magtatrabaho ako para makuha ang perang yun. Pero saan ako magtatrabaho? Nako naman." Sabi ko nalang. "Alam mo ba kung magkano ang sweldo mo bilang P.A.?" Sabi niya. Napatingin ako sa kanya. "Di pa? Magkano ba?" Sabi ko. "10,000,000 lang naman." Sabi niya. Nanlaki ang mata ko. "W-what?!" Sigaw ko. Ang laki?! Gaano ba kayaman tung boss namin? "Paano niya napulot ang ganung pera?! My God?!" Sabi ko sabay tingin sa kanya. "Hahaha, di naman pinupulot yun sadyang pinagtrabahuan yun." Sabi niya. "At di mo natatanong ang BOSS natin ang Top 1 sa pinakamayaman sa boung mundo sa bata niyang edad." Sabi niya. Patay! "Eh.. ano bang gagawin ko bilang P.A? Baka ano... baka gagawin niya akong prosti...." ako. "Hindi ah. Be a normal P.A." sabi niya. Napatango nalang ako. "Bukas, kung ano ang malaman mo please wag kang magbago. Sana ganyan ka pa din." Sabi niya. Anong pinagsasabi ng isang toh? "Oo naman! Ako pa! Di ko aatrasan ang boss niyo hehehe." Tawa kong sabi at napangiti naman siya. "Ikaw talaga walang katulad. Ibang iba sa ibang babae." Sabi niya. "Syempre ako kaya si Lorraine Angel Smith ang nagiisang babaeng ganito ang katangian at ugali." Sabi ko. Pinat nalang niya ang ulo ko. "That's why I like you." Mahina niyang sabi. Napangiti pa siya. "Ha? May sinabi ka?" Sabi ko. Nanlaki ang mata niya. "W-wala ha. Imagination mo lang yun." Sabi niya. Napapout nalang ako. "Ewan ko sayo. Weird." Sabi ko sabay ngiti. "Salamat naman at di na ako makakasal sa lalaking iyon." Mahina kong sabi. Para kasing nakunan na ako ng malaking tinik. "What? No way!" Eh? ******* LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD