CHAPTER 14 Pocky's Pov. Ang sarap ng tulog ko kagabi dahil sa nalasing na talaga ako at sobrang antok na antok na ako kaya noong naglalakad ako papunta sa aking kwarto ay nakapikit na talaga ako. Nang makapasok ako sa aking kwarto ay nagtaka ako dahil madilim dito. Ang natatandaan ko ay iniwan kong naka bukas ang ilaw nito. Hindi ko na lang inabala pa ang aking sarili na mag- isip dahil ang gusto ko na lang ay ang humiga na sa aking kama at matulog na. Hindi na ako nag hilamos pa dahil hindi naman din ako naka make up. Bukas na lang ako maliligo dahil mawawala ang antok ko kapag nakahawak pa ako ng tubig. Padapa akong ibinagsak ang aking katawan sa kama at diretsong tulog na. Kinabukasan pagkagising ko ay sakit ng ulo ang aking unang nararamdaman. Ganito pala ang magkaroon ng hang ov

