CHAPTER 9 3rd Person's Pov Continues Napansin ni Pocky na nasa banyo pa din si Yell kaya nagtaka ito. “Ya, bakit ang tagal naman po ni Ate Yell sa banyo? Madami po ba ang libag nya at hindi niya naubos baklasin doon sa mansyon?” Pabirong tanong nito sa kanyang Yaya. “Loka- loka ka talaga! Napigtas kasi yung strap ng bra niya kaya nagpalit siya ulit. Sinamahan na din siya ni Ate Ella sa banyo para siya na ang magtali. Alam mo naman ‘yon, laging si Ate Ella ang taga ayos niya.” Natatawang sambit ni Yaya Beth. “Ewan ko nga ba sa batang iyan, Kung mura ang mga binibili kong mga damit ko ay mas lalong mura pa ang kanyang mga binibili. Kaya ayan tuloy, hindi pa narampa ang kanyang bikini eh ligwak ganern na agad. Mabuti at dito palang ay bumigay na agad, kung nagkataon ay magiging sirenang

