CHAPTER 6 Pocky's Pov Naka uwi na kami dito sa Mansyon, subalit ang isip at diwa ko yata ay naiwan pa din doon sa Mall dahil doon sa nangyari. “Sino kaya ang lalaking ‘yon? At bakit ganoon na lamang niya nakuha ang atensyon ko?” Sabi ko sa isip ko. Mag mula nang umalis siya na patakbo ay dito na rin siya tumatakbo sa isipan ko. Napansin naman ako ni Mommy. Kanina pa pala ako nandito sa mahabang sofa na lutang, kaya tinanong niya si Yaya Beth kung anong nangyari sa akin. “Yaya Beth, anong nangyayari kay Pocky bakit tulala? May nangyari ba?” Nagtatakang tanong ni Mommy na ngayon ay nasa kusina sila at nagpeprepare ng meryenda. “Hay, ewan ko nga po jan sa alaga ko Donya Susan, simula kaninang umalis yung naka bungguan niya ay ganyan na po siya. Lagi pong nahuhulog sa malalim na pag- ii

