CHAPTER 4
Bullet proof lahat ng aming mga sasakyan including yung regalo sa akin ni Daddy na Bentley. Hindi ko na muna iyon ginamit dahil natatakot si Yaya Beth na sumakay doon. Para daw siyang sisinghap ng last na hangin kung sasakay daw siya doon dahil alam niyang mabilis akong magmaneho at baka maiwanan namin ang aming mga Bodyguards.
Habang binabagtas namin ang daan patungo sa BGC ay walang sawa akong kumain ng pocky. Ang sarap talaga nito at hindi ako nagsasawa. Mabuti na lang kahit ang hilig kong kumain ng ganito ay hindi ako tumataba. Mabilog lang ako sakto lang sa aking height.
Nauuna naman ang isang sasakyan ng mga Bodyguards ko at nakasunod naman sa amin ang isa pang kotse na mga Bodyguard ko din. Bale anim lahat sila na isinama ko. Para akong anak ng presidente o anak ng mataas na Opisyal sa mga Bodyguards ko.
Noong una ay naiirita ako kasi feeling ko ay limitado ang galaw ko at nahihiya ako kapag pinagtitinginan kami ng mga taong nakakasalubong namin. Pero nung nagtagal ay nauunawaan ko na dahil nag- iisang anak lang ako nila Daddy at iniingatan lang nila ako.
“Señorita narito na tayo.” Sambit ni Tatay Cesar.
Hindi ko napansin na mabilis kaming nakarating dahil naka focus ako sa pagkain ng pocky. Bumaba na ako at kasunod ko si Yaya Beth. “Second floor tayo.” Pero wala pa rin akong tigil sa pagkain ng pocky.
Halos lahat ng tao na nadadaanan namin ay napapako ang paningin sa akin at ang iba ay napapa double look pa. Wala naman akong pakealam kaya dire- diretso lang ang aming lakad.
Sanay ako na sa akin ang tingin ng mga tao, normal lang na makilala nila ako dahil ako ang nag iisang tagapagmana ng Sobrefenia
Corporation. At isa pa sa dami ba naman ng Bodyguards ko, Sinong hindi makaka pansin.
Narinig ko pa ang mga sinabi nila. Ang ganda niya talaga para siyang British girl. Kung hindi ko lang alam ang Ama at Ina niya ay sabihin ko na dayuhan siya. Sabi ng isang Ginang, Dedma ko lang at tuloy lang ang lakad ko na parang wala naririnig.
“Yaya, Iyon po ang shop na ‘yon, Halika na baka maubusan ako.” Aya ko kay Yaya Beth sabay turo sa shop kaya nagmadali na akong maglakad pati na din si Yaya. Nang makarating kami ay nakita ko na ilang piraso nalang ang natitira.
“Excuse me” Wika ko kahit malayo pa ako.
“Bibilhin ko ang lahat ng iyan.” Sabay turo ko sa mga key chains, displays at stuff toys na mga pocky. Kaya napatingin ang Sales staff at pati na din ang ibang mga Customers na naroroon kaya napa tanga sila sa gulat at ang iba naman ay napataas ang kanilang mga kilay.
“O-okay po Ma'am.” Sambit ng Staff na nagulat din.
“Salamat, naka abot ako” Ika ko sa sarili.
“Yaya may gusto ka bang bilhin? Kumuha ka na, isabay mo na sa aking bill ako ang magbabayad.” Sambit ko.
“Wala, wala akong gusto dito dahil ang mamahal ng mga bilihin dito, Hindi tulad ng sa divisoria ang isang libo mo ay marami ng mapapamili.” Bulalas ni Yaya Beth kaya natawa ako.
“Ito na po lahat Ma'am, Dito na po tayo sa Cashier.” Pag giya ng Staff sa amin.
“Good morning po, Bale 1.2 Milyon po lahat Ma’am.” Sabi ng Cashier.
Kinuha ko ang black card ko at iti- nap ko ito sa kanyang terminal.
“Salamat po Ma'am.”
Natatawa ako, Kahit alam ko na sa amin ang shop na ‘yon ay bumili pa din ako at nagbayad.
“Tara na Yaya Beth kung wala kang ibang gustong bilhin ay umuwi na po tayo. Magpabili ka nalang po ng frappe at pizza sa mga Bodyguards natin at on the go nalang para sa mansion nalang natin kainin.” Utos ko kay Yaya Beth at ibinigay ko na din ang Black card ko.
“Akin na po an pocky ko 'Ya, Doon na muna tayo sa mga mga bench habang naghihintay.”
“Here, Baby.” Pag- abot sa akin ni Yaya Beth ng mga natirang pocky sa bag niya dahil ubos ko na kanina yung mga binigay niya sa akin.
Nakaalis na ang tatlo kong Bodyguards, Look out naman sa di kalayuan ang dalawa at ang isa ay nasa gilid ko.
Habang naglalakad ako ay kumakain ako ng favorite ko. Mawala lang ang lahat wag lang pocky ko charoot lang.
O-ouch! Ang aking daing nang tumalbog talaga ako at napa upo.
“Oops! Sorry Miss, sorry!” Sabay alalay sa akin ng taong nakabungguan ko. 'Pag angat ng aking paningin ay nagkatitigan kami sa isa't isa. Nagtitigan kami na para bang na love at first sight kaya biglang lumakas ang t***k ng puso ko.
“Sorry. Sorry talaga ‘di ko sinasadya.” Ang sabi niya noong nakahuma na siya kaya tinulungan niya akong makatayo.
“Pasensya ka na, Nagmamadali kasi ako. may hinahabol lang ako na meeting.” Pagpapaliwanag niya.
Sabay namang nagsilapitan ang mga Bodyguards ko na lookout at ang Bodyguard ko na katabi ay inilalayo niya ang lalaking nakabunggo sa akin.
“A-ah, okay lang sorry din kumakain kasi ako.” Sagot ko sa kanya.
“Baby girl ayus ka lang ba? May masakit ba sa’yo? Saan ang masakit? May sugat ka ba?” Sunod sunod na tanong ni Yaya Beth pero ang tingin ko ay nakapako na sa lalaking gustong gusto kong tinititigan.
“Pasensya ka na talaga, Si- sige Bye, Baby girl.” Paalam sa akin ng lalaki habang nagmamadaling umalis.
Ngumiti lang ako.
“Yaya Beth ang pocky ko nasaan? Ang sakit ng tuhod ko at siko. Pero ang gwapo ng lalaki kanina, Parang si Tom Cruz.” Wala sa sarili kong bulalas.
“Halika upo muna tayo dito. Ikaw kasi, wag ka ng kumain ng pocky na ‘yan pasaway ka, kita mo nabunggo ka pa. Bakit parang masaya ka Pocky?” Tanong ni Yaya.
“At teka nga lang. Sana kanina mo sinabi iyang mga masakit mo para sana pinagbayad natin yung lalaki tsaka sabi mo okay ka lang. Tapos ngayon masakit na? Ano ba talaga?” Naguguluhang tanong ni Yaya.
“Hala Yaya Beth, kailangan bang maging malungkot ako kasi na bunggo ako? Okaya naman ay iiyak?” Maktol kong sagot.
“Hoy! baby girl, marunong ka nang sumagot at magmaktol sa'kin?” Reklamo pa niya.
“Yaya Beth, Nagsasabi lang ako ng totoo. Hindi na ako bata para umiyak kapag nasaktan kung madadapa.” Sagot ko na may pag ngisi.
“At ngayon bigla kang hindi na bata ah. Naku ang alaga ko nagka crush na yata.” Panunukso niya.