MAKALIPAS lang ang isang araw ay may trabaho na agad na natanggap si Dolly. Isang kaibigan kasi ang nagtanong kay Gloria kung may kakilala itong marunong mag-host ng mga event at parties. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Dolly na i-alok ang sarili at sabihin na kaya niya ang bagay na iyon. Birthday ng isang ginang na magsesesenta na ang edad ang gaganapin sa isang restaurant at kailangan ng host para sa buong event. Tatlong libo ang bayad sa kanya para sa apat na oras na hosting. Ngunit hindi niya akalain na matapos niyang tanggapin ang offer ay pinababalik na siya sa Queen’s bar para ipagpatuloy ang trabaho. Tahimik siya sa isang silya habang naroon si Jomar sa sala ng bahay ni Gloria. Sumabay ito sa kaibigan ng Tita Mitch niya para kausapin siya nang personal at humingi ng tawad mul

