CHAPTER 22 Kevin's POV Mabilis akong bumaba at nag babaka sakaling andito pa si Luna Jane sa sala ngunit pagbaba ko ay wala na siya doon. Umalis na siya ? Talagang gumala siya kasama si Yohan ? Mayroon sa dibdib ko ang iniisip na hindi iyon sumama ngunit sino nga bang makikinig saakin ? Hindi naman siya nakikinig sa mga sinasabi ko kaya bakit hindi siya aalis diba ? " Myra , asan si Luna Jane? " Tanong ko kay Myra ng dumaan ito sa sala upang mag walis ngunit napatayo lamang ito at napatigil sa pag wawalis saka ako nito tinignan . " Ay! gumala po ? Di po ba kayo yung nag uusap? " Patanong ngunit sagot naman niya iyon saakin . Nasapo ko nalamang ang noo ko ng isipin kong bakit ko nga ba ito tinatanong kung alam ko naman sa sarili ko na aalis parin iyon . Kinuha ko na ang susi ng

