CHAPTER 10 Lj's POV Huminga ako ng malalim ng paandarin niya ang sasakyan ngunit ganon nalamang ang pag ka gulat ko ng maalala kong hindi naman niya alam kung saan ang punta ko ! " Yohan ! Ano ? Alam mo ba saan ang punta ko ? " Kabadong tanong ko dahil sa kinakabahan ako na baka sa ibang lugar niya ako dalhin . Mali talagang sumakay ako sa sasakyan niya dahil una may asawa ako ! Ngunit bigla nalang niya kasi akong pinasakay e ! Bigla nalang niya akong pinasok sa loob ng sasakyan niya ! Kabado ang bumalot sa dibdib ko na ikinatatakot ko , hindi maganda sa'akin ang kabahan dahil ang may hika ako . Hindi ko rin alam kung bakit kahit ang pagtakbo at pag kapagod ay hinihika ako kasama ko na ito noon simula pa ng bata ako hindi na ito nawala sa tabi ko . " Don't worry , SHINUN ." Naka

