Chapter 1

2309 Words
Chapter 1 Lj's POV MAHIMBING akong natutulog sa mapayapa kong kama dito sa aking silid. Mas gugustuhin ko na lamang matulog sa gantong paraisong tahimik lamang at huni ng ibon ang iyong maririnig. "Panget! Darating si Kasey! Panget!" Napadilat ako mula sa mala paraiso kong panaginip na sinira lamang ng sigaw na boses ng isang demonyong lalaking mula sa labas ng aking kwarto. Halos mag-maktol ako ng ang panaginip na iyon ay napaka-refreshing tapos sisirain lamang ng yawang ire! Ilang kalabog mula sa aking pinto ang nang gagaling sa lalaking iyon. Bahala siya diyan, akala niya ay matatakot niya ako? Ipinikit ko muli ang aking mga mata at inisip ang huni ng mga ibong naririnig ko mula sa aking panaginip kanina. Napadilat nanaman akong muli nang kalabugin niya muli ang pinto ko. "Pisti yawa animal!" Asik ko nang kalabugin niya ang pinto ko. Panira ng tulog! Ni hindi ko man lang na-enjoy ang ga'nong paraiso! Dahil mas gugustuhin ko pang di makalabas sa panaginip ko kaysa sa ma-gising sa katotohanang panay pa-sakit sa ulo ang natatamo ko. Hindi ko pinansin ang pagkakalabog niya sa pinto ko. Asa siya d'yan, sa lahat ng ayaw ko ay yung iniistorbo ako pag-natutulog ako. Kahit sino naman siguro ay maasar kung ganoon. Lalo na pag ang panaginip mo ay maganda, refreshing, fantasy or kasama mo si crush. Ngunit kahit talagang gawin natin ay may laging panira sa buhay natin. Tinakpan ko na lang bahagya ng unan ang aking tainga upang di ko marinig ang boses nito saka ipinikit muli ang aking mata. "PANGET! LUMABAS KA NA D'YAN!" Sa boses na iyon ay naiinis na siya dahil ayaw niya talaga ang hindi sinusunod ang mga command niya. Kung maka panget! Kala mo naman lahat ng babaeng dinadala niya dito kay gaganda! "GISING NA! ANO 'BA!" Pikon na siya sa lagay na yan, hindi nawawala ang ganitong scenario sa isang linggo. Hindi talaga mahaba ang pasensiya ng lalaking iyon kaya naman mas may itataas pa ang pag-kainis niya. "SISIRAIN KO TALAGA 'TONG LINTEK NA PINTONG 'TO PAG 'DI MO BINUKSAN!" Nanlaki ang mga mata ko nang pagbantaan niyang sisirain niya ang pinto ko. 'Oh boy!' Mahinang sambit ko saka umupo mula sa pagkakaiga ko. Hindi ba ko pwedeng matulog ng maayos kahit tatlong araw lang sa isang linggo? Now i hate my messy life! After what my parents did? Ito na naman tayo makikisama sa best friend ni Santanas? "ISA ,LUNA!" Mas lalo na kong kinabahan dahil nagbilang ito, sigaw niya iyong sinabi sa labas ng pinto ko. Demonyitong manyakol! Parang ayan ang dipinisyon ko sa kanya, always and forever! Bakit? Dahil hindi nawawala ang ganitong pangyayari sa araw-araw kong pamumuhay sa loob ng bahay na ito! Nabigla ako ng biglang may kumalog mula sa pinto ko, mukhang sinisipa niya na ang pinto ko! Wala kong maalalang taekwondo ang isang to! Ang alam ko lang ay musikero ito! Bakit siya naninipa ng pinto ng may pinto! Shakks, sinisira niya pinto ko, hindi ito maari! Pagnabuksan niya ang pinto ko malalagot ako! Sisigawanan nanaman ako nito at ang mas malala pa aawayin nanaman niya ako! That bastard man! Walang ginawa kundi laitin ako! Pero pag-babae niya kala mo kung sino anghel ang sumapi! Kinuha ko ang unan ko saka ipinatong sa aking mukha habang nakatagilid at nakaiga. Pinikit ko ang aking mata habang inaantay ang prisensiya niya dagdag pa ang kaba sa aking dibdib ay may namumuong kaba. Asan na siya? Bakit hindi ko naririnig na ang pag-bubulyaw niya sa labas? Hindi kaya ay tumigil na siya? Nako! Malabong mangyari iyon! Hindi ka tatantanan ng isang iyon hangga't hindi mo nagagawa ang iuutos niya sa 'yo. Ilang taon ko ng kasama iyon kaya kilala ko na ang ugali no'n. Nakapikit pa rin ako habang unti-unting kinagat ang ibabang labi ko, mukhang tinantanan niya na ako. Sinasabi ng isip kong 'Wag! 'Wag 'mong tatanggalin ang unan mo dahil malalagot ka!' ayan ang sinasabi ng utak kong takot din sa kanya . "Gising! Panget! Hoy !" Potragis! Halos atakihin ako sa puso nang maramdaman kong may humila sa paa ko na ikinagulat ko nang malala! Seryoso! "Ano nanaman 'ba ang kailangan mo!" Halos nanlaki ang mga matang kong singkit habang isiniigaw ko iyon sa kanya. Mabilis akong napaupo sa kama dahil sa kanyang ginawa sa'kin, isipin niyo yon hihilain ang paa mo! Ang lubusang kong pagkaka-alam ay tumigil na ito ngunit heto siya ngayon sa harap ko naka-cross arm at naka tingin sa'kin. Huwag kayong mag-alala, kung ikukumpara ko ito sa ginawa niya sa'kin nung nakaraang araw ay hindi na ito malala. Mas okay na hilain niya na lang ang paa ko kaysa sulatan niya muli ang mukha ko ng etits, Everyone! Kita niyo ugali? May buhok pa sa eggs ang walangyang art kuno daw nang binulyawan ko siya dahil sa ginawa niya ! Kasalanan ko daw dahil hindi ako nag lo-lock ng pinto mula sa aking kwarto. "Namumura ka na ah! 'Di naman kita ginanyan 'nung natutulog ka ah!" Pasigaw ngunit humble pa rin. Malambing talaga ang boses ko kahit sumigaw man ako ay parang sweet pa rin. Lumaki ang mga mata niyang nakatingin sa'kin sabay biglang tinakpan ang ilong nito na ipinagtaka ko. Ano nanaman kaya ang inaarte-arte nito? Bakit naman siya magtatakip ng ilong? E, wala namang mabaho dito. Siguro kung meron man, sarili niya lang ang naaamoy niya nandadamay pa siya. "Panget! Kadiri ka naman! Amuyin mo hininga mo!" Paturo nitong sigaw sa'kin habang nakatakip pa rin nang kabila niyang kamay ang ilong niya. Pati pag-hawak ng ilong maarte pa rin? Wala talagang mas aarte pa sa lalaking ito talaga! Nawala ang pagkakakunot sa aking noo nang ma-realize ko ang sinabi niya. Hindi ma-aari! Para akong tinubuan nang hiya sa katawan ko dahil sa kanyang sinabi. "Hindi naman ah!" Kahit hindi ko pa naamoy ay ipinagtanggol ko ang aking sarili. Bakit meron bang mabangong hininga sa umaga? "Smell it! Smell's like a nasty ass breath, right?" Patataas na kilay nito akong tinarayan. "Smell's like nasty ass my ass." Mahinang kong banggit. "Stop with the mumbling.Go brush you're teeth.." Pag-uutos nito sa'kin habang hawak-hawak pa rin niya ang kanyang ilong. "Umalis ka na nga! Ano 'ba kaiangan mo!" Saka ako tumayo habang sinasabi ko iyon sa kanya, sinuot ko ang tsinelas kong pambahay mula sa lapag saka pumamewang sa kanya l. "Uulitin ko 'pa 'ba? Si Kasey dadating. Ayokong pagdudahan ka niya kaya mag-ayos ka na." Napapikit ako saka humawak sa aking Noo , iniisip kung ano na namang kabalastugan ang gagawin nito ng hindi nalalaman ng pareho naming magulang. "Hindi 'ba pwedeng dito na lang ako sa kwarto? O kaya naman lalabas ako para hindi niya ko makita?" Pinipilit ko talaga ang sarili kong mamuhay ng tahimik ngunit hindi niya talaga ako hinahayaang mangyari iyon. "Tapos ano? Pagpumunta siya dito nang biglaan makikita ka niya? Edi magtataka 'yon! Just go, change! " Agad itong lumapit sa gawi ko saka hinawakan ang magkabilang braso kong itinutulak papunta sa sarili kong cr sa loob ng aking silid. "Tigil! Isusumbong kita sa Mommy mo!" Pananakot ko sa kanya kahit alam kong hindi naman iyon tatalab dahil marami ko nang beses itong ginawa sa kanya ngunit in the end? Ang sabi lang sa'kin ng mommy niya ay 'Pagpasensiyahan mo na ang anak ko, mabait naman 'yan..'. "Akala mo 'ba matatakot mo sa pa ganyang-ganyan mo? Bilisan mo na lang!" Sabi nito saka tinulak muli ang likod ko sa harap ng pinto ng aking cr. "Hindi naman niya mahahalata! Mukha 'bang ako 'yung mga gusto 'mong tipong babae?" Inis na asik ko habang dahang-dahan akong humarap sa kanya. Ngayon ito naman siyang pumamewang sa harap ko saka itinaas ang kaniyang isang kilay habang ang mga tingin sa'kin ay na-que-question. "Ikaw nga 'tong hindi ko trip pero naging asawa ko." Malditong asik nito sa'kin. As if, naman na gusto ko ring mapangasawa mo 'no! "Edi sisihin mo magulang natin dahil sila ang nag-fixed nito." Saka ko siya tinalikuran at pabagsak na isinarado ang pinto nang makapasok ako ng cr. Sumandal ako sa likod ng pinto habang hawak-hawak ko ang aking dibdib. What a day! Talagang pag minamalas ka nga naman always! Inilapit ko ang aking tainga mula sa pinto upang pakinggan kung naka alis na ba iyon, konting saglit pa nang marinig kong pabagsak na sumara ang pinto mula sa aking kwarto kaya naman alam kong umalis na ito sa silid ko. Agad kong hinubad ang lahat ng damit saka iyon shinoot sa basket. "Haa.." Pag-amoy ko sa hininga ko na pinagsisihan ko! Totoo nga, masyadong mabangis. Kagat-kagat ko ang aking labi nang unti-unting tumama sa aking katawan ang mga butil ng tubig na nagmumula sa kakabukas ko lang na shower. Ilang saglit akong nakatulala ng isipin ko ang kahihiyang inabot ko sa kanya. "Napaka walang hiya talaga ng babaerong 'yon! Dapat sa kanya binabalatan ng buhay e!" Inis na sabi ko, saka ko hinilamos ang mukha ko na kinalaki ng mukha ko. May panis na laway pang natuyo sa pisngi ko! "Jusko! Mahiya ka Lj! Ano 'bang nangyayari sa iyo! Napaka salaula mo!" Pag-sampal-sampal ko sa mag kabilaang kong pisngi habang sinasabi ko ang mga iyon. "Pero teka! Ano naman ngayon kung may panis na laway ako? At mabaho ang hininga ko? Bakit ako mahihiya?" Na-istraight bigla ang tayo ko nang isipin ko iyon. Oo nga naman! Ano namang paki niya kung mabaho ako ang hininga ko! "Bakit naman ako mahihiya? E, asawa naman niya ko! Bakit mahal niya 'ba ko? Wah!!" Sabunot ko saking sarili habang sinasabi ko iyon at sinimulan na lamang maligo. Ilang saglit pa ay agad narin akong lumabas saka inumpisahang magbihis. Nang matapos iyon ay ayos ko na ang aking kama. Pinagpag ito at iniyos ang kumot at unan, may mga kasama kami sa bahay ngunit gusto kong ako nag-aayos ng aking kama dahil nakasanayan ko lang. Hindi ko na kailangan pa iasa sa iba ang pag-aayos ng inigaan ko. Umupo muna ako sa upuan ko at humarap sa salamin. Sa panget kong 'to? Magugustuhan kaya ako no'n? Napangalumbaba na lang ako sa lamesa at tinignan ang sarili ko. 'Suntok sa buwan pagna-inlove siya sa isang tulad ko.' Sabi ko sa aking sarili at huminga nang malalim. MASUNGET sa panget kaya kung sa tingin mo ay di matatawag na maganda ang mukha mo ay 'wag mo na siya kilalanin pa. MABAIT sa mga sexy na babae kaya kung sa tingin mo gasul ang katawan mo back off na sis! RUDE siya magsalita sa mga babaeng pilit nakikipag close sa kanya na di maganda o kaya naman ay hindi niya tipo kaya kung bet mo lang makipag-kaibigan sa kanya? Umuwi ka na lang. GENTELMAN sa Class AAA beauty kaya kung sa tingin mo ay Class Z ka ay 'wag mo na balakin pa. ANGEL pag pang-Miss Universe mukha mo pero kung ang mukha mo ay pang-Miss Understanding face ay uulitin ko 'WAG MO NA BALAKIN 'PA. Basta sobrang nakakabwiset siya yoon na lang, dahil kung iisa-isahin ko pa ang buong katauhan niya jusko baka nasa kabilang buhay nako di ko pa tapos i-describe ang gung-gong na yon. Alam niyo mahirap sabihin 'to at mahirap din paniwalaan pero ang chaka-chaka ko ngunit. May asawa akong sikat na singer sa University at one of the most popular student din, at ako? Don't ask wala akong kwenta sa school. Di nga nila alam na may nag-eexist na tulad ko. Until this thing happend. Nung 4th year highschool kami, last year lang 'yon may kumalat sa buong school namin na 'Live in' daw kami. Which is True! Why we're married and how? When i was 15 years old at siya naman ay 16 na pag-usapan ng both families namin na lumipad sa Sudan na pwede mag-pakasal ang mga babaeng 10 years old pataas at doon nag umpisa ang miserable life ko. 15 years old and married women that day. Third year kami nang mangyari iyon at na pag-usapan naming wala kaming pagsasabihan na kahit sino tungkol dito. I know, we we're both young for this pero wala kaming magawa. I always asking my mom at lagi niyang sinabi ay 'Malalaman ko rin soon.' And we find why, basically it's for Business and partnerships. Bago namin lisanin ang highschool life ay saka naman sumikat na 'Live in' kami. 'Yon ang taon na sumikat siya ng todo kasama ang banda nila kaya naman hindi maiiwasan ang maraming stalker dahil wala akong masabi sa sobrang visual nila. "Ano namang masama 'kung tumira siya sa bahay namin?" Pag-tatanong niya, namilog ang mga mata ko ng maalala kong sabihin niya iyon matapos ang pag-kanta nila sa stage sa isang event na ginawa sa school. "Kasi personal assistant ko siya, kaya napunta siya sa bahay, even minsan siya na pinag-luluto ng pagkain ko, taga linis ng kwarto ko, taga laba. Why not? Binabayaran siya ng mommy ko." At doon nag-simula ang kalbaryo ng buhay ko. Ang nanahimik kong buhay ay naging magulo nang dahil sa sinabi niya. Nung una ay hindi ako pumayag sa sinasabi niya pero wala rin akong nagawa dahil una sa lahat bata pa kami. Talagang uungkatin ng mga fans niya ang buhay niya kaya ginawa ko pa rin ang sinabi niya. He's Kevin James Rejanjo. The most popular student, great singer, model and lastly.. Playboy with a class. And I'm Luna Jane De Castro, call me LJ para di ka na mahirapan. Ako ang asawa ng isang Playboy na pretending Personal Assistant .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD