Lumipas ang isang araw na wala akong natanggap na mensahe mula kay Allen. Laman pa rin ng isip ko ang mga nangyari, para bang sa paraan na 'yon ay hindi ako deserving na girlfriend. Pero bakit? Bakit kailangan niyang patagalin ang inis niya nang dahil lang doon? Kung p'wede naman naming ayusin kaagad.
Mahigit tatlong oras akong naghintay na baka sakaling tumunog ang cellphone ko at makatanggap ng reply mula sa kanya. Hindi na nga ako masyadong nakakain kahapon at mas lalong hindi ako nakapag-focus sa kung ano ma'ng inutos ni mama.
Mabuti na lamang at walang pasok ngayon. Kaya kahit tanghaliin ako sa pagbangon ay ayos lang. Pasimple kong sinusulyapan ang wallpaper ng cellphone ko habang naghihintay ng reply mula sa kanya. Pero sadyang nakakainip. I re-read all my conversation which I haven't received any reply from him. Even the call history that he could missed out.
"Hon, kumain ka na ba?" I just sent it by six o' clock in the morning. Maaga talaga akong nagising para kamustahin siya-- baka sakaling lumipas na ang inis niya.
"Galit ka ba sa akin? I'm sorry na oh.." I used to eat my pride just for him.
"Hon, wait ko po reply mo.." It was eight o' clock in the morning and the moment that I saw the conversation lifeless, lalo ko lang nararamdaman na ang tanga-tanga ko. Tanga naman talaga kapag nagmamahal 'di ba?
"Hon, bakit hindi ka nagtitext?" An hour later which I felt anger but I should to be calm-- just for him.
"Sagutin mo tawag ko, hon." It was the first time I started to make a call. Naisip ko kasi na baka.. tulog pa siya. I tried about six times but what happened is mutual.
"Hon?" Trying to mess him all over again.
"Hon naman, e. Ano ba talagang problema?" Nawalan na ako ng pag-asa. Napapikit ako habang hinahayaang pumatak ang luha sa aking mga mata. Para bang kahit wala akong marinig na kahit na anong salita sa kanya ay sobrang nasasaktan pa rin ako. Sa kawalan ay napatayo ako at humarap sa salamin, pinagmasdan ko ang sarili ko. At walang pasubali na kinausap ko ang aking sarili.
"Matapang ka, Jiezel.. matapang ka. At maniwala sa sarili mong mahal ka ni Allen." Sandali akong natigilan nang pagmasdan ko pang mabuti ang sarili ko sa salamin. "Ako pa ba 'to? Hindi ko na kasi kilala ang sarili ko-- parang ibang-iba na si Jiezel ngayon kaysa noon.. bakit ka ba magpapakatanga sa kanya?" Muli akong natigilan at kalauna'y natawa sa aking sarili. Para akong baliw na kinakausap at sinesermunan ang sarili. Pero sandali akong napalingon mula sa kama kung saan ay inilapag ko ang cellphone nang sandaling tumunog ito. At halos matutop ko ang bibig nang mabasa ang text na mula sa kanya.
'Hon, buksan mo ang gate, nandito ako sa labas ni'yo.'
Dali-dali akong nag-ayos ng aking sarili, at kahit wala pang almusal ay patakbo akong nagpunta sa gate. Alam kong napansin ako ni mama pero mas importante sa akin ang makapag-ayos kami ni Allen.
Pagkakita ko pa lamang sa kanya ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin siya. "Goodmorning, hon," nakangiti ko pang sabi. Kailangan kong mag-pretend na hindi nasasaktan.
"Hindi ka ba galit sa akin, hon?"
nagtatakang aniya.
Napangiti ako kahit inuudyok ng utak ko na dapat ay sungitan siya. "Hindi naman big deal sa akin 'yon, hon! Halika na sa loob at mag breakfast tayo," masiglang sabi ko. Pero deep inside, sobrang nasasaktan ako.
Batid kong nag-aalangan siyang pumasok upang harapin si mama dahil batid niyang open ako kay mama pagdating sa amin ni Allen.
"Iniisip mo ba ang magiging reaksyon ni mama?" tanong ko sa kanya na ikinalingon niya. Inunahan ko na siya dahil ayaw kong iparamdam sa kanya na magbabago ang trato sa kanya ni mama kung sakaling malaman nito na may hindi kami pinagkakasunduan.
"Good morning po, tita.." bati niya kay Mama.
"Ay, naku! Kaya naman pala nagmamadaling lumabas kanina si Jiezel dahil may bisita siya.. o, Allen, kumain ka na ba? Sumabay ka nang kumain kay Jiezel.." ani Mama. Binigyan naman ako nang nagtatakang tingin ni Allen at hindi na ako nagtaka sa itinanong niya.
"Hindi ka pa pala kumakain?"
Napangiwi ako. "Na-late kasi ako ng gising," pagpapalusot ko kahit na batid kong alam niya na maaga akong nagising.
"Ah.. o' siya, maiwan ko na muna kayo ah? At mamamalengke lang ako.. Jiezel, pakainin mo ng marami si Allen, ha?" pagpapaalam ni Mama.
Tipid akong ngumiti. "Ingat po, ma.."
"Mag-ingat po kayo, tita.." sabi naman ni Allen.
Sinangag, pritong itlog at longganisa ang nasa lamesa kung kaya't napagana ako sa pagkain. Sa kalagitnaan ng aming pagkain ay nagbukas ako ng usapan. Para naman maramdaman niya na okay lang ako. "Nga pala hon, nakapasa ako sa OJT," nakangiti ko pang sabi.
"Congrats, hon," sabi niya pero nakapakunot ang noo ko dahil tila walang sigla ang pagkakasabi niya.
Doo'y pinangko ko siya ng tingin dahil kanina ko pa napapansin na parang malalim ang iniisip niya kung kaya't hindi na ako nagpaliguy- ligoy pa na alamin iyon. "May problema ba, hon?"
Napatigil siya sa pagkain at napatitig sa akin. "H-hon.." Nagtaka naman ako nang hawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.
Sabihin mo lang na nag-sosorry ka sa nangyari kahapon at tatanggapin ko 'yon.. bulong ng isip ko. Pero napaawang ang bibig ko nang iba ang lumabas sa bibig niya kumpara sa inaasahan ko. "Palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita ah." Ano bang sinasabi niya? Para naman siyang namamaalam. Muntikan nang pumatak ang luha ko kung kaya't idinaan ko na lang sa biro.
"Hon naman, 'wag ka namang magsasalita ng ganyan. Parang double-meaning, e," napapangising sabi ko. Pero mas lalo lang sumeryoso ang mukha niya.
"Hindi iyon double-meaning.. at kahit sakitin ako ay hindi pa naman ako mamamatay 'no!" pagbawi pa niya ng biro.
Doo'y sumeryoso na rin ako at pormal na humarap sa kanya. "Mas mahal kita, hon.." sinserong sabi ko. Totoo naman, e, kaya nga hindi ko siya matiis. Sa labis na pagmamahal ko para sa kanya ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapayakap sa kanya at.. tinanggap niya naman 'yon. Pero may isang salita pa akong nais na marinig mula sa kanya.. at 'yon ay ang salitang "sorry".
Kahapon nang iwanan niya ako mag-isa, I realized na lust lang ang nararamdaman niya para sa akin. Pero baka rin naman natapakan ko ang ego niya o baka naman, na-disappoint siya sa sarili niya. Pero paano naman ako? Sobrang mahal ko siya.. Kaya kahit may hindi na tama sa relasyon namin ay ipaglalaban ko siya.
Ewan ko kung anong pumasok sa isip ko at nag-first move ako. Dahil alam kong sa mga ganitong pagkakataon ay hindi niya ako tatanggihan.
And this time I will make him satisfied. Baka sakaling dahil dito ay hindi niya ako iwan.