Natupad nga ang usapan namin ni Adam na magpanggap bilang magnobyo. Hindi man sang-ayon ang bestfriend kong si Glydel ay sinunod ko na lamang kung ano ang sa tingin ko ay makakabuti para sa amin, maaaring ito ay mali sa iba dahil wala naman maidudulot na maganda ang paghihiganti pero sa tingin ko ay ito lamang ang tanging paraan para tuluyan ko nang makalimutan si Allen. "You look beautiful today, ha?" Binigyan ko siya nang mapang-asar na tingin, hindi kasi ako naniniwala gayong simpleng dress lang naman ang isinuot ko. "So.. saan mo balak pumunta?" pagbubukas ko ng usapan. Napakurap siya ng mga mata saka tumingin sa dadaanan. "Nakita ko sa f*******: post ni Celeb na may celebration daw sa bahay nila ngayon, at imbitado ako," aniya. "And? Anong gusto mong mangyari?" Sumunod ako sa dire

