SINAMANTALA ko ang araw ng aking day off sa pag-asang maaalala ako ni Adam. Naabutan ko siyang papasok ng kanyang apartment kaya naman hindi na ako nag-aksaya ng segundo para tawagin siya. "Adam!" Napatigil siya at napatagilid ng tingin, kung saan ay alam kong nakikilala niya pa rin ako. "What are you doing here?" aniya. Napapikit ako at pilit na namang pinipigilan ang nagbabadya kong luha. Sinubukan ko siyang lapitan kahit na hindi niya magawang makatitig sa akin. "Because I miss you so much, sweetie-- at kahit ilang ulit akong manuyo sa'yo para lang maaala mo ko, ay gagawin ko." Nakita kong napapikit siya at sa sandaling iyon ay hinarap na niya ako. Sandali pa siyang napangisi bago tuluyang magsalita, "Stupid-- kailan ka ba magsasawa na kulitin ako? Hindi nga kita matandaan, 'di ba?

