“Mommy! Ano pong ginagawa ni Rod dito?”
Natatarantang tanong ni Agatha sa kanyang ina. Kakagising nya pa lamang. Halos tatlong araw pa lang ang inilalagi nya sa bahay nila. Tinupad nya ang pangako sa ama na tatapusin nya lamang ang mga dapat tapusin sa trabaho at babawi sya sa mga ito. Babalik sya ng mansyon at gagampanan ang pagiging isang anak.
Kagat-kagat ni Agatha ang hinliliit na daliri. Pababa pa lamang sya ng hagdan kanina ay agad nyang naulinigan ang pamilyar na boses sa sala. Biglang bumilis ang t***k ang kanyang puso nang mapagsino ang pinanggagalingan ng baritonong boses na iyon.
“Mom!” sinabayan na ng kalabit ni Agatha ang pagtawag sa ina. Silip na silip ang kanyang mommy sa siwang ng pintuan. Gulat naman itong napaharap sa kanya.
“Baby girl! Kanina ka pa dyan?”
“Mom, bakit po nandito si Rod.” Naiinis pa si Agatha nang bumungisngis ang ina. Nalintikan na, crush pa ata ng mommy nya si Rod.
“Baby girl, sya ang bagong kasosyo ng Kuya Arthur mo sa negosyo. Hindi ko akalaing lalaki nang ubod ng gwapo ang anak na yan ni Rejina at Rodolfo!” Tila kilig na kilig ang kanyang ina. Niyakap pa nito ang sarili at kinibot-kibot ang mga balikat.
Dumating ang ama ni Agatha. “Baby, mag-ayos ka at may bisita ka sa baba.”
“Dad, masama po ang pakiramdam ko.”
Nalukot ang ilong ng kanyang ama. “Ganon ba. Sya sige, magpahinga ka na lang muna sa kwarto mo. Sa ibang araw ko na lang pababalikin si Rodrigo.”
Bumalik na si Agatha sa kama nya at nahiga. Sa totoo lang ay miss na miss na nya ang binata, lalo pa ngayon at nalaman nyang mahal din sya nito. Nang sabihin iyon ng lalaki ay agad naglaho nang parang bula ang sakit sa kanyang dibdib na dulot ng masasakit nitong salita. Pero gusto muna ni Agatha na makabawi sa pamilya nya.
Nang makabalik sya sa bahay ay agad nyang kinompronta ang kanyang ama tungkol sa pagbibigay nito ng pera kay Mac noon. Umamin naman agad ang kanyang Daddy, humingi ng tawad sa kanya, at sinabing sinusubukan lang nito ang lalaki. Ngunit nung isang araw daw ay dumating sa kanila si Mac at ibinalik ang perang ibinigay ng kanyang ama noon dito. Pinatawad na rin naman ni Agatha ang kanyang Daddy. Wala nang dahilan upang magalit pa sya. Nangyari na yon, at wala nang mababago ron.
Namigat ang talukap ng mga mata ni Agatha. Lately talaga ay madalas syang antukin. Pinagbigyan nya ang sarili at nagpadala na sa antok na humahatak sa kanya.
>>>>>s**t! Ang gwapo ng lalaki kapag gumaganon. Lumapit ito sa kanya at itinapat ang bibig sa puno ng kanyang tainga.
“Tsk, tsk, tsk. Hintayin mo... kapag ako na ang nang-akit sa'yo, Agatha...”
Naramdaman nyang pinasayaran ng binata ng dila ang kanyang tainga. Gumapang ang kilabot sa likod ni Agatha. Mukhang mali yata ang pinasok nya. Tumalikod na rin naman si Rod at lumabas na ng silid. May nakapang panghihinayang si Agatha sa kanyang dibdib.
>>>>><<<<<
Araw-gabi ay nasa kanila si Rod. Kulang na lamang ay doon na ito tumira sa kanila. Kinarir ng lalaki ang panliligaw sa kanya. Tuwang-tuwa naman ang mga magulang nya rito. Sya man ay sobrang galak din dahil sa ipinapakitang effort ng lalaki.
Sabado ng umaga nang dumating si Rod. May dala itong malaking punpon ng pulang rosas, at sampung llanera ng leche flan. Ngiting-ngiti ang lalaki sa kanya. Nang makalapit ay hinagkan sya nito sa labi. Nagkagulatan silang dalawa dahil sa ginawang iyon ni Rod.
“Sorry, nasanay lang,” nahihiyang sabi nito.
“Ano yan?” pag-iiba nya, kahit pa alam nyang leche flan ang laman non. Agad syang naglaway nang ilatag ng lalaki ang isang llanera.
“Napapadalas ka ata sa pagkain ng leche flan. Lumalaki na ang braso mo oh,” biro ni Rod at hindi na tinantanan ang kanyang braso. Pisil ito nang pisil roon, at nabwi-bwisit na sya.
“Umuwi ka na nga. Ang aga-aga, iniinis mo ko!”
“Biro lang. Nagagandahan kasi ako sa'yo kapag nagagalit ka.” Inipit ni Rod ang kumawalng hibla ng buhok nya sa kanyang tainga. “Ni minsan ba naranasan mong pumangit?”
Natatawa na sya sa kakornihan ng lalaki.
“Siguro ang sarap sa feeling na paggising ko, mukha mo agad yung masisilayan ko,” banat ulit nito.
“Pwede ba, Rod. Ang korni mo,” natatawa na nyang sabi.
Sandaling natahimik si Rod. “Uhm, Agatha... magpapaalam sana ko sa'yo.”
“Tss, hindi naman ako ang nanay mo, bakit kailangan mo pang magpaalam?”
Tinitigan sya ni Rod, saka nginitian. “Ang ganda mo talaga.” Pinisil nito ang kanyang baba. “Mawawala kasi ako ng mga ilang araw, o pwedeng linggo, o kaya umabot ng buwan.”
Natigilan sa pagkain ng leche flan si Agatha. “Saan ka naman pupunta?”
“Marami kasi ako kailangang pag-aralan sa pasikot-sikot ng negosyo namin ni Arthur. Pero dadalasan ko naman ang pagtawag sa'yo, para syempre ituloy ang panliligaw.”
Nalumbay ang puso ni Agatha. Hindi pa naman umaalis ang lalaki, pero bakit parang nami-miss na nya kaagad?
“Saan ba yung lugar na pupuntahan mo?”
“Sa Davao muna. Hindi ko alam kung gaano kami katagal don. Tapos didiretso kami ng Japan, para makita yung mga makabagong equipment don.”
Ipinikit-pikit ni Agatha ang kanyang mata. Pilit ikinukubli ang unti-unti nang pamamasa noon.
“Paano kapag nakakilala ka ng ibang babae ron?”
“Eh di mabuti! Single naman ako -- ARAY!”
Nilapirot nang matindi ni Agatha ang tagiliran ni Rod. Naiyak na rin sya.
“Ako yung kinurot mo pero ikaw ang umiyak. Tahan na uy... biro ko lang yun. Alam mo namang ikaw lang ang mahal ko eh.”
“Napapagod ka na siguro sa panliligaw sakin kaya dahilan mo na lang yung pag-alis mo! Sasabihin ko kay Kuya Arthur na wag kang isama.”
“Never akong mapapagod sa'yo, Agatha. Malay mo naman, sa pag-alis kong 'to, don mo lalo mapatunayan na loyal ako sa'yo. Basta i-promise mo na sasagutin mo na ko pagbalik ko."
Hinaplos ni Rod ang kanyang pisngi.
“Sandali lang ako, Agatha. At sa pagbalik ko, sagutin mo man ako ng oo o hindi, pakakasalan pa rin kita. Kung kailangang igapos kita, gagawin ko. Wala ka nang takas sakin. Hindi ka na makakatanggi.” Sinundan iyon ng lalaki ng isang magaan na tawa.
“Mahal kita, Rod. Magpapakasal ako sa'yo pagbalik mo. Pangako...”
Nahalikan sya ng lalaki sa tuwa. “Tayo na?! Sinasagot mo na ko?!”
“OO nga! Engot naman nito.”
Itutuloy...