Chapter 8

1473 Words
Napakislot si Agatha nang pisilin ni Rod ang babyfats nya sa tyan. Tinabig nya ang kamay nito.   Naiirita sya tuwing ginagawa iyon ng lalaki sa kanya. Aminado naman sya na nagkakaroon na sya ng babyfats na si Rod din naman ang salarin. Wala na itong ginawa kundi sundin ang lahat ng ipabili nya. Ngayon nga ay nanonood sila ng movie nina John Lloyd at Bea. Tangan nya ang isang half gallon na rocky road ice cream. Sitting pretty syang nakasandal sa sofa habang si Rod ay nakahilig sa balikat nya at pinipisil-pisil ang kanyang bilbil.   “Gusto mo ng pizza? Oorder ako.” Hawak na ni Rod ang telepono at handa nang idial ang mga numero.   “Yoko! Tumataba na nga ko eh. Dahil sa'yo!” singhal nya sa lalaki. Pero kaunting push pa ni Rod, baka pumayag na rin sya. Sayang naman, laman tyan din yon.   “Sinisisi pa ko. Kapag kasi ginigising ka para maagang makapag-jogging, gising agad.” Si Rod na braso nya naman ang napagdiskitahang pisilin.   Sa totoo lang ay active ang lalaki sa pag-eehersisyo. Parati sya nitong niyaya sa umaga. Ang kaso, sya talaga ang may problema. Parating napapasarap ang tulog nya sa kwartong ibinigay sa kanya. Tinatanghali tuloy sya ng gising. Pero nitong huli ay napapansin nyang medyo nagsisikipan na ata ang mga short nya sa kanya. Natitiyak nyang lumagpas na sa 24-25 ang size ng bewang nya.   “Geh! Gym tayo! This time, sasama na talaga ko sa'yo,” determinado nyang sabi.   “Deal?”   “Deal! Dial mo na yung pizza,” napapapalakpak pa nyang utos kay Rod.   “Parating na po,” sabay halakhak nito.>>>>>Kim Chiu? Hindi. Kim Atienza!   Tinanggap naman nya ang pakikipagkamay nito. “Hi! I'm Agatha,” sabay ngiti at pakita ng perpekto nyang set of teeth.   Tumuloy na sila sa loob. Iilan lang ang mga babae at karamihan ay mga lalaki. Sa lahat ng babaeng iyon ay wala atang hindi kilala si Rod. Lahat ay binati ang lalaki na tila ba kaarawan nito ngayon. Okay lang naman kay Agatha kahit pa lantaran ang panlalandi ng mga ito kay Rod, na hindi naman pinapatulan ng lalaki. Pero ang titigan sya nang mula ulo hanggang paa at pasimpleng ismiran ay hindi nya ata kayang palampasin.   “Tata, unahin mo muna ang treadmill --” Naputol ang paliwanag ni Rod nang tawagin itong muli ni Kim.   Nagpaalam sa kanya ang kaibigan at nilapitan ang nag-iinarteng babae. Naitirik ni Agatha ang mga mata nang makitang nagpupumilit ang babae na buhatin ang malaking weights. Nagkandatuwad na ito at halatang inilalantad ang dibdib at kuyukot kay Rod.   Ipinagpatuloy na lamang ni Agatha ang pagtakbo sa treadmill kahit pa bwisit na bwisit na sya. Iniisip nya na lamang na may mga nakalatag na mukha ni Kim sa treadmill at isa-isa nya iyong tinatapakan. Nabasa na't lahat ang T-shirt nya ng pawis ay di pa rin bumabalik sa pwesto nya si Rod. Nang lingunin nya ang mga ito ay nagbo-boxing na ang dalawa, at nagtatawanan pa.   Sa inis ay tinungo nya ang CR. Narinig nya ang pag-uusap ng dalawang babae sa cubicle.   “Yung kasama ni Rod, GF nya kaya yun?” maarteng tanong ni girl number one.   “Hindi siguro. Baka pinsan. Mukhang nene eh. And mukhang wala ring pake na nilalandi na ni Kim si Rod.” Kaloka si girl number two, boses k**i.   Nang maramdaman nya na tapos na ang dalawa ay pasimple syang nagkuble sa likod ng pinto. Hinintay nya munang makalabas ang mga ito.   Nene pala huh! Hinubad ni Agatha ang T-shirt. Mabuti na lamang pala at sports bra ang kanyang isinuot. Kapares iyon ng suot nyang leggings. Iniladlad nya ang buhok at saka itinirintas nang medyo gusot-gusot. Kung si Kim ay naka "messy bun," pwes sya ay naka "messy braid." Naglagay sya ng kaunting lipbalm na cherry flavor. Hindi na sya nag-powder at hinayaan na lamang ang pisnging natural na namumula.   Sinipat ni Agatha ang sarili sa salamin. Sandali pa lamang syang nagpapapawis ay bumalik na kaagad ang pagka-flat ng kanyang tyan. Ibinaba pa nya nang kaunti ang waistband ng leggings upang mas lalong makita ang hikaw nya sa pusod. Inayos nya rin ang dibdib upang mas umumbok iyon. Hinaplos nya ang tattoo sa kanyang tagiliran at ilalim ng dibdib. Ngumisi sya sa repleksyon sa salamin.   Sinong Nene? >>>>>Joan. Pumikit sya nang mariin. Nang dumilat ay nakita nya ang takot sa mga mata ni Tata. Napaatras din ito nang bahagya.   Hindi nya masisisi ang kababata. Kilala sya ng lahat na mahinahon, hindi naiinis at lalong hindi nagagalit. Pero heto sya ngayon, halos mapigtas ang litid dahil sa pagsigaw sa babaeng mukhang anghel na pasaway sa kanyang harapan.   Napabuga ng hangin si Rod nang makitang namasa ang mata ng kababata, hanggang sa nag-umpisang bumalong ang masaganang luha sa mga mata nito.   “Oh God... I'm so sorry...” Inisang hakbang nya ang distansya nila at niyakap nang mahigpit ang babae. Bigla syang natauhan. Sumombra na sya. Anong karapatan nyang husgahan at sigawan ang dalaga?   Alam nyang ginagawang lahat ni Agatha upang makapag-adjust sa kanya, lalo na sa aspeto ng pananamit. Mainitin ito at madaling mairita kapag nadidikit sa balat ang damit na basa ng pawis. Pero kahit ganoon ay sinusuot pa rin ng dalaga ang mga pinamili nyang T-shirt at panjama.   Hinugot nya ang face towel sa kanyang bag at pilit iniangat ang mukha ni Tata na hilam pa rin ng luha. Marahan nyang pinahiran ang basang pisngi nito na namumula, tsaka dinampian ng halik ang magkabilang iyon.   “Tahan na... sorry na... nabigla lang ako,” pang-aamo nya rito. Hinawi nya rin ang ilang hibla ng buhok nito na dumikit sa mukha dahil sa pawis at luha. Muli syang humugot ng T‑shirt sa dalang duffle bag at saka isinuot iyon sa dalaga.   “I-Ikaw k-kasi eh... i-iniwan mo k-ko don. B-buti pa si Mark...” sisigok-sigok na sabi ni Agatha.   Muling nagtagis ang bagang nya. Tama nga naman, may kasalanan din sya. Kung hindi nya iniwan si Tata ay hindi ito malalapitan ni Mark. Masasapinan nya ang likod nito at hindi na nito maiisipan na hubarin ang T-shirt. Sya ang aalalay dito sa stationary bike, at hindi nahawakan ni Mark ang balakang ng kababata.   “Sorry, hindi na mauulit. Ayoko lang kasi na nagsusuot ka ng ganyan. Ayoko lang na mababastos ka ng mga lalaki. Ayoko lang ng may ibang lumalapit sa'yo...” dahil nagseselos ako...   Dinampian nyang muli ng magaan na halik ang noo ng dalaga.    Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD