KUNG ANO man ang bumabagabag sa mommy niya ay mukhang hindi na ito makapaghintay na makausap siya. Paano, pagpasok ng kotse ni Nick sa driveway ay namataan na agad niya ang ina na naroon sa porch. Mukhang inaantabayanan talaga nito ang pagdating niya. Kaya naman hindi na rin nagawang ideretso ni Nick sa garahe ang kotse. Pinatay na niya ang makina ng sasakyan, binuksan ang pinto niyon at bumaba. “Mom,” usal niya. “What’s wrong? Are you okay? Is Nathaniel—” “We’re fine, Nick,” sagot nito, pero hayon at hindi nito maitago ang concern sa mukha. “Then what’s with that face?” Napansin yata na naroon pa sila sa porch, hinawakan ng mommy niya ang braso niya at niyaya siyang pumasok sa bahay. Naupo sila sa mahabang sofa. “I… I really can’t ask you dahil… dahil nawawala ang memor

