Part 15

1136 Words
IPINASYA NI Angelu na huwag nang bumalik sa eskuwelahan at umuwi. Pero bago niyon ay dumaan muna siya sa isang grocery store para mamili ng mga chichirya. Sa pagkain sa mga junk foods niya inilalabas ang sama ng loob.             She went to the cashier to pay for her junk foods. May isang nauuna sa kanya. Malungkot na pinanood niya ang isa-isang pagtatapat ng cashier ng mga items sa scanner. Hanggang isang item ang kumuha sa kanyang atensiyon. Tumuwid ang likod ng dalaga. Nakakadama siya ng panlalamig habang nakatingin sa disposable napkin na hawak ng cashier. Nanuyo ang kanyang lalamunan. Noon lamang pumasok sa isipan niya na hindi pa pala siya dinadatnan ng buwanang dalaw niya. She was supposed to have her period almost a week ago.             Nahilo siya. Biglang nanginig ang mga tuhod niya kaya naman napahawak siya sa counter. “Miss, ikaw na— okay ka lang ba?” tanong ng cashier.             Umiling ang dalaga. She was not okay. Patuloy na nanlalamig ang kanyang katawan. Iniwan niya ang mga junk foods niya at tinungo ang nakitang bench sa waiting area. Naupo siya roon. Angelu was biting her fingernail out of nervousness. Hindi naman siguro ako buntis. Gumagamit naman ng c****m si Nick… pagpayapa niya sa sarili. Napakalakas ng t***k ng puso niya na parang mabibingi na siya sa tunog niyon. It was giving her anxiety and cold sweats. Pero regular ang dating ng period ko. Always on a 21 day cycle…             Kinuha niya ang telepono niya at tinawagan si Wena. “H-Help,” tanging nausal niya.   “KAILANGAN mong sabihin kay Nick, Anj,” ani Wena. Hindi na ito pumasok sa sunod nitong subject at pinuntahan siya ng kaibigan. It was three in the afternoon.             Namumutla at puno ng takot na nakatitig si Anj sa pregnancy test kit na binili ni Wena sa isang d**g store. May dalawang linya iyon na nagsasabing buntis siya. “B-baka nagkamali lang ng resulta. Baka expired na ito. And it’s still so early to tell. O, baka—” Tumigil siya. She cried, helplessly. “N-natatakot ako, Wena.”             “Anj,” anito, hinawakan ang nanginginig na mga palad niya. “Kung may kailangan ka mang tao sa sandaling ito ay walang iba kundi si Nick iyon.” Isinenyas nito ang pagdating ng kotse ni Nick. “Magiging maayos ang lahat. Makikita mo. It’s okay,” anito bago pinunasan ang mga luha niya. Nang papalapit na si Nick sa kinauupuan niyang bench ay umalis na si Wena.             “Anj,” anito. Kahit papaano ay lumuwag ang dibdib ng dalaga sa pag-aalalang nasa mukha nito. Tinabihan siya nito sa bench. “Ano’ng emergency ang tinutukoy mo? Why are you crying? Are you okay?” sunod-sunod na tanong nito bago siya kinabig at ipinaloob sa mga bisig nito. Humihikbing isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito. “Oh, damn. Sorry kanina. Hindi lang talaga ako handa na makilala ang mama mo. Shhh. Stop crying.”             Everything will be all right, Anj. Magiging maaayos ang lahat… “N-Nick.” Humiwalay si Nick. Muli nitong pinunasan ang mga pisngi niya. “M-may kailangan kang malaman,” panimula niya. Hell. Hindi talaga niya alam kung papaano sasabihin sa binata ang balita.             “Tell me,” udyok nito. Sa halip na magsalita ay ipinakita niya rito ang bagay na nasa loob ng nakakuyom na kamao niya. Ni hindi nito iyon napansin kanina. Binuksan ni Angelu ang palad niya. Dahil gusto talaga niyang makita ang rekasiyon ng binata ay itinutok niya sa mukha nito ang kanyang paningin. Nick was clearly shocked. Saglit na hindi rin ito makapagsalita. Sinubukan marahil na magsalita at ibinuka ang labi pero walang boses na lumabas roon. His face was as white as a paper. His eyes were dilated as he looks at her.             “B-buntis yata ako, Nick.”             Biglang tumayo si Nick. Parang napapaso na binitiwan siya. Hindi makapaniwalang hinaplos nito ang panga. Lumunok ito. “H-how d-did it happen? G-gumagamit tayo ng protection, Anj,” natatarantang tanong nito. “Papaanong nangyari na— Anj?” may bahid na ng galit na tanong nito.             “N-Nick…” nanginginig ang labi na usal niya. Tumayo siya. Sinubukan niyang lapitan ang binata, but he backed away from her. And it really hurts.             “How could you let it happen?” He snapped. Hindi maitago ni Nick ang paninisi sa kanya. “There must be some mistakes. That was a mistake!” Her heart sank. Lalo siyang napaiyak. Tinutop niya ang bibig para hindi makatawag ng atensiyon ang paghagulhol niya. Ni hindi nga niya alam ang kanyang gagawin at inaasahan niyang makakapitan niya si Nick sa sandaling ito. Inaasahan niya na yayakapin siya ng binata. Kokonsolahin siya nito at sasabihing, ‘it’s okay, Anj. Huwag kang matakot. We’ll work it out.’ But his reaction was letting her down. His reaction was tearing her into pieces.             “N-Nick…” lumuluhang pagtawag niya rito, humihingi ng assurance. Ayaw niyang maging mas negatibo. Baka nabigla lang si Nick sa balita niya. Tinitigan siya ni Nick. Naroon ang takot sa mga mata nito. Umiling-iling ito. Kapagkuwan ay tumalikod at tila hinahabol ng demonyo na tinungo ang sasakyan nito. Bumuka ang labi ni Angelu, hindi makapaniwala habang sinusundan ng tingin ang papalayong sasakyan. His car was gone in an instant. Napakasakit. Hindi niya maipaliwanag ang sakit na parang pumipilas sa pagkatao niya. Nick walked out on her! Para itong aso na nabahag ang buntot at nagmadaling lumayo makatakas lang sa kanya. Walang lakas na napaupo siya sa bench. “Anj!” pagdalo sa kanya ni Wena. Nakakita ng masasandalan, agad na yumakap si Angelu sa kaibigan at umiyak nang umiyak sa balikat nito. “H-he walked out on me. H-hindi niya tanggap ang b-balita,” pag-iyak niya. “W-Wena… Ano na ang gagawin ko?” “Shhh,” pagpayapa ni Wena sa kanya habang hinahaplos ang likod niya. Bagay na sana ay si Nick ang gumagawa. “B-baka nabigla lang si Nick. Natakot. Baka kailangan lang niya ng oras para mag-sink in sa kanya ang lahat,” anito. “Makikita mo, baka maya-maya lang ay nariyan na si Nick. Magiging maayos ang lahat, Anj.” Sana nga, piping panalangin ni Anj. Oh, lord, sana nga po ay nabigla lang si Nick. Natatakot lang, tulad ko. But he’ll come to his senses. He’ll be a man at hindi tatalikuran ang responsibilidad niya. Pananagutan ako ni Nick. Oh, God, sana nga po… Sa sandaling iyon, parang nang-aasar pa na bumabalik sa isipan niya ang mga sinasabi ng ibang tao tungkol sa kanya; --- Maaga rin iyang mabubuntis at mapapariwara. --- Hindi namumunga ng manga ang puno ng santol. ---Dugo ng nanay niya ang dumadaloy sa ugat niya, kanino pa ba magmamana?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD