HUMIHIKAB na lumabas si Angelu sa silid niya. Pumunta siya sa kusina para magtimpla ng kape. Nang maisalang iyon sa percolator ay naupo lang siya sa mesa. Ipinatong ang kanang siko sa ibabaw ng mesa at tulalang nangalumbaba. “I think I loved you then, Anj. And I love you still.” She let out a hefty sigh. Nagulat pa siya nang may may door bell. Kumabog ang dibdib niya. And just like that she knew it was Nick. Ganoon ang t***k ng puso niya kapag nasa paligid ang binata. s**t! Kaaga-aga naman nitong mambub’wisit. Nagmamartsang lumapit siya sa may pinto. Binuksan niya ang pintuang kahoy. May isa pang pinto na ang upper part ay may screen para makita kung sino ang nasa labas, hindi niya iyon binuksan. “Ang aga mong manira ng araw,” agad na banat niya, nakasimangot.

