Xiah's POV
Kasalukuyan kaming nag-iintay sa airport para sunduin si Ylona. Ngayon na kasi ang punta niya dito sa Pilipinas. Na-adjust naman ang wedding day nila Cason kaya next week na ito agad. Bukas naman ang aming punta sa Palawan para sa shooting.
"Uy si Eixiah Anderson tsaka si Jax Rutherford oh!"
"Oo nga! Babalik na ba sila sa France?"
"Hindi pa ata! Hindi pa tapos yung filming ng magiging movie eh."
"Tangek! Balita ko eh susunduin nila si Ms. Ylona!"
"Hi Ylona!!"salubong ko kay Ylona. Si Jax naman ay nanatiling nakatayo at nginitian nito si Ylona.
"Let's go home maaga pa tayo bukas."—Jax.
"Oo nga baka may jet lag ka pa Ylona."natatawang sabi ko.
"Sure! Sure!"kinuha naman ng bodyguards namin yung dalawang maleta ni Ylona na dala niya.
Sumakay kaming tatlo sa sasakyan, Si Jax sa passenger's seat tapos kami ni Ylona sa likod. Sa driver's seat naman si Bert,anak siya ni Mang Berting. Habang nasa byahe ay nagku-kwentuhan kami about sa mga nangyari sa shooting namin.
"Anyways saan ka nga pala tutuloy Ylona?"tanong ko.
"Ahm,actually hahanap pa ako ng condo but kakapalan ko na yung mukha ko can I live in your condo Jax?"medyo napbigla ako sa tanong niya pero agad ding nakabawi.
"Ahm,sure."napataas ang isang kilay ko sa sagot ni Jax. "Sa condo na lang ako ni wife titira or sa bahay namin."napangiti naman ako sa sinabi niya. Hindi naman sa pinagdududahan ko na may gusto si Ylona kay Jax kasi two years naman ang agwat nila I mean niya sa amin.
Pagkahatid namin kay Ylona sa condo ni Jax ay dumiretso na kami sa condo ko,meron na din naman siyang mga damit doon pero hindi ganoon kadami. Tama lang pang isang linggo. Kinuha na din niya yung maleta niya na may lamang damit na gagamitin sa Palawan bago kami pumunta sa condo ko.
"Excited na ako sa kasal nila Gizel!"I giggled while I'm preparing untensils for our dinner. Si Jax naman ay nagluluto,sabi niya siya na lang daw ang magluluto ngayon tapos ako na lang daw bukas pang-breakfast.
"Oo nga eh balita ko kasal na si Sandra."sabi niya habang ipinapatong yung pagkain namin.
"Oo nga daw hub,last year pa eh."
*****
Cassidy's POV
"Ang ganda naman dito sa Palawan honey!"sabi ko habang tinatanaw ang magandang view ng dagat at sunset mula sa kwarto namin.
"Yeah."walang ganang sagot niya.
Si Mommy ang nagsabi na pumunta daw kami dito for a vacation. Wala namang nagawa si Yuan kung hindi ang pumayag kaya yun. Kahapon pa kaming nakarating dito sa Palawan at medyo boring lang kasi hindi pala imik si Yuan. Pinagmasdan ko siya habang nagla-laptop at nakaupo sa kama. Napabuntong hininga ako.
When will you love me back again? No matter what it takes I'll do everything for you to love me the way I love you....Yuan Eduard Esguerra. I know you still love her but the way she talked to you the last time we saw them....she already moved on from what happened years ago...so please moved on from her and love me back..
Maya-maya pa ay dumating na yung dinner namin kaya nagsimula na kaming kumain sa gitna ng nakakabinging katahimikan kung saan ang pag-ugong ng aircon lang ang maririnig.
"Uh honey anniversary na pala natin bukas."pagbasag ko sa katahimikan.
"I know."simpleng sagot niya.
"Do you have plans?"Binaba niya ang utensils niya at nag-angat siya bg tingin sakin.
"Bahala na."sabi niya saka nagpatuloy sa pagkain.
Pagkalipas ng ilang oras ay natulog na si Yuan sa king size bed namin. Habang ako naman ay nanatiling nakaupo sa tabi niya at nagla-laptop.
*****
Gleishan's POV
*baby cries*
Nagising ako dahil sa iyak ng baby namin na si Ashley sa kaniyang kuna. Habang si Casstielle naman na asawa ko ay mahimbing na natutulog. Mahirap na baka pagnagising eh kung ano ano na naman ang gustong kainin. Bumangon ako at pinuntahan si baby Ashley at binuhat ito at ihele hanggang sa makatulog na ulit ito ay bumalik na ako sa aking pagtulog. Pagkalipas ng ilang minuto ay naalimpungatan ako sa pagtapik ni Casstielle sa pisngi ko.
"Mmm?"ingit ko habang pikit pa.
"Gusto ko ng strawberry cake na may boiled egg toppings."batid kong naka nguso siya habang nagsasalita. Nagmulat na ako at bumangon,hinalikan ko siya at sinabing titingnan ko sa ref kung may strawberry cake pa at lalagyan ko ng boiled egg toppings kuno. Maya-maya pa ay umakyat na ako at pumasok sa kwarto namin dala ang pagkaing gusto niya.
"Thank you!!!"tuwang tuwa siya ng nakita ang cake na gusto. Napailing na lang ako at humiga na sa kama. Alas tres na rin kasi ng madaling araw kaya hindi na rin ako nakatulog. Pero si Casstielle naman ay natulog pa din ng mahimbing pagkatapos makain ang cake. Buti nga at hindi siya inis sa akin ngayon,may times kasi na ayaw niya akong makatabi kesyo mabaho daw ako kaya pinaligo niya ako at ang sabing ginamit ko pa ay yung sabong pang bareta na sinabi niyang gamitin ko para daw hindi ako mabaho. Tapos meron din namang times na hindi niya ako papansinin tapos pag itinigil ko ang pagsuyo sa kaniya eh bigla biglang mage-emote na pangit na daw siya kaya daw siguro hindi ko na siya nilalambing at hindi ko na daw siya mahal ganito ganiyan. Hayy! Hindi naman siya ganiyan nung pinagbubuntis niya si baby Ashley eh. Pero kahit ganon syempre mahal na mahal ko pa din siya. Pangatlong babae siya sa buhay ko eh,una si Mommy tapos si Eixah na isa ng sikat na model ngayon,naalala ko nung umalis siya papunta ng France eh nabugbog ko yung Yuan dahil sinaktan niya si Eixah na walang ginawa kundi mahalin siya nung mga araw na nasa Canada siya tsk! Buti na lang at ayos na si Eixah kasama si Jax.
Nakapag-UD rin sa wakas! Kagagawa ko lang nito eh??